Frances P.o.v
Lumipas ang isang araw na wala na naman kaming napala. Hindi ko nga alam parang nawawalan na ko ng pag-asa sa sarili. Siguro hindi na talaga kami makaka alis sa lugar na to.
Sabay nawala pa si Kisha sa hindi namin alam na paraan at kung paano. Ang sinabi lang ni Mailene ay hindi na daw makilala yung muka, kung sakaling si Kisha talaga yung namatay ngayon sobrang nakakalungkot at unexpected talaga nung nangyare.
Nandito na kami nila Joy sa Kwarto kasama na rin sila Jasmine na natutulog na. Gabi narin kasi at bukas, araw na naman para simulan na naman hanapin yung kailangan naming hanapin.
Ang tahimik ng paligid at sobrang nakakabingi. Wala pa yung iba dito kami palang yung nandito, si Grace na kanina nakatali ay pinahiga na namin ngayon sa kama niya. Wala kaming choice na itali na siya kasi baka may magawa siyang mali sa plano namin.
*Sniff
Tumigil na ko sa pag-iyak kanina pa pero inaatake naman ako ng sipon ko na kanina pa gustong lumabas. Kanina pa ko singa ng singa pero ayaw maubos.
"Sana makaalis na tayo dito" sabi ni Joy na katabi ko ngayon at nakatingin sa mga paa niya. Hindi ko nalang siya sinagot dahil alam niya naman na ganon din yung gusto kong mangyare.
------- ---
Maaga na naman!!
"Be gising na" ginising ko na rin si joy na katabi ko ngayon dito sa higaan ko. Dahil double deck to napag pasyahan nalang namin ni Joy na mag tabi sa higaan dahil pareho kaming dalawa.
"Aaah" napaunat si Joy at nagkusot ng mata.Joy P.o.v
"Frances halika na at baka ma late pa tayo" anyaya ko kay Frances na kanina pa nakapila dito sa cafeteria. Bibili daw kasi siya ng spaghetti dahil hindi pa siya nag la-lunch pero anong oras na at mahuhuli na kami sa unang subject namin ngayong tanghali.
"Saglit lang, malapit na ko oh" sabi naman niya at parang excited pa siya sa kakainin niya.
"Joy" napalingon ako sa lalaking tumawag sakin galing sa likod. Si Jason pala na pawis na pawis at mukang galing lang sa practice ng basketball.
"Oh? Pawis ka na" ngiting sabi ko dito at lumapit. Nakangiti rin siya sakin at iniabot sakin ang bola na hawak niya.
"Huh?"
"Ano yan?" Tanong ko dito pero matapos niyang ibigay sakin yung bola ay agad na siyang umalis.
"Anong meron dun?" Tanong ni Frances na sumulpot agad sa likod ko. Kumakain na siya ngayon ng spaghetti na nasa bucket.
"Ewan ko nga eh" sagot ko nalang sa kanya at inusisa ang bolang binigay niya sakin. Inikot ko ito at may nakasulat pala sa bola na to.
"I like you?!" Si Frances pa ang nagbasa at ang lakas pa ng pagkabasa niya kaya pinagtitinginan kami ng mga taong nasa cafeteria rin.
"May gusto sayo si Jason?" Tanong muli sakin ni Frances na may malawak na ngiti sa labi.
Namumula na yata ako sa sinabi niya at first time kong makatanggap ng ganito. Bola na may naka sulat na 'gusto kita'.
Hinawakan ako ni Frances sa balikat at parang nawala nalang yung pagakain na hawak niya lang kanina.
"Be gising na"
"Be gising na"
"Be gising na"
.
.
.
.
.
.@_@
"Be gising na" gising sakin ni Frances.
"Aaah" nag unat ako at kinusot ang mga mata ko.