Chapter 29- Second Day Off

24 2 4
                                        

Third Person P.o.v

Tanghali na nagising ang lahat dahil sa hindi sila halos nakatulog kakaisip ng unang misyon na kailangan nilang gawin.

"Dapat hindi tayo magpahalata" sabi ni Acun sa kanila nang magtipon sila para muling mag-usap.

"Oo" sagot naman sa kanya ng mga ito.

Nag simula na silang maghiwa-hiwalay para pasimpleng hanapin kung saan ba sila pinapanood ng mga ito. Ang grupo naman ni Frances ay nag punta sa mini mall at ang iba naman ay sa tanghalan, park, school supplies booth at sa maliit restaurant.

"Medyo magaganda yung mga damit dito bakla" sabi ni Johnloyd sa kaibigang si Maika habang tinitignan ang sarili sa salamin kung bagay ba sa kanya ang mga damit na napili.

"Hoy hindi yan yung pinunta natin dito" sabi sa kanya ni Maika.

"Tsh" ismid naman sa kanya ni Johnloyd at ibinalik na ang mga damit na napili.

"Wala naman yata dito eh" napakamot si Joy sa ulo at tumitingin tingin sa taas.

Samantala, abala rin sa paghahanap sila Acun na sa park naman naisipan pumunta kahit na tirik na ang araw. Hindi sila masyado nagpapahalata dahil ayaw nilang malaman na may balak silang makaalis sa lugar na yun.

"Paano kung wala tayong Makita?" Tanong ni Tristan na nakaupo na sa bench. Mukang napagod na siya kakalakad dahil kanina pa sila paikot ikot doon.

"Ano ka ba, wag ka masyadong maingay at baka may makarinig sayo" sabi naman sa kanya ni Clark.

"Haysss!! Nagugutom na ko! Kayo ba hindi?" Tanong niyang muli.

"Kain muna tayo, saka na natin ipagpatuloy ang paghahanap" sabi naman ni Jason.

Napag desisyunan nilang kumain nalang muna para magkaron muli sila ng lakas. Sa halos isang araw na lumilipas, isang beses nalang sila nakakakain. Sa dami ng problemang kinakaharap ngayon, nawawalan narin sila ng ganang kumain paminsa minsan.

Nang makarating sila sa restaurant ng lugar, napansin nilang nandoon narin yung ibang kasamahan. Ang grupo ni Kim at sila Jasmine nakaupo at kumakain.

"Anong balita?" Tanong nila Fatima nang makapasok na sila Acun sa loob.

Wala naman kasing ginawa sila Kim at nakaupo lang sa restaurant at naghihintay lang ng magandang balita.
"Wala parin kaming mahanap" sabi sa kanya ni Jason na umupo narin sa isang lamesa.

"Bakit naman wala pa?" Medyo iritadong tanong ni Eulla sa kanila. Si Wendy nakaupo lang din at kasama parin sila Kim kahit na panget ang trato sa kanya ng mga ito.

"Bakit? Kayo may nahanap na ba?" Pikon na tanong naman ni Tristan pabalik. Ang grupo talaga nila Kim may kakaibang ugali, ngayon mo lang makikita dahil ngayon mo lang makakasama ng matagal. O baka ito na yung sinasabi ni Grace na malalason na ang mga utak ng mga taong nandoon kaya ganoon na angmga kinikilos ng mga ito.

"Wala rin kaming nakita" sagot naman nito.

"Wala rin pala eh, tumahimik ka nalang" -Tristan

"Shh" pigil sa kanila ni Paulo, kilala kasi nito si Tristan at sadyang pikon talaga ito at makikipagtalo lalo na kung may punto siya.

Kumuha nalang sila ng bagong lutong pagkain na parati nalang nakalatag sa hapagkainan.

"Nakakainis" sabi naman ni Eulla sabay irap kay Tristan.

Dumating narin sila Frances na mukang walang dalang magandang balita.

Frances P.o.v

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon