Third Person P.o.v
Yinakap ni Hellena ang mga kaibigan habang umiiyak. Hindi niya makalimutan ang nangyare sa kanya at sa ginawa sa kanya ni Troy.
"Anong nangyare?" Tanong ni Clark sa kanila.
"Hindi ko nga alam eh, ano bang nangyare?" Tinanong na ni Francheska si Kisha na kasamang lumabas ni Hellena sa Mall."Tinangka siyang gahasain" medyo hingal pang sabi sa kanila ni Kisha.
"Huh?! Nino?" - Clark
Patuloy parin sa pag-iyak si Hellena. Pero tumitigil na rin siya kahit papaano.
"Si Troy" sagot ni Kisha sa kanila.
"Troy?" Tanong naman pabalik ni Acun.
Tumango tango lang si Kisha bilang sagot.
"Tara na dito be, bumalik na tayo sa room natin" hinawakan nila ang kaibigan at dinala na sa dati nilang room, mas maganda na kung dun na sila at hindi na sama sama lalo na't may nangyare nang masama sa kaibigan.
Pinuntahan naman nila Acun si Troy sa mall na sinamahan ni Kisha.
"Nandun siya" sabi nito sabay turo sa may likod ng pader.
"Ano to?" Tinuro ni Paulo yung bangko at punit na damit na pinagkabit kabit lang. Hindi na kasi natuloy ni Kisha ang gustong gawin.
"Wa-wala yan, wag niyo na lang pansinin" sabi nito at naglakad muli papunta kay Troy. Nakabulagta ito at may dugo na sa ulo.
"Ano naman nangyare sa kanya?" Tinulungan nila itong buhatin para mapunta sa Clinic, buti nalang meron pa siyang pulso at nakalabas agad yung dugo at hindi na kumalat pa sa loob ng ulo niya.
"Bakit lagi nalang may laman tong clinic?" Napahawak sa ulo si Jason.
"Mas delikado na tayo ngayon, dahil may ganito nang nangyayare" sabi naman ni Acun, may punto siya dahil kapag ganito na ang nangyayare, mawawalan na sila ng tiwala sa isa't isa. Kung ang pangunahing kailangan sa grupo ay tiwala, talo na agad sila.
Binendahan na nila ang ulo ni Troy dahil sa sugat nito.
"Ang lupet din nito ano? Ganito na nga nangyayare satin nakagawa ng ganon" ngiting wika ni Tristan sa mga kaibigan. Hindi naman siya sinagot ng mga ito.
Samantala, kinukuha na nila Francheska yung mga kutson nila sa isang silid kung saan lahat sila ay doon na natutulog. Babalik na sila sa totoong kwarto nila.
"Anong gagawin niyo jan?" Tanong sa kanila ni Wendy na nakahiga sa kanyang kutson.
"Babalik na kami sa kwarto natin" sagot naman sa kanya ni Jasmine.
"Bakit naman?" Tanong ulit ni Wendy .
"May rapist dito" diretsong sagot sa kanya ni Francheska.
"Rapist?!"
Napatingin sila sa kakadating lang na sila Frances. Mukang nagtaka sila sa sinabi ni Francheska.
"Oo muntik nang gahasain ni Troy si Hellena" sabi naman ni Francheska.
"Kaya mas maganda na kung hindi na tayo sama sama sa iisang kwarto, dahil hindi tayo nakakasigurado kung ligtas ba tayo sa mga lalaki dito" sabi muli nito.
Lumabas na sila na dala ang mga kutson at nagtungo na sa kwarto ng mga babae.
"Hindi lang talaga yung mga papatay satin ang kalaban dito, ang bawat isa ay hindi dapat pagkatiwalaan" wika ni Maika at umupo na sa kanyang kutson.
Maika P.o.v
Makatulog na nga ako at gabi na rin, wala pa yung iba dito sa silid namin at sila Hellena nasa kabilang room na. Ayaw na nila dito dahil natatakot na sila sa mga lalaki.
