Chapter 48- Escape 2

20 3 4
                                        


Joy P.o.v

Omygadd!! Nasaan na si Frances!

Kasalukuyan kaming tumakbo ngayon palayo sa mga nanghahabol saming mga naka hood. Grabe yung kabang nararamdaman ko ngayon tapos sabayan pa ng init dito sa loob.

May humila lang sa kamay ko sabay hindi ko pa alam kung sino to. Basta takbo lang kami ng takbo, nag kanda dapa dapa na nga kami habang tumatakbo dito eh.
Hindi ko alam kung may naghahabol pa samin kasi wala na naman na kong naririnig.

"Haaa haaa.." tumigil na kami sa pagtakbo nitong humawak sa kamay ko at pareho kaming naghahabol ngayon ng hininga.

"Okay na ba Haaa tayo?" Pabulong na tanong ko sa kasama ko. Grabe ang bilis ng heart beat ko hindi mo na mabibilang yung tibok sa bilis.

"Siguro haaa"

"Jason?" Tanong ko dito.

"Oo" sagot naman niya.

"Ikaw lang pala yan haa" umupo ako saglit at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

*Russshhhhh

Parang may nasandalan yata akong bagay.

Nakaamoy na naman ako ng sariwang hangin!

"Joy ayan na yata ang daan palabas" sabi ni Jason. Hindi ko sure kung ito na ba yung labasan o napunta na naman kami sa loob. Sa dami naming dinaanan na pasikot sikot at parang isang maze tong lugar na'to sa dami ng likuan, hindi mo na talaga alam kung saan ka na ba napupunta.

Agad akong tumayo at binuksan iyon ng malaki. Dahil sa liwanag ng buwan nakita ko ang paligid.

"Ito na nga" sabi ko kay Jason, agad naman na kaming lumabas.

Maraming malalaking puno at halaman ang nalabasan namin dito. Langhap na langhap mo rin yung simoy ng hangin at amoy hamog pa.

"Paano na yung mga kasamahan natin?" Tanong ko kay Jason at tumingin sa kanya. Ang dami niyang dumi sa muka at kitang kita na pawis na pawis na siya.

"Makikita rin nila yung daan" sabi naman ni Jason at umupo sa malaking bato na nandito.
"Hintayin natin sila" dagdag niya.

"Paano kung may makakita satin dito?" Tanong ko dito. Mamaya kasi may manghabol na naman samin kung ganon yung mangyayare.

"Basta hintayin lang natin sila" seryosong sagot nito sakin habang nakatingin siya sa lupa.

Umupo nalang din ako sa may puno na nakabagsak na. Nakatapat ako sa kanya at nandito lang kami sa bungad ng labasan.

Acun P.o.v

Takbo lang ako ng takbo, hindi ko na alam kung saan na ba ako napupunta. Nagka watak watak kaming lahat.

Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi naman to yung ineexpect ko na mangyare! Hindi ko na alam kung nasan na yung iba. Basta tumatakbo lang ako sa masukal na daan na'to. Patuloy parin akong hinahabol ng mga naka hood at nahihirapan na ko dahil wala rin akong makita. Alam kong marami na kong sugat sa katawan dahil ilang beses na kong nadadapa.

Grabe naririnig ko parin yung mga yabag ng paa nilang tumatakbo papunta sakin. Kaya kahit na hirap na ko sa pagtakbo pinipilit ko parin. Parang naligo ako dahil sa pawis na tumutulo sa katawan ko.

May nakapa na naman ako na likuan kaya lumiko na kong muli at tumakbong muli. Ang dami na rin sigurong sugat nitong kamay ko dahil ito yung ginagamit ko sa pagkapa.

Nasan na kaya sila Clark? Nag-aalala na ko sa kanila kasi hindi ko alam kung ano ng nangyare sa kanila.

Sa pagtakbo ko wala na kong narinig na may nanghahabol sakin kaya naglakad nalang ako para makapag pahinga narin. Hindi ko narin kaya kasi pagod na ko at naghahabol na ko ng hininga. Sobrang kulob dito sa lugar na'to.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon