Chapter 6- Bloody Tears

75 4 10
                                        


Third Person P.o.v

Natapos na ang lahat sa pag eensayo at nandito na nga sila sa stage upang ipakita ang kanilang napag practisan. May mga kanya-kanyang suot na damit na kinuha nila sa mall nung araw na rin na yun. Nakaayos narin yung mga sound system na kailangan upang marinig sila ng maayos at malinaw.

"Alam niyo na yung mga lines niyo?" Tanong sa kanila ni Frances bago sila mag simula.

" Yung mga sasayaw handa na ba?" Tanong niyang muli. Nag thumbs up naman sila kaya bumaba na ng stage si Frances. Narinig na nila ang lagatok ng sapatos na galing sa taas at umupo na doon yung babaeng naka maskara. Tila tumahimik ang lahat at tinignan lamang ang babae mula sa malayo.

"Magsimula na" rinig na rinig ang boses nito dahil sa katahimikang ginawa niya nung pumasok siya sa loob.

Si Grace ang gaganap na bida, isang matapang na babae na walang inuurungan na kahit ano. Kumanta na sila Macky at Shaina senyales na mag-uumpisa na ang palabas.

Lumabas si Grace galing sa gitna at naglakad, sa paglalakad niya nabangga niya  sila Jasmine, Eulla at Wendy. Tamang tama sa nakasulat na script na sinulat ng mga writters at sa prinaktis nila.

"Ano bang hinaharang harang mo?!" Sigaw sa kanya ni Wendy. Itinulak naman siya nila Eulla at Jasmine kadahilanang napaupo siya sa sahig.

Tumayo naman ito at tinulak niya rin sila Jasmine.

"Ikaw yung paharang harang!" Sigaw niya. Manghang mangha sila sa pag-arte nito.

"Tama na yan!!" Dumating sila Hellena at Francheska na pinigilan si Grace. Tamang tama lang din ang dating nila. Ang dalawang direktor naman na nasa baba ng stage ay pinapanood lang ang mga artistang gumaganap.

"Ayoko sa lahat yung inaangasan ako eh" sabi ni Grace sa kanila.

Ilang saglit pa ay nag iba na ang eksena. Kasama nila Joy, Fatima at Kimberly ang mga lalaking sila Clark, Paulo at Troy na pinapalibutan si Luis ang bidang lalaki sa kwento. Ngumunguya ng bubble gum ang iba sa kanila at binuhusan naman ng Harina ni Clark si Luis. Mahina, lampa at nakakaawa kung pagmamasdan si Luis sa eksena.

Dumating si Grace sa eksena at sinabunutan si Joy galing likod.

Tila nagulat si Mailene na isa sa mga sumulat ng kwento at ang iba pa dahil wala naman yun sa script.

"Hahahahaha" napatingin sila sa babaeng naka maskara.

*Clap *clap

Parang namangha siya dahil sa pagsabunot ni Grace kay Joy.

Joy P.o.v

Nagulat ako nung biglang hilahin ni Grace yung buhok ko galing sa likod. Wala naman yun sa napractice namin, hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

Ang sakit at parang mabubunot na yung buhok ko sa paghila niya.

"Hahahahaha" napatigil kaming lahat at pati na rin si Grace dahil napatingin kaming lahat kay Rosana yung babaeng naka maskara.

*Clap *clap

Binitawan na ni Grace yung buhok ko at nagsilapitan naman sakin sila Frances na nasa baba.

"Anong nangyare?" Tanong ni Frances kay Grace. Tila nanlaki naman yung mata ni Grace at nakahawak sa kamay niya. Nanginginig na yung kamay niya ngayon.

"Hindi ko rin alam" sabi niya at napaupo.

"Ikaw pa talaga may ganang mag gaganyan? Masama talaga ugali niyan" napatingin naman kami kay Kim.

"LAHAT KAYO MAGTIPON SA TANGHALAN!" Sigaw ni Rosana sa amin. Nakakatakot yung boses niya kaya agad kaming napasunod.

"Nakakabagot ang inyong ginawang pagtatatanghal" tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad papalapit samin.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon