Frances P.o.v
"Pumunta na sa Tanghalan"
Makalipas ang tatlong araw narinig ko na namang muli yung boses niya galing sa speaker na nakakabit dito. Naiinis ako kasi ito na naman kami at maghahanda sa mangyayare.
Bumilang na ang oras sa mga suot naming orasan kaya kahit wala pa kaming almusal ay nagmadali na kaming pumunta dun. Hindi ko pa nararanasan ang mapaso ang braso dahil sa orasan na suot pero ayoko rin naman yung maransan kaya sumusunod nalang ako.
Sa tatlong araw na wala kaming napalasa sa paghahanap namin napag-usapan namin na ipagpapatuloy parin namin yung misyon kasi nga gusto talaga naming makaalisa sa lugar na to.
Nandito na kami sa may stage at sinuot na namin yung t-shirt namin. Nagpunta narin kami sa kanya kanyang grupo.
Makikita mo talaga sa muka ng bawat isa na ayaw nila ang ginagawa at hindi buo ang loob ng mga ito.
"Magandang araw sa inyong lahat" sabi ni Rosana na hanggang ngayon nakasuot parin ng maskara.
"Anong maganda sa umaga?" Pabulong na tanong ni Tristan pero mukang narinig yata ni Rosana yung sinabi niya at nakatitig na to sa kanya na nagbibigay sakin ng goosebumps!!
"Sumang-ayon nalang kayo sa mga sinasabi ko" sabi muli nito na kahit hindi nakikita yung muka dahil sa suot na maskara rinig naman yung boses niya na nagagalit.
Mukang natakot narin si Tristan sa sinabi nito kaya tumahimik na lamang siya. Hindi ko pa alam ano naman ang gagawi namin ngayon. Kung charades ba o yung parang kokontrolin nila yung mga galaw namin.
Ang kaonti nalang ng Team A kasi tatlo na yung nabawas sa grupo nila. Dalawa naman sa Team B at isa lang sa team C.
Linalamig na naman yung kamay ko sa takot na baka ano na naman yung mangyare samin.
Acun P.o.v
Nandito na naman kami sa stage para may gawi na namang hindi namin alam kung ano.
Itinuro nung Rosana yung screen at agad namang may lumabas na sulat
---------------
Paligsahan.
Ang bawat myembro ng team ay maglalaban laban. Patagalan sa pagpigil ng hininga. Ang matalo, ayon ang makakapunta sa susunod na laro.
---------------
Bakit?
Anong klaseng laro to? Kung iisipin mo napaka dali lang dahil kailangan mo lang pigilan yung paghinga mo pero paano kung hindi mo kayang magpigil ng hininga? Or sabihin na nating saglit ka lang nakapag pigil ng hininga?
"Medyo madali to" sabi ni Tristan na katabi ko ngayon.
Nakita ko naman si Frances na mukang kinakabahan sa mangayayare.
"Open time tayo ngayon" napalingon ako kay Rosana na ngayon ay nakaupo na sa pwesto niya.
"Ang mga suot niyong relo, ayan ang makakapag sabi kung humihinga ba kayo o hindi." Sabi niyang muli kaya agad ko namang tinignan yung relo na hawak ko. Makikita mo dito kung gaano ka bilis yung heart beat mo at kung may pumapasok bang oxigen sayo.
Grabe! Sobrang galing lang kahit na nasa masamang pangyayare kami ngayon.
"Dyaan nalang muna ang lahat ng team pero magsisimula muna sa Team A, pigilan niyo na ang hininga niyo as much as you can kasi kapag hindi at natalo kayo siguradong malalagay sa peligro ang buhay niyo" sabi muli nito.