Third Person P.o.v
"Doon... Bakit kayo nandito?" Tanong sa kanila ni Luis.
"Si Troy nalang ang wala dito" ani ni Hellena.
Napaisip ang lahat na baka kagagawan ni Troy ang nangyare pero naisip rin nila na hindi tama ang mambintang.
"Ano bang nangyare?" Tanong muli ni Luis na nagtataka kung bakit parang natatakot ang mga itsura nito.
"Si Kisha may pumatay sa kanya" - Eulla
"Hindi pa nga natin alam kung si Kisha ba talaga yun, wag tayong mag-isip ng ganyan" pagtatanggol naman ni Frances sa naging kaibigan.
"Malinaw naman na siya yung namatay! Nasaan na siya aber?" Sagot naman sa kanya ni Eulla. Lumalabas na naman ang pagkakamainitin ang ulo nito.
"Namatay si Kisha??" Tila napatigil si Luis dahil nakita niya si Troy na parang may pulang likido na tumalsik sa damit nito. Pero hindi parin siya sigurado doon.
"Oo" tipid naman na sagot ni Acun kay Luis.
Napapikit naman sila Frances at hindi napigilang mapaluha dahil sa nangyare sa kaibigan. Ni hindi manlang nila ito natulungan kahit na libre naman ang kanilang pagkilos kapag wala sila sa loob tanghalan.
"Baklaaaa~" napaiyak si Mailene sa dibdib ni Johnloyd.
"Kung hinahanap niyo si Troy.. nandun siya at parang kakaiba yung kinikilos niya" itinuro nito ang lugar kung saan niya nakita si Troy habang nakatulala lang siya.
"Anong ibig mong sabihin?" - Joy
"Hindi kaya?" Napatingin si Frances sa kaibigan si Joy. Parang pare pareho sila ng naiisip ngayon.
"Saan mo siya nakita?" Tanong ni Acun kay Luis.
"Doon malapit sa mga kwarto" sabi niyang muli kaya agad tumakbo ang grupo ni Acun doon.
Puno ng kaba ang mga babaeng naiwan nila. Isa lamang itong dahilan para magkaroon sila ng takot hindi lang dahil sa larong pinapagaw kung hindi dahil rin sa may kasama silang mamatay tao sa lugar kahit na hindi pa naman nila sigurado na si Troy ba ang pumatay kay Kisha.
"Siya ba?" Hindi na mapigilan nila Frances na umiyak at mapaupo sa grabeng dinanas ng kaibigan kahit na sandali lang sila nagkakilala.
"Hindi man lang natin siya natulungan" sabi ni Joy na patuloy narin sa pag-iyak.
"Lagi nalang bang ganito ang mararamdaman natin" wika naman ni Maika na umiiyak natin.
"Kailangan na talaga nating makaalis sa lugar na to" -Johnloyd
Naglakad naman paalis sa lugar ang grupo ni Kim. Hindi nila gusto ang nangyare pero alam naman nila sa sarili nila na wala na silang magagawa at hindi rin naman nila kaibigan ang namatay. Apat silang naglalakad hanggang sa makarating na sila sa restaurant at ipagpatuloy ang na antalang pagkain.
" Wala na tayong magagawa kung ganon ang nangyare" sabi ni Eulla sabay subo ng pagkain.
"Tama, dapat hindi na nila yun sayangan ng oras at humanap nalang ng paraan para makalabas dito" sagot naman ni Fatima sa kanila. Sumasang ayon lang sa kanila si Kim at nagpatuloy lang na kumain. Samantalang si Wendy naman ay nakatingin lang sa kanilang tatlo na parang may gustong sabihin.
Gusto niya kasing sabihin na hindi dapat ganon ang mga iniisip nila pero ayaw niya nalang mag salita dahil baka ipagtabuyan na naman siya ng grupo at kahit na ganon ang trato sa kanya ayaw niya yun mangyare.
Kasama naman naiwan sila Jasmine, Francheska at Hellena na kasama sila Frances na umiiyak. Hindi nila alam kung paano papakalmahin ang mga ito, lalo na si Hellena dahil sa palagay niya si Troy talaga ang may kagagawan nun.
"Bumalik na kaya tayo?" Tanong ni Jasmine sa mga kaibigan. Tumingin naman sila kay Johnloyd para makapag paalam at tumango lang ito senyales na okay lang na umalis sila at iwan sila doon.
Kaya umalis na sila Jasmine, hindi na sila sumunod kay Acun dahil natatakot parin sila kay Troy lalong lalo na si Hellena kaya napagpasyahan nalang nila sa Clinic dumiretso para makapag pahinga na doon.
"Totoo kayang si Troy may kagagawan nun?" Tanong ni Jasmine sa mga kaibigan."Hindi ko rin alam" napayuko si Hellena sa sagot ni Francheska. Para kasi sa kanya buo na ang loob niya at kompyansa na si Troy ang may kagagawan nun.
Naglalakad lakad naman ang dalawang magkasintahan sa park upang makalimutan ang nangyare at mga nakita nito. Sa hindi kalayuan na nonood lang sa kanila si Luis na nakikita naman ni Mailene sa kanilang inuupuan.
"Sino ba tinitignan mo?" Napatingin si Mark sa tinitignan ni Mailene ngunit agad na pinigilan ni Mailene ang nobyo gamit ang kamay nito."Magiging okay din ang lahat" pag-iiba nito ng kwento, ngunit nadala agad nito ang nobyo at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Kahit na ang mata ni Mailene kay Luis nakatingin nung mga oras na yun.
Tila ito na yata ang simula kung paano lasunin ang mga utak nila. Dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa kanilang isip dahilan para mataranta at makaisip sila ng masama. Pero hindi pa sila sigurado doon dahil walang nakakapansin sa kanila na ganon na pala ang iniisip ng iba.
Naabutan nila Acun na nagbibihis si Troy sa kanilang kwarto. Napansin din nila yung hinubad niyang damit na nasa sahig.
"Ano to?!" Agad na kinuha ni Clark ang damit pero nakipag agawa pa si Troy dito.
"Bakit ayaw mo ipakita?" Tanong sa kanya ni Tristan.
"Wala kayong alam" sagot lang sa kanila ni Troy habang nakikipag agawan sa damit.
Hindi kalaunan nagwagi si Clark sa pag agaw dito at binuklat niya ang berdeng damit nito. Tama nga si Luis na meron itong pulang likido."Ikaw ba pumatay kay Kisha?!" Agad na tinulak ni Tristan si Troy dahilan upang matumba siya.
Agad namang nakapatong sa kanya si Tristan at hinawakan siya nito sa leeg.
"Ano hindi ka ba talaga mag sasalita?!" Tanong muli nito. Hindi na kaya nila Acun na pigilan pa si Tristan dahil para sa kanila tama lang ang ginagawa nito para umamin na siya sa mga maling ginawa."Anong patay ba ang sinasabi mo?!" Tila napikon narin si Troy at agad na itinulak si Tristan.
"Sinong patay?! Ako ang pumatay?" Tumayo na ito at sinuot na yung bagong kuhang damit.
"Umamin ka na Troy! Alam namin na ikaw lang yung may galit kay Kisha" sabi ni Acun sa kanya.
Dahil sa palagay nila nag papatay malisya lang ito para hindi siya mahuli sa kasalanang ginawa.
"Hindi ko kayo maintindihan, wala akong ginagawang masama" sabi muli nito.
"Marami ka nang ginawang masama" sabi naman ni Paulo dito.
Napapikit si Troy at pinakalma ang sarili.
"Kung hindi ikaw ang may kagagawan nun bakit ka may talsik ng dugo sa damit mo at ayaw mo pang makita namin?" Tanong ni Jason.
Sumang-ayon ang mga kasama nito sa tanong niya dahil may punto naman talaga ang tinanong nito.
"Ano dugo?!" Inagaw ni Troy ang hawak ni Tristan na T-shirt niya at binuksan iyon sabay pinakita sa kanila.
"Poster paint yan! Maroon yung kulay at hindi dugo na pinagsasabi niyo" sabi nito sa kanila."Magpapalusot ka pa? Sa tingin mo mahuhulog kami sa kagaganyan mo?" Pikon na tanong sa kanya ni Tristan.
"Ayy nako! Amuyin niyo kaya! Hindi malansa, galing ako sa mga school supplies dahil tumutulong din ako sa paghahanap eh may naiwan palang bukas na poster paint doon. Nasanggi ko siya so ayun natalasikan yung damit ko" mahinahon na pagpapaliwanag niya sa mga kasamahan.
Inamoy naman nila iyon at amoy poster paint nga gaya ng sinasabi niya."Tama siya" sabi ni Acun sa mga kasamahan.
"Si Kisha namatay? Tapos ako ang sinisi niyo? Sa tingin niyo magagawa ko yun?" Takang tanong ni Troy sa mga ito.
"Hindi malabong mangyare yun dahil nagtangka ka na ngang mang rape eh" insultong sagot naman sa kanya ni Clark kaya napatahimik nalang ito at hindi na umimik."Kung hindi siya sino?!" Natanong ni Acun.
"Baka mga tauhan ni Rosana" nasabi naman ni Jason sa kanila.
------- ---