Kim P.o.v
Never kong hinangad na palagi nalang na nasa hulihan! Ngayong audition day sa school namin, naaalala ko na naman yung mga pag co-compare nila samin ni Grace. Lagi kong naririnig na mas magaling si Grace at bakit hindi ko manlang daw mapantayan si Grace. Sa mga teleserye na kapag may pa audition lagi nalang siyang kinukuha. Like? Hello? Nandito lang naman ako eh.
At ngayon ako na naman tong lagi nalang mag hihintay kung matatanggap ba ko o hindi kasi ipo-post nalang daw nila kung sino yung mga nakapasa.
Habang naglalakad ako may lalaking tumawag sakin.
"Ate yung panyo niyo nahulog" sabi nung lalaki at agad niya saking inabot."Ayy salamat ah" sabi ko.
"Kimberly?" Patanong na tawag sakin nung lalaking nagbigay ng panyo ko.
"Ahh, kilala ba kita?" Tanong ko sa kanya na ngayo'y hinarap siya.
"Hindi mo ko kilala pero ikaw kilala ko" sabi niya sakin na may ngiti sa labi.
Infairness ah ang tangkad niya at chinito ang kapal pa ng kilay at kahit kalbo may dating basketball player yata to eh.
"Ahh, excuse me lang ah pero kahit pogi ka bawal parin akong makipag usap sa hindi ko kilala salamat nalang dito sa panyo" sabi ko sabay talikod at lakad palayo.
"Ang sungit mo naman! Magiging mag kasundo rin tayo!" Sigaw nung lalaki pero di ko na siya liningon pa. Hmm? Sino kaya yung lalaking yun? Siguro yun yung nag iisang fan ko? Hahahaha as if na fan! Baka hater o basher lang siya na nag hahanap ng baho sakin at gagawan ako ng review. Tss mga tao nga naman oh, mga papansin.
Kahit na maraming naninira sakin ay wala akong pake kasi hindi naman nila ako lubos na kakilala. Oo, mahilig ako makipag kompitensya pero kaya ko lang yun ginagawa yun dahil alam ko naman na mas karapat dapat ako sa katayuan ni Grace. Si Grace na lagi nalang pinupuri kahit di nila alam ang totoong ugali nito. May mga nababasa akong article na tungkol sa kabaitan ni Grace kahit wala naman talaga siyang bait at puro pamemeke lang ang alam sa harap ng kamera at ng mga tao. Gusto ko lang ipamuka sa kanila na maling tao ang pinupuri nila.
Pauwi na akong mag isa na may baong kwento kila lola. Laking lola at lolo ako dahil bata palang ay binigay na ko kila lolo. At bata palang pangarap ko ng maging isang sikat na artista pero lahat ng iyon ay mukang di magkakatotoo dahil sa Grace na yun.
"Apo nandito ka na pala" sabi sakin ni lola na nakaupo sa labas ng bahay.
"La ano pong ginagawa niyo dito ang hamog na po oh" sabi ko sabay mano.
"Hinihintay ko yung kwento mo eh" ngiting sabi sakin ni Lola.
"Oh? Anong nangyari sa audition mo sa school? Pumasa ka ba?" Dagdag niya."Nako La! Hindi ko pa nga alam eh, kasi next week pa sasabihin yung mga nakapasa. Pero may kumpyansa naman ako na makakapasa ako" proud na sabi ko kay lola at kumuha ng upuan sabay upo sa harap niya.
"Yan ang gusto ko sayo apo, binubuhat mo yung sarili mong bangko! Hahahaha" tawa ni lola na may halo pang hampas sakin.
"Pero la alam mo ba, may lalaking nag bigay ng panyo ko na nahulog kanina"pag sisimula kong kwento kay lola.
"Oh ano? Gwapo ba?" Tanong agad ni lola, si lola talaga appearance agad yung tinatanong. Iba talaga to si lola eh, palibhasa habulin nung lalaki nung panahon nila.
"Teme leng le mey deteng nemen sye heheheh" malandi kong sabi kay lola na may pakilig kilig pa kunwari.
"Ayy maharot tong apo ko" sabi naman ni lola.
"Nu bayan la tama na nga po at pumasok na tayo sa loob" sabi ko kay lola at inalalayan siya sa loob. Medyo hindi na kasi makalakad si lola ng maayos ng dahil narin siguro sa katandaan. Nakita ko si lolo na kasalukuyang nagluluto sa kusina, agad naman ako sa kanyang nag mano matapos paupuin si lola.