Chapter 38- Underground

16 2 4
                                    

Acun P.o.v

Kasalukuyan kaming naghahanap ng mga hidden cameras na pwedeng maging paraan para malaman namin kung paano kami makakalabas dito. Hindi ko na kaya yung mga nakikita ko, sa mga nangyayare. Sa isang araw lang may nawala na naman at dalawa pa yun sa mga kasamahan namin.

"Saan kaya nakalagay yung ibang hidden cameras" sabi ni Jason na ngayon ay pasimpleng nagtitingin sa mga gilid gilid.

"Ewan! Kasi bukod sa hindi natin sure kung meron bang hidden cameras, Hidden to! Meaning nakatago at hindi visible kaya mahirap" sagot naman sa kanya ni Clark na naghahanap din. Nandito kami sa mall, hindi naman sobrang laki nitong mall at hindi rin namang sobrang liit. Tama lang siya para sa mga iilang taong nandito.

Hanggang ngayon palaisipan parin yung mga nangyayare samin. At hindi parin namin alam kung paano kami makakalabas dito. Hindi naman dapat maghihintay nalang kami sa mangyayare, wala naman saming gustong mapahamak sa lugar na to eh.

"Nakakapagod na" sabi ni Joy na kasama ni Frances. Kasama din kasi namin sila maghanap ng mga camera.

Lumapit kami sa kanila..

"Siguro tumigil na muna tayo ngayon" sabi ko sa kanila.

"Pero kapag tumigil tayo ano nalang mangyayare? May mamatay nanaman satin" sabi naman ni Frances. Naiintindihan ko yung nga sinasabi niya, hindi kasi namin alam kung sino ba ang susunod na mawawala sa lugar na'to.

"Pero parang wala naman tayong napapala" sabi ko sa kanila. Hindi naman sa napanghihinaan na ko ng loob pero ganon kasi yung nangyayare.

"Basta! Kailangan may mahanap tayong paraan para makaalis dito" wika ni Frances.

Naglakadlakad pa kami dito sa mall hanggang sa makapunta kami sa pinaka likod.

"Wala nang labasan dito" sabi ni Tristan at sumandal sa aparador.

"Ayy" muntik na siyang matumba nung umatras ng bahagya yung aparador na sinandalan niya.

"Ano yan?" Tanong ni Frances at pinausog si Tristan. Hinawakan niya yung aparador na sinandalan ni Tristan.

Lumapit ako sa kanila dahil mukang gustong iusog ni Frances yung aparador. Tumulong din yung iba dahil medyo mabigat iyon.

May pintuan sa lapag?

Ano to may underground?

"Bakit may pintuan jan?" Tanong ni Jason.

"Mukang yan na yung hinahanap natin ah" sabi naman ni Paulo.

Parang bigla akong nabigyan ng pag-asa na makakalabas din kami sa lugar na'to. Nabuhayan ako ng loob.

Binuksan namin iyon ni Frances at isang hagdanan pababa ang nakita namin. Madilim sa loob nito.

"Diba merong flashlight doon sa may mga school supplies?" Tanong ko sa kanila.

"Oo, kami na kukuha" yinaya ni Jason si Clark.

Jason P.o.v

"Bilisan natin" sabi ko kay Clark. Ngayon tumatakbo na kami papunta sa school supplies. Nagulat ako nang may nakita kaming underground doon at hindi ko akalain na may ganoon palang lugar dito.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon