Grace P.o.v
Ang pagiging artista ay hindi biro lalo na't maraming taong naiinggit sayo dahil hindi nila nakuha yung mga nakuha mo.
Alam kong ako ang isa sa mga magagaling sa larangan ng showbiz ngayong panahon na ito at gusto ko lang ipamuka lalo na sa Kim na yun na kahit anong gawin niya hindi niya ako matataasan o mapapantayan manlang.
Ngayon na ang araw ng Audition at ako ito ngayon nakaupo samantalang lahat sila ay nakatayo. Madali kasing mangalay ang mga paa ko kaya ganon.
Mga limang minuto lang ay nag simula na ang audition. Sa totoo lang? Alam ko naman na ang kahihinatnan nitong audition at confident naman ako sa sarili ko na matatanggap agad ako.
"Number 1" sigaw ng lalaking parang P.a na nag tatawag ng mga numbers.
"Ako na pala" ngumiti ako at dahan dahang pumasok sa loob ng room na pag a-auditionan. Lahat sila ay nakatingin sakin at kitang kita sa muka nila ang pag kadismaya dahil alam na nila sa sarili nila na makakapasa agad ako.
"Ano talent mo?" Sabi sakin ng babaeng mukang pipili ng mga makakapasa. May tatlong panel na mukang papanoorin ako at sila rin yata ang mag bibigay ng kanya kanyang komento sa ipapakita kong talento.
"Hmm, magaling po ako sa pag arte" sweet kong sagot.
Paalala: Kapag ikaw ay artista kailangan mong mag mukang mabait sa mata ng mga mas nakakataas sayo. Lalo na yung mga may kapangyarihan na ipunta ka sa taas.
"Ahh. Ikaw pala si Grace Guevarra akala ko kung sinong magandang dalaga" pag pupuri sakin ng lalaking panel.
Ngumiti lang ako sa kanya bilang pagpapasalamat."Oh, sige mag simula ka na" sabi sakin at tumahimik na.
Kailangan ko lang naman ilabas ang lahat ng emosyon ko. Ako nga pala si Grace na palaging handa kahit walang practice at on the spot na agad.
"Hindi ko na kaya ang mga pinagsasasabi niyo sakin." Yumuko ako at humawak sa dibdib gamit ang dalawa kong kamay.
"Masyado na kong naiinsulto at natatapakan niyo na ang pagkatao ko" sinimulan ko ng humikbi at dahan-dahang na tumingin sa harap sakto para sa pag bagsak ng luha.
"Oo isa akong babaeng walang pinag-aralan pero mas muka pa kong may pinag-aralan sa inaasal ninyo!" Pinunasan ang luha at dahan dahang humakbang.
"Hindi sa lahat ng oras ay nakatakip ang mga tenga ko sa mga paninirang ginagawa niyo, tao rin ako may damdamin!! Sa mga pinag gagagawa niyo sakin kayo rin ang makakarma sa huli!" Nanggigil ako na kunwari'y tumuro at umiyak ng tuloy tuloy.
*clap clap clap.
Tumigil ako at nag punas ng luha sabay nag bow.
"Ang galing mo talaga kaya wala kang katulad eh. Pasa ka na"
At sa inaasahan, alam ko naman na makakapasa ako. Ngumiti ako sa kanila at nag pasalamat.
"Number 2!" Sigaw ulit ng lalaki sa kasunod ko.
Lumabas na ako at tuloy-tuloy na naglakad sa mga katulad kong mag a-audition din pero alam ko naman na hindi sila papalarin.
At ang ganda nga naman talaga ng timing oh, nandito na pala yung babaeng nanghamon sakin at nakapila kawawang nilalang, naglakad ako papunta sa kanya at hinarap siya.
"I feel sorry for you" sabi ko habang nakahawak pa sa dibdib.
"Tssh" pagbaliwala niya lang sakin, but i don't care! Huh! siguro tanggap niya na yung pagkatalo niya. Lakas niya pa talaga akong hamunin ah, ngumiti lang ako sa kanya na may halong pang iinsulto. Sabay lumakad na papalayo sa kanya.
