Third Person P.o.v
Nagtinginan ang lahat dahil sa sinabi nito at napabangon din si Kim.
"Hindi kaya? Totoo yung sinasabi niya?" Tanong ni Francheska sa kanila.
"Parang piling ko totoo" sagot naman ni Maika dito.
"Alam niyo kung gagawin natin yun matutulad tayo kay Clark" sabi naman sa kanila ni Jasmine.
"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan" seryosong sabi ni Frances kay Jasmine.
"Ngayon na ba tayo aalis?" Tanong ni Joy sa kanila.
Pero mukang hindi naman ayon ang gustong gawin ng iba. Dahil hindi sila sumasagot dito pero ang magkakaibigan na sila Acun ay buo na ang loob na tumakas doon.
"Oo, sa lahat ng gustong sumama samin sumama pero ang ayaw ay maiwan dito" sabi muli nito sabay tumayo.
"Saglit hindi pa ako ready!" Tumayo si Johnloyd at nagpunas ng damit kahit na wala namang dumi dito.
"Tara na" sabi muli ni Johnloyd nang matapos itong mag pagpag.
"Pwede pa tayong mag hintay ng tamang panahon, wag tayong magmadali kasi baka mas madali yung pagkamatay natin diba" Sabi ni Hellena, tama naman ang sinabi nito na kapag nagmadali sila baka mas mapahamak pa sila.
"So? Kailan tayo magsisimulang umalis sa lugar na'to?" Tanong ni Johnloyd kay Hellena pero nag kibit balikat lang ito.
"Eto nga ang sabi ko, tutal kung mamatay rin naman tayo edi mas maganda nang mamatay ng lumalaban ang mga sasama ay sumama pero ang mga hindi, hindi namin kayo pipilitin" tumingin sila kay Acun na sobrang gusto nang makalabas sa lugar.
"Sige kung buo na yung loob mo hintayin nalang natin silang magsigising" sabi ni Jason sa kanya.
"Lalabas muna ako para maka langhap naman ng sariwang hangin" tumayo si Mark at lumabas na sa silid.
Hindi naman siya pinansin ni Mailene, simula nung mangyare yung nangyare nito lang, hindi na sila nag papansinan o nag iimikan man lang. Wala ni isa sa kanila ang gustong manghingi ng patawad.
"Lalabas din muna kami, tara na mga bakla" yinayaya narin ni Johnloyd ang mg kaibigan na lumabas na sa silid. Ayaw nilang tumambay lang sa kwarto dahil wala naman silang mapapala at maboboring lang sila.
Naiwan naman ang iba doon at hinihintay lang si Wendy at Grace na magising.
"Sana mag tagumpay tayo sa paglabas" sabi ni Joy kay Frances.
"Sana nga" sagot naman nito dito.
Grace P.o.v
Ang sakit ng ulo ko!
Parang nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog.
Pagdilat ng mata ko may nakita akong lalaking nasa harap ko.
"Excuse me" kinalabit ko siya dahil natutulog na yata siya.
"Paulo? Bakit ka nandyan" bumagon ako sa pagkakahiga ko at humarap sa kanya. Namamaga yung mata niya at parang kakagaling niya lang sa iyak.
--
Isang babaeng puno ng dugo ang katawan.
"Ahh!" Napasigaw ako bigla, hindi ko alam kung anong nangyare buong araw matapos nung pangyayareng yun. May nakita akong babaeng papalapit ng papalapit sakin sa may Cr. Sabay nahimatay yata ako nun kaya pag gising ko nandito na ko.
"Okay ka na ba Grace? Ikaw na ba yan?" Tanong niya sakin, linibot ko ang paningin dito para malaman kung nasaan.
"Ako talaga to" sabi ko sa kanya habang tinitignan ang paligid.
