Third Person P.o.v
Kasama ng dalawang lalaking kasabwat ni Rosana. Naglagay sila ng kandila sa paligid ng bilog na ginuhit ni Rosana. Madilim rin ang paligid.
"Isa na ito sa pinakahihintay ko" wika niya habang nakatingin sa ginuhit niya mismo.
Natatakot naman ang lahat sa nakikita nila. Nawawalan na sila ng pag-asa dahil baka hindi na talaga sila makaalis sa lugar na iyon.
"Simulan na ang pag-aalay" lumayo siya ng bahagya at lumapit naman yung isang lalaki para ilagay sa gitna ng bilog yung pusong kinuha niya sa isang lalaki na nakalagay sa sako.
Matapos yun ay yumuko at pumikit si Rosana at ang dalawang lalaki sabay taimtim na nagsalita sa harap nito, tila may binabanggit silang orasyon.
Nanonood lang sa kanila sila Frances sa mga ginagawa nila.
Habang ginagawa nila yun nag-iisip na si Acun ng paraan kung paano sila makakalabas sa lugar na iyon. Tila nawawalan na siya ng pag-asa pero pinipilit niya parin dahil ayaw niya pang mamatay. Pinilit niyang tanggalin yung tali sa mga kamay niya habang tumitingin sa mga nagbabantay sa kanila pero hindi niya magawa dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa kanila.
Wala na silang lakas dahil kumakalam narin ang mga sikmura nila.
Bigla nalang lumiwanag ang bilog kaya nagulat sila sa mga natutunghayan. Hindi nila alam kung anong nangyayare pero alam ni Acun na ganon ang nakita niya noon. Yung panahong nakapalibot sila Rosana sa bilog.
Habang patagal ng patagal nagiging pulang liwanag na ito at masakit narin siya sa mata kapag tinititigan. Paunti-unting natutunaw ang pusong linagay doon hanggang sa mawala na ito.
Dumilat si Rosana at nakatingin lang siya sa may bilog habang may mga binabanggit na mga salita. Nakangiti narin ito at animo'y sabik na sabik sa mangyayare. Samantala ang dalawa namang nandoon ay nakatingin na lamang sa bilog.
Matapos nun ay tumingin na muli si Rosana sa mga magkakasama sabay lapit kay Troy na unang napansin niya. Kahit na medyo maliit ang pangagatawan nito ay may lakas siyang mahila si Troy papunta sa gitna ng bilog.
Sinugatan niya ang sarili sabay ipinahid niya ang dugo sa noo ni Troy at ipinatulo ang dugo sa loob ng bilog.
Natatakot si Troy sa maaaring mangyari sa kanya. Dahil sa may tapal siya sa bibig hindi siya makapag salita upang magmakaawa na iligtas siya.
Tinanggal ni Rosana ang tape sa bibig nito.
"Haaa! Anong gagawin mo sakin?" Tanong ni Troy kay Rosana. Walang magawa ang ibang mga kasamahan nito dahil sa takot na nararamdaman.
Ngumiti lang sa kanya si Rosana at sinawalang bahala ang sinabi nito.
"Anong gagawin mo!?" Kahit na natatakot ay nagawa parin nitong lakasan ang boses.
"Alam niyo ba siya?" Wika ni Rosana sabay tingin kila Frances.
"Siya lang naman yung pumatay sa isa niyong kasamahan" dagdag nito.
Nag-isip pa sila matapos malaman na si Kisha ang tinutukoy ni Rosana na pinatay ni Troy. Nagulat ang iba na hindi pa nakakaalam bukod kila Frances at Kim. Nalaman na kasi nila iyon, kahit na hindi matanggap nila Frances ang biglaang pag panaw ng naging kaibigan tinanggap niya na lang iyon. Kailangan nila maging matatag dahil kailangan na nilang iligtas ang kanilang sarili.