Chapter 11- Beaten to Death

35 2 8
                                    

Frances P.o.v

Nakita namin sa malaking screen sa stage ang mga kasamahan namin na nagtatago na. Nang maubos na ang oras ay may nakita kaming isang tao na naka-hoodie ang lumabas na may hawak na panyong puti.

Pinagpapawisan na yung kamay ko at maging ang muka ko. Kinakabahan ako sa kung anong mangyayare sa kanila. Sa isang video lumabas na yung yung naka-hoodie. Parang meron siyang nakita sa bandang likuran ng basurahan malapit lang dito.

Kita sa isang video yung galaw ng basurahan kaya agad niya naman iyong pinuntahan.

"Be!! Si Polo nandun" bulong na sabi sakin ni Joy pero mukang rinig na rinig naman dahil sa sobrang tahimik dito.

Dahan-dahan naglakad ang lalaki na nagahahanap sa gawi niya pero bago pa siya makalapit ay tumakbo na ng mabilis si Polo.

"Takbo!!!" Napatingin ako kay Macky na kaibigan nito, nandun pala yung dalawa niyang kaibigan. Si Polo at si Troy na magkahiwalay na nag tago.

Tumingin muli ako sa screen. Magkawak kami ng kamay ni Joy dahil pareho kaming kinakabahan sa napapanood. Agad namang nahuli si Polo at bigla nang nawala ang mga videos sa screen at nagsara ang pulang kurtina.

"Anong nangyare?" Tanong ni Macky na tatayo na sana. Pero meron akong naramdaman mula sa inuupuan ko. May malaking bakal ang humarang sa dalawa kong binti habang nakaupo. Ganon din ang nangyare sa iba kong kasamahan dito.

"Beee" hindi na napigilan ni Joy yung luha niya sa nangyayare. Parang gusto ko narin umiyak..

Maya-maya pa ay nagsipasukan na yung iba sa loob at umupo. Nalagyan din sila ng harang sa mga binti nila.

"Ano to?! Totohanan ba talaga to?!" Tanong ni Kim kay Rosana.

"Manood kayo" hindi ko man siya makita dahil nakatalikod ako sa kanya, alam ko na nakangiti siya nung sinabi niya yun.

Ilang minuto lang ay nagbukas ang kurtina.
Nasa loob ng maliit na kulungan si Polo na nakahiga doon at mukang walang malay.

"Polo!!" Sigaw ni Troy dito.

--

Clark P.o.v

Totoo pala itong lahat.

Napayuko ako sa sobrang inis. Inis sa sarili ko kung bakit pa ko sumali dito, inis sa babaeng naka maskara at inis sa nagyayare ngayon. Naiinis ako na sa dinadami-daming event sa school na pwedeng salihan ito pa ang sinalihan ko.

Naiinis ako sa sarili ko!!

Nagbukas na yung kurtina at nakita ko si Polo na nakakulong sa loob ng isang maliit na kulungan. Para itong kulungan ng aso.

"Anong ginagawa niya dun?" Tanong ni Troy na katabi ko ngayon. Halata sa kanya yung pag aalala sa kaibigan niya.

Pinanood lang namain ang susunod na mangyayare. Ramdam na ramdam ko rin yung nakakapit sa binti namin dahil medyo masikip ito.

Nagising na si Polo sa pagkakatulog. Kanina pa naman siya tinitignan mula sa kinauupuan namin.

Hindi ako nakita kanina, nakatago lang ako sa likod ng pinto doon malapit lang dito at si Polo ang nakuha.

May dalang isang sako ang isang naka-hood.

"Ano yan?!" Medyo mataas na boses na tanong ni Troy. Pero hindi siya nito sinagot at pinagpatuloy ang paglalakad papunta kay Polo.

Inilapag nito ang sakong mukang maraming laman na gumagalaw.

Merong maliit na pinto sa taas nito at nakita ng dalawang mata ko yung kinuha niya sa loob ng sako. Isang malaking daga na nanggaling mismo doon sa sako na dala niya. Inilalag niya iyon mula sa maliit na pintuan sa taas.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon