Chapter 28- Ally

24 3 3
                                        

Joy P.o.v

As long as may tiwala talaga kami sa isa't isa malalagpasan namin to. Kung gusto namin makatakas edi makakatakas kami lalo na kung magtutulungan.

"Meron pa tayong 2days para pag-isipan kung paano tayo makakatakas dito"- Kim

"Meaning? Tatakas talaga tayo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Oo naman, gusto mo bang mamatay dito" sagot naman sakin ni Fatima.

Paano kami makakatakas dito? Yung lalapit nga lang kami malapit sa gate at sa pader may nanghahabol na samin at may mga cctv din sa iba't ibang lugar dito. Hindi nga namin alam kung nasaan ang blind spot eh.

Ahh! alam kona! Kailangan malaman muna namin kung saan ang mga blindspot dito.

"Diba may mga Cctv sa lugar na to?" Tumango naman sila sakin.

"Hanapin natin kung saan yung blind spot tas doon tayo magsimulang humanap ng solusyon" explain ko sa kanila.

"Tama yung sinabi ni Joy" pagsang-ayon ni Frances sakin. Buti naman at naintindihan nila ang gusto kong sabihin.
"Pero paano?" - Jason

Oo nga paano namin mahahanap kung yung mga Cctv nga hindi namin alam at hindi halata. Base sa naapnood naming screen nung lumitaw yung videos nila na nagtatago iilan lamang yun pero sa tingin ko madami siya.

"Yan ang una, hanapin natin yung pinaka records natin at kung saan nila tayo pinapanood" wika ni Acun.

"Akala niyo naman papayagan ko kayong gawin yan?" Napatingin muli kami kay Grace o kahit sino pa siya.

"Bakit hindi mo kami papayagan? As if naman na may magagawa ka kung sakaling itutuloy namin to" matapang na sabi sa kanya ni Kim.

Kung sino man siya na sinasabi niya kanina lang, sila daw yung unang nakapunta dito. Pero dapat diba tulungan niya kami at nung sinasabi niyang Janice na nasunog daw kaysa mas pahirapan pa?

"Gaya nga ng sinabi ko sa inyo, malalason na yung mga utak niyo at hindi kayo magkakasundo sundo" dagdag pa nito.

"Wag na muna natin siya pag tuunan ng pansin, mas mahalaga na makaalis tayo sa lugar na to" sabi naman ni Jason.

Lumabas na yung mga lalaki dito sa loob at naiwan lang sa kwarto namin ay si Johnloyd. Okay lang naman sa ibang mga babae dito since hindi naman niya type yung mga babae.

---

Hindi talaga ako makatulog! May bumabagabag sa isip ko! Silang lahat dito tulog na pati narin si Frances. Siguro napagod sila sa mga nangyare ngayong araw.

Anong oras na ba?

Madaling araw na palang pero hindi parin ako nadadapuan ng antok.

Makalabas na nga muna, dito lang naman ako sa tapat ng kwarto namin at hindi naman siguro ako mapapahamak kapag nandito lang ako sa tapat.

Umupo ako sa may sahig kahit na medyo malamig na yung paligid.

Gusto ko nang umuwi kaming lahat. Kung mababalik lang sana ang kahapon matagal na akong bumalik at hindi na tumuloy sa lugar na to.

Jason P.o.v

Napagpasyahan na naming matulog, sa ibang kwarto na kami natulog pero si Johnloyd doon parin siya nag stay sa kwarto ng mga babae.

"Totoo ba yung mga sinasabi niya?" Tanong ni Clark. Nakahiga na siya sa kama niya.

"Kung totoo man o hindi, wala namang mawawala kung maniniwala tayo" sagot ko naman sa kanya. Dahil double deck tong kwarto namin sa taas niya ko nakahiga.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon