Chapter 15- Disqualified

31 2 9
                                    

Third Person P.o.v

Nagsimula nang kumuha ng magsibaba ang ibang grupo sa stage at natira ay ang Team B.

May umakyat sa entablado na naka hood at maskara na may hawak na kahon. Agad namang kumuha si Fatima ng papel sa loob ng kahon. Dahan dahan niya itong binuksan at binasa ang salitang nakasulat.

*Paliguan ng asido

Matapos basahin ay ibinigay niya na yung papel at nasimula na nga ang oras.

"Fatima bilis!!" Sigaw sa kanya ni Jan.

"Saglit!!" Pagsabi niya nun ay nabawasan ng 30 segundo ang kanilang oras.
"Anong nangyare?" Gulat na tanong ni Luis nang makitang nabawasan ang kanilang oras.

"Bilis!!" Sigaw naman ni Francheska dito.

Nagsimula na itong umarte.

"3 words?"- Jasmine

Tumango naman ito at tila'y nagbilang.

"8 syllables!!"- Mark

"8 syllables"- Paulo

"Bilis!!" Pag aagad sa kanya ni Macky na mukang natataranta na dahil nauubusan na sila ng oras.
Meron nalang silang 1:35 minutes.

Umaarte na siya na kunwari ay naliligo, kahit nanginginig na ito sa taranta dahil malapit nang maubos ang kanilang oras.

"Naliligo?"- Francheska.

Hindi nito pinansin sinabi ni Francheska at umarte parin.

"Naliligo nga!" - Luis

"Hindi nga!! Pinaliguan!!" sigaw ni Fatima kaya agad pumula ang screen na ang ibig sabihin lamang nito ay sila na ang mga natalo.

Hindi na kailangan pang umarte at manghula ang ibang team dahil sila na ang kailangang matago.

---
Maika P.o.v

Bigla nalang naging pula ang screen at hindi namin alam ang ibig sabihin nun.
"Bakla ano nang mangyayare?" Tanong ko kay Johnloyd na katabi ko ngayon dito.

"Hindi ko rin alam" sagot naman nito.

"hahahaha" lumingon kami sa likod nung marinig namin yung nakakarinding tawa.

"Ang sino mang magbabanggit ng kahit isang salita ay talo na" wika nito.

"Pero, pandaraya yun diba?" Nginig na boses na tanong ni Fatima. Kami rin Y nagulat nung biglang nagpula yung screen. Disqualified ba ang nangyare sa kanila?

"Hindi pwede! Madaya!" Sigaw ni Fatima at hinubad ang t-shirt na blue.

"Anong mangyayare?" Tanong ko dito.

"Simple lang, magtago sila" sabi nung Rosana.

---------------

Meron kayong limang minuto para magtago sa labas ng tanghalan. Ang isang makikita ay mamamatay at ang sagot na hindi nahulaan ang ikamamatay.
Merong tatlongpung minuto ang maghahanap sa inyo.
Galingan ninyo.
-------------------------

Napatingin ulit ako sa screen may nakasulat na.


5:00

4:59

4:58

"Ahhh!!" Nagmadaling nagsitakbuhan ang mga nasa stage. At biglang may humarang na naman na bakal sa binti namin.

----
Francheska P.o.v

Nakita na namin ang count down kaya agad na kaming tumakbo nila Hellena at Jasmine sa labas.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon