Chapter 44- Help

13 3 6
                                    

Mula leeg hanggang sa buong ulo lang ang pinangkakapitan ng bilog na babasagin at paunti unti na itong linalagyan ng tubig.

Ginagalaw galaw pa ni Tristan ang ulo niya para matapon ang tubig na linalagay sa kanya. Balak siyang lunurin ng mga ito gamit ang bilog na babasaging nakasuot dito.

Hindi na kayang panoorin nila Acun ang nangyayare sa kaibigan.

Napuno na ang nakalagay sa ulo nito kaya hindi na makahinga doon si Tristan. Kitang Kita sa muka niya ang hirap dahil sa hindi na ito makahinga.

"Hahahaha ang saya niya panoorin hindi ba" sabi ni Rosana na masayang pinapanood ang nangyayare kay Tristan.

Maya maya pa ay nagsarado na ang pulang tela na ang ibig sabihin ay tapos na ang ganap ngayong araw. Natanggal narin ang mga harang sa mga binti nila kaya agad na pumunta sa entablado sila Acun upang makita kung nandoon paba si Tristan ngunit wala na ito doon.

Patuloy na namang pumatak ang mga luha ng mga magkakaibigan, hindi nila sukat akalain na si Tristan ang mawawala ngayong araw.

Frances P.o.v

Naaawa ako ngayon kila Acun dahil sa nangyare kay Tristan. Lumapit kami sa kanila ni Joy at pati nila Maika. Naiiyak rin kami sa nangyare.

"Shh" lumapit ako kay Acun at hinagod siya sa likod dahil panay parin siya iyak. Bakit ba simula ng napunta kami sa lugar na'to hindi kami nauubusan ng iyak?

"Tama na yan" sabi ko muli kay Acun naka luhod na kasi siya habang nakayuko at umiiyak. Si Clark naman umiiyak din pero mukang iniiwasan ni Clark dahil sa bibig niya.

"Bakit pa si Tristan" sabi ni Jason na nagtuloy ng tumulo ang mga luha sa muka.

Nawala na yung iba naming kasama siguro umalis na sila dahil hindi na naman bago para samin yung may namamatay. Pero iba parin yung impact sa mga kaibigan na naiiwanan.

Haysss bakit ba ganito ang nangyayare samin?!

Tinulungan kong tumayo si Acun dahil hindi niya na yata kaya ang sarili matapos ang mangyare kay Tristan.

Sa school namin kilala si Tristan kasi captain siya sa basketball team sa School. Tapos ganito lang ang mangyayare sa kanya.

"Ahh uh ahh" napatingin ako kay Clark na gustong magsalita pero hindi naman siya makapagsalita ng maayos kasi siguro sa bibig niya. Hindi ko alam kung makakapag salita pa ba siya ng maayos kapag gumaling na yun.

"Ano?*sniff " tanong sa kanya ni Paulo na umiiyak rin.

"Buti pa lumabas na tayo at mag plano kung paano tayo makakalabas dito" sabi naman ni Maika.

Tama yung sinabi niya kailangan na naming mag plano at kumilos para makaalis na kami sa lugar na'to. Hindi dapat kami nag aaksaya ng panahon at oras lalo na't kaunti nalang kami dito.

"Tama kailangan na natin makalabas talaga dito" sagot naman ni Joy.

Tumayo na sila at lumabas na kaming lahat sa loob ng Tanghalan. Mas maganda na kung lahat kami mag-uusap usap para maganda ang maging plano namin.

Pumunta kaming lahat sa kwarto naming mga babae. Pumasok narin dito sila Acun at yinaya ang lahat na mag tipon para makapag usap.

"Saglit paano si Troy?" Tanong ni Joy dahil si Troy nalang ang wala dito. Nasan na ba yun?

"Ayan na pala siya" tumingin ako sa may pintuan at kapapasok lang dito ni Troy.

"Ano na naman ba to?" Tanong niya sabay upo sa sahig.

"Kailangan na talaga nating makaalis dito" sabi ko sa kanila. Sila Acun mukang buo narin yung loob nila na kailangan na talaga naming tumakas dito.
"Ibig sabihin kahit mamatay tayo o matulad tayo kay Clark? Tatakas parin tayo?" Tanong ni Jasmine.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon