Chapter 37- Unseemly

20 2 4
                                        

Frances P.o.v

Anong nangyare?

Nakabigti na si Eulla na naunang nakaakyat sa  tuktok.

"Tama lang sa kanya yan" sabi ni Johnloyd.

"Grabe!" Sabi naman ni Joy na katabi ko lang.

Hindi ako makapaniwala na siya yung mamatay. Ang buong akala ko si Wendy na kasi hindi siya nakaakyat doon sa itaas.

At nagtataka rin siguro si Wendy na nasa loob ng Glasswall sa mga nangyayare.

Tumaas na yung glasswall at napatingin na si Wendy samin. Hinawakan na rin siya ng dalawang lalaking naka hood na may maskara na puti at idinala pababa sa stage.

"Buti nga sa kanya!"

"Tama lang yan"

Ayan  yung mga naririnig kong sinasabi ng mga kasama ko dito. Gumagalaw parin yung katawan ni Eulla at namumula narin yung mata niya habang nakatingin samin. Gusto ko nang pumikit pero hindi ko na magawa dahil gusto ko pang malaman yung mangyayare.

Ipinaupo nung mga naka hood si Wendy.

"Anong nangyare?" Naiiyak parin siya kahit na hindi naman siya yung namatay.

Nagsarado na yung pulang tela.

"Grabe!! Buti nalang sila yung mga namatay!" Sabi ni Tristan na kakatayo lang sa upuan niya. Parang hindi ko pa yata kayang tumayo ngayon.

"Tara na be" anyaya sakin ni Joy. Hindi mo na makikita sa kanya yung pagkagulat sa nangyare dahil siguro nasanay na siya sa ganito.

"Habang patagal ng patagal parang wala nalang sakin yung nangyayare" sabi niya.

Mukang nabasa niya yata yung mga nasa isip ko kasi bigla nalang siya nagsalita kahit hindi ko siya tinatanong.

Tumayo na ko at sinundan na silang lumabas dito sa Tanghalan. Naiwan dun si Wendy na mukang hindi parin matanggap yung nangyare. Kung maaari talaga kailangan na naming makaalis na agad dito para hindi na namin danasin yung ganon.

"Haysssss" habang naglalakad kami pabalik napansin ko yung buntong hininga ni Joy. Kahit na sinabi niyang nasasanay na siya iba naman yung pinapakita niya.

"Makakalabas din tayo dito" sabi ko sa kanya.

Maika P.o.v

"Tara na kasi bakla! Gamutin na natin yang sugat mo" hinila ako ni Johnloyd papunta Clinic. Napansin niya kasing nagdudugo parin yung mga sugat ko dahil sa nangyare nung nakaraan lang.

"Ang kulit mo naman" irap ko sa kanya at sumunod nalang mamaya kasi baka kaladkarin niya na ko pag hindi pa ko sumunod sa kanya.

"Yan umupo ka jan" binigyan niya ko ng upuaan at may kinuhang first aid kit sa may taas ng aparador dito.

Tinignan ko naman yung siko ko na medyo mahapdi lang naman.

Nagulat ako nung bigla niyang hinila yung bangkong inuupuan ko papalapit sa kanya at tinignan yung sugat sa siko ko. Nakaupo kasi siya ngayon sa may kama dito sa Clinic.

"Yan kasi bakla!" Sabi niya habang hinihipan pa yung sugat ko.

"Mahapdi yung ginagawa mo!" Sabi ko naman sa kanya na medyo ngumunguwi pa.

May kinuha siyang ointment at ipinahid na yun sa sugat ko.

"Aray!" Bigla niya kasing diniin yung paglagay.

"Impakta ka wag kang magalaw" mas lalo niya pang diniinan kaya napatayo na ko sa hapdi. Tumayo rin siya at hinila ako.
Nawalan ako ng balanse kaya napahiga siya at napadapa naman ako sa kanya.

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon