Chapter 53- Van

17 1 0
                                    

Frances P.o.v

Piling ko nakalayo na kami sa lugar nayun dahil kanina pa kami naglalakad.

"May naririnig ba kayong tunog ng sasakyan?" Tanong ni Kim sa amin. Oo parang may narinig akong makina ng sasakyan baka makahingi kami ng tulong sa kanila.

Agad kaming tumakbo kung saan namin yun narinig. At may kalsada na dito! Makakalayo na kami sa lugar na ito.

Nang makarating kami sa kalsada nakita namin na may padaang malaking itim na van kaya agad nila itong hinarang. Pumreno naman ito sa tapat nila at agad na linabas ng nagmamaneho. Makakahingi na kami ng tulong sa kanila sa wakas!

"Tulungan niyo po kami!" Pagmamakaawa ni Kim sa lalaking maskulado pa.

"Anong nangyare sa inyo?" Tanong nung lalaki samin.
"Tulungan niyo po kami" sabi naman ni Mailene. Napatingin ako sa lalaking lumabas, may tattoo ito sa braso at naka itim na braso. Meron din siyang hikaw sa tenga at ilong.

"Anong problema?" Mabait na tanong nito sa lalaking maskulado. Hindi ko alam yung mararamdaman ko basta masaya ako at makakalayo na kami dito. Pero hindi ko parin alam mung nasan na ba sila Joy, sana ligtas sila ngayon at nakahingi narin sila ng tulong.

"Pumapasok na kayo sa loob" anyaya samin nung lalaking may Tattoo. Pumasok ako sa likod at yung iba naman sa harap.

Ako lang mag isa dito sa likod dahil mas pinili nila umupo sa may harap. Yung parang sa trunk ng sasakyan na ginawa nalang ding upuan.

"Salamat at nakaligtas tayo" sabi ni Troy na nasa harap ko. Hindi mawala sa isip ko na siya pala ang pumatay kay Kisha. Pinipilit ko nalang kalimutan yun pero hindi talag siya mawala sa isip ko.

Bakit may malaking sako dito sa ilalim ng upuan na inuupuan ko? Nakaumbok pa siya sa kinauupuan ko.

Hindi pa pumapasok yung mga tumulong sa amin at nag-uusap pa sila sa labas at mukang mag yoyosi pa yata kaya tinignan ko yung nasa sako.

Yuyuko na sana ako nang may nahulog na bag sa tabi ko lang at may lumabas na wallet. Kinuha ko ito at binuksan, may 2x2 picture sa unahan ng wallet pag bukas mo palang.

Lalaki na naka toga pero hindi ito yung itsura ng mga tumulong samin. Inilapag ko iyon at tinignan naman yung sako at hinawi ng bahagya.

Napatigil ako at napatulala. May lalaking nakasako sa van na sinasakyan namin at inuupuan ko pa talaga siya ngayon, nakadilat pa ito at halatang patay na.

Pumasok na yung dalawang lalaki na magkatabi sa unahan.

Anong gagawin ko? Paano kung ninakaw lang pala nila itong sasakyan sa lalaking nakita ko dito? Nanginginig na naman ako at hindi na naman mapigilan yung pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba.

Ini-start na yung sasakyan.

"Wait po kuya!!" Napatigil sila at lumingon sakin.

"Bakit iyong hija?" Nakangiti pang sabi sakin nung lalaking may tattoo.

"Ahm ano po hindi may nakalimutan po pala kami sa labas" sabi ko dito at agad na lumabas na sa van. Pinipigilan kong mag utal ng salita.

Nakalingon na silang lahat sakin ngayon.

"Ano bang pinagsasabi mo Frances?!" Iritadong tanong ni Kim sakin. Paano ko ba sasabihin sa kanila yung nakita ko?

"Ano.. Bumaba na kayo jan kasi may nakalimutan tayo" kinukumbinsi ko na silang pababain pero walang may gustong bumaba sa kanila.

" Ano ka ba?! Kung gusto mong maiwan maiwan ka!" Galit naman na sabi ni Troy sakin.

"Guys, may nakalimutan tayo kaya tara na!"  Naiiyak na ko pero kailangan kong pigilan. Alam kong ito nalang yung paraan para makalayo kami dito. Pero may nakita ako bangkay!!

Death PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon