NARIAH RIYE VELNIROÑIA
Nandito na kami sa mundo ng mga tao. Ginamit namin ang portal para makarating ng mabilis sa mundong ito.
Sineal ni headmaster ang mga kapangyarihan namin. Hindi daw namin kailangang gamitin ang kapangyarihan dahil pagkukuha lamang ng impormasyon ang pakay namin dito.
Kung sakaling makasalubong namin ang kamukha namin sa mundong ito...
Kami na raw ang bahala do'n.
"Grabe, pinagtitinginan tayo ng mga tao dito." Si Sherria. Yeah, pinagtitinginan nga kami ng mga bawat taong nakakasalubong namin.
Masyadong hindi komportable ang mga tingin nila na parang mangangain sila ng tao o para bang nagsusupetsya sila sa'min.
Ganito pala talaga sa mundo ng mga tao.
Magkaibang-magkaiba.
"Shet! Kyaahh! Ang gwapo nung lalaking katabi ng parang masungit na babae. Lapitan ko kaya?" Bulong ng isang babae na malapit lang sa likod namin.
Wow, are they referring to Raiko?
"Gora mo yan ghorl! Support lang ako sayo. Aysus, baka mabighani 'yan sa ganda mo!"
Gora? Ghorl? What kind of words are that?
Napapitlag ako sa gulat nang biglang may bumangga sa aking balikat. Muntikan na akong matumba buti nalang ay agad kong naicompose ang aking sarili.
Lumapit ang babaeng bumangga sa'kin kay Raiko kaya naman ay napatigil ako pati narin ang mga kasama ko.
"Uhm... H-Hello? C-Can we take a picture?" Nahihiyang tanong niya habang nilalagay ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tenga.
Napataas ang aking kilay ng tumango si Raiko nang walang pag-aalinlangan.
Dumikit sa kaniya ang babae na akala mo ay isang linta. Nahahalata ko na dinidikit niya ang kaniyang dibdib sa braso ni Raiko at inilalapit niya ang kaniyang pisngi sa mukha nito.
Ganito ba ang mga tao sa mundong ito?
"Uhm... Miss, I'm very sorry but can we go now? There are some things that we need to take care. Makakaalis ka na." I excused. Nakita ko naman ang pagtaas niya ng kilay sa'kin kaya ginantihan ko rin ito at inirapan.
"Who are you to tell me that?" Nanliit ang mga mata ko dahil sa tanong niya. Sino ba daw ako sa tingin niya?
Ako lang naman ang papatay sa babaeng 'toh.
"And who are you to take a picture with him?" I fired back. Napatikom naman ang kaniyang bibig at hindi alam ang sasabihin. Bumunuka nga ang bibig niya pero agad niya naman itong sinasara.
"Aish! Let's go na nga ghorl. Panira 'tong babaeng 'toh." Sinamaan niya ako ng tingin saka ulit ako binunggo sa balikat.
"Ooohh! Lupet mo dun Nariah ah!" Pang-aasar sa'kin ni Sterm pero di ko nalang pinansin.
"I hate the guts of that girl. Sabihan ba naman si Nariah na kung sino ba daw siya!" Si Arlvena. Di ko nalang sila pinansin at nauna nang maglakad.
"Jealous? You can take a picture with me anytime." Walang ganang sambit ni Raiko sa'kin.
I tilted my head and looked at him with bored eyes. "No thanks, I don't do taking pictures lalo na kung ikaw lang din naman."
Napatigil ako ng may mabunggo akong isang babae. Nakahood siya kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. Aalis na sana siya ngunit bigla kong hinawakan ng mabilis ang kaniyang kamay.
Hindi ko alam kung bakit nagawa ko iyon, kumilos mag-isa ang isip at katawan ko.
"Where do you think you are going?" I asked coldly to her. Nakita ko namang nanigas siya sa kinatatayuan niya.
"Uhm... A-Ano... Kase..." napataas ang kilay ko dahil sa paputol-putol niyang pagsasalita.
"M-May mga... M-May mga humahabol sa'kin!" Nagulat ako ng hawakan niya ang mga kamay ko. Nakatungo parin siya at hindi parin inaangat ang kaniyang ulo para tignan man lang kami.
"T-Tu-tulungan niyo po akong magtago!"
Nagulat nalang ako ng hilahin siya ni Raiko palapit sa kaniya. Napakunot-noo ako sa biglaang aksiyon niya.
Bigla na lamang ako nakarinig ng mga mabibilis na yapak na animo'y tumatakbo. "Ayan na sila!" Sigaw niya sa'min dahilan para mapatingin kami sa kaniya.
Tumakbo kami ng mabilis at nagtago sa isang maliit na eskinita.
Nagtaka ako nang makitang nakatayo lang sa labas si Sterm at Verto. Magkayakap silang dalawa at parehas silang umiiling-iling sa amin.
"What the fvck you two are doing?!" Mira scowled to them.
"M-May phobia ako sa mga eskinita." Si Sterm. "A-Ako rin, ayaw ko na diyan. Baka may lumitaw nanaman." Nanginginig sa takot na sambit ni Verto na nakapagpangiwi sa akin.
"Phobia my ass." Irap na tugon ni Arlvena sa kanilang dalawa. Hinayaan nalang namin sila at sinabing huwag nalang nila kami ituro.
"Why are they chasing after you?" Nakita kong napayuko ang misteryosong babaeng tinulungan namin. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makita ang itsura niya dahil sa hood na suot niya.
"A-Ano kasi... N-Napagbintangan nila ako na ako daw ang kumuha ng mga mamahaling alahas sa isang jewelry store." Nakayuko niyang sabi.
Humangin nang malakas dahilan para matanggal ang hood na nakalagay sa likod niya.
Nanlaki ang mga mata ko pati narin ang mga kasamahan ko dahil sa aming nakita.
The fvck?!
Ang babaeng tinulungan naming makatakas kanina ay ang version ko sa mundong ito.
Mabuti nalang at nakashade at mask ako kung hindi ay baka mabuking kami ng wala sa oras.
"P-Pasensiya na... I'm sorry k-kung nadamay ko pa kayo sa gulong ito. A-Ako nga pala si Remaira, tawagin niyo nalang ako sa pangalang Rem." Nakayukong sambit niya dahilan para mapangiwi ako.
Ganiyan ba talaga ang itsura ko kapag nahihiya?
Magkamukhang-magkamukha kami, maliban lang ang kulay ng mga mata namin. Ang kaniya ay kulay black habang ang akin naman ay green at red.
"Rem!" Napatingin ako sa boses na tumawag sa kaniya at namilog ang aking mga mata.
Dahil ang tumawag sa kaniya ay ang version ni Mira sa mundong ito.
We're in trouble. Unti-unti na naming nakikita ang mga version namin sa mundong ito.
Kailangan na naming mag-ingat at maging alerto.

BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...