CHAPTER 44

672 34 0
                                    

VERA KLAIRE NYMPSON

Nakakuyom ng madiin ang mga kamay ko dahil sa sitwasyon ko ngayon.

What kind of magic is that? Ancient magic?

No, it can't be. Ancient magics disappeared in this world long time ago. There's no way that guy possessed an ancient magic.

Pain magic huh? Let's see what it can do.

Pero paano ko magagalaw ang katawan ko?

Tumalim ang tingin ko ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Is this what you got?" Nakangisi niyang tanong.

Kinagat ko ang aking labi at mas lalong tinaliman ang tingin sa kaniya. Sobrang sakit at hapdi ang nararamdaman ng katawan ko. Halos wala na akong maigalaw sa aking katawan. Kahit kamay lang para makapagchant ako ng mahika at boses para mabigkas ko ito.

Pero kahit iisa ay hindi ko magawa man lang.

"Vera! Maghintay ka lang! Tutulungan kita! Kailangan ko lang tapusin ang babaeng ito! Just hang on!" Sigaw sa akin ni Dalia.

Naiiyak ko siyang tinignan. Halos hindi na ako makatango dahil sa mga pasa-pasa sa aking mukha. Namamaga na ang iba't ibang parte ng katawan ko.

"Aackkk!" Malakas kong daing ng bigla niyang hilain ang mahaba kong buhok. Hinila niya ito pataas na siyang nagresulta para umangat ako sa aking kinadadapaan kanina.

Tinignan ko ang buong paligid. Lahat sila ay nakatingin sa akin ng puno ng awa at lungkot. Na parang ang baba ng tingin nila sa akin. Tinitignan nila ako na para bang wala na akong pag-asa pang manalo laban sa isang ito.

Hindi ko kaya... hindi ko kayang matagalan ang mga tingin nila. Masyado akong nasasakal sa paraan ng pagtitig nila.

"Now... beg for your life. Then, admit your defeat." Bulong niya sa tenga ko na nagpatindig ng mga balahibo ko.

Tinignan ko siya ng may puno ng hinanakit at pandidiri. "I will never beg for my life and I will never admit my defeat unless you truly defeat me." Madiin kong sambit sa kaniya.

Nakita ko ng panandalian ang pagkawala ng ngiti sa kaniyang labi pero agad niya naman ito pinalitan ng may nakakatakot na ngiti.

"Oohh, I wonder... how long you will last?"

Pagkasabi na pagkasabi niya nun ay binitawan niya ang buhok ko tsaka naman ako sinipa ng malakas dahilan para tumalsik ako ng ilang kilometrong layo mula sa kaniya.

Bali-bali na ang mga buto ko sa katawan pero mas lalo atang nabali at lumala ang kalagayan ko dahil sa ginawa niyang paghagis sa akin.

"Pain type..." Hinanda ko ang aking sarili ng marinig ko ang unang linya ng pagbigkas niya ng kaniyang spell.

Gamit ang kakaunting natitira kong lakas ay buong lakas kong iniluhod ang aking sarili gamit ang aking siko. Tuhod at siko ko nalang ata ang malakas sa aking katawan.

"...Everlasting Agony!"

Pagbigkas niya ng kaniyang spell ay ang pagkasigaw ko ng sobrang lakas.

"Aaaahhhh!" Malakas kong sigaw habang hawak-hawak ko ang aking leeg. Wala na akong pakialam sa mga nabaling parte ng aking katawan.

Ang mga tusok ng karayom na aking nararamdaman ngayon sa aking leeg ay mas lalong lumalala. Pakiramdam ko ay nagdudugo na ang loob-looban ko.

Bumibigat ang aking katawan at parang halos lahat ata ng mga emosyong naramdaman ko dati ay nararamdaman ko nanaman ngayon.

"Mama... huwag niyo po akong iiwan..."

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon