NARIAH RIYE VELNIROÑIA
"Uresha Charlott & Ueno Chad"
Who are they?
"Saan mo nakita 'yan?" Tanong ko sa kaniya habang nakatitig parin sa dalawang pangalan na isinulat sa tintang kulay ginto. "Nahulog kanina kaya pinulot ko. Sinabi ko pa nga sa iyo e." Kumunot ang noo ko nang may makita akong papel sa likod ni Mira kung saan nakapwesto ang maliit na lamesa.
"Tabi..." Mahina kong utos habang nakatingin parin don sa papel. "Huh?" Hindi parin siya umaalis don kaya naman ay agad kong hinawakan ang kaniyang ulo. "W-Wait ano bang gagaw—" tsaka ko ito binaba resulta para mauntog siya sa pader.
Nagkibit balikat ako at umakto na parang walang nangyari. "Aray ko..."
Kinuha ko ang papel sa lamesa atsaka ito pinagmasdan. Lumang-luma na yung papel tsaka parang mapupunit narin dahil sa kalumaan.
"Ano naman kaya 'yan?" Tanong niya habang hinihimas ang kaniyang noo. "I don't know, perhaps a letter?"
"Tignan mo nalang kaya noh?" Suhestiyon niya na sinunod ko naman. Unti-unti kong binuka ang papel.
"Royal Family..." basa ko sa papel. Nakita ko namang napatigil ang kasama ko at mas nilapit pa ang mukha sa hawak kong papel. "Why?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi mo ba napapansin? Larawan iyan ng isang pamilya." Napataas ang kilay ko. "So?"
Napasapo siya sa kaniyang noo. "Hindi mo ba napapansin? Ang lalabo ng mga mukha nila oh! Paano natin makikilala ang mga nasa larawang iyan?"
"Mahalaga ba iyon?"
"Oo! Mahalagang mahalaga! Royal family iyan ng Angels clan!" Sagot niya.
"Royal family?" Tumango siya.
"Yeah, Royal family. Bawat angkan ay may Royal family pero meron din namang tinatawag na Upper family. Ang mga Royal family sa bawat angkan ay ang pinakamalalakas o pinakamataas na pamilya. Ibig sabihin nun, kung ikaw ay miyembro ng Royal family ng isang angkan... Malaki ang tiyansa mong maging sunod na leader nito!" Paliwanag nito. Pumikit ako para iabsorb pa ang lahat ng mga impormasyon na kaniyang sasabihin.
"Mayroon ba kayong Royal family?" Tumingin siya sa'kin na parang hindi makapaniwala. "Malamang, mayroon talaga kami. Kaso nga lang ay hindi Royal family ang tawag sa amin. Kilala ang pamilyang kinabibilangan ko bilang Imperial family. My real family is the real Imperial family pero nang dahil sa assault na nangyari noon ay naubos sila at ako nalang ang natira." She said then smiled sadly.
"Siyempre ang 2nd family ko ang naging imperial at dahil hindi narin sila maaring magkaroon ng anak ay ako parin ang magiging sunod na leader ng Air Fairies kung hindi namatay si Ate Saruna." Tinapik ko ang balikat niya. "You are such a brave woman. Kinaya mo ang lahat. Hindi na nakapagtataka na nainlove sa iyo si Perry. Well, I guess starting from now, I'll look up to you."
Nakita ko naman ang biglaang pagpula ng kaniyang mga pisngi. Hinampas niya ang aking braso. "Huwag mo ngang banggitin ang pangalan ng isang iyon!" Napailing nalang ako pero agad din sumeryoso.
"Are you scared to fall inlove again, Shonel?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. Namilog naman ang kaniyang mga mata at agad na umiling sa akin. "S-Siyempre hindi noh!"
Lalo ko pang tinaas ang kilay ko at inilapit ang mukha ko sa kaniya. "Are you sure?"
Nakita ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Narinig mo na ba Nariah ang laging pagkakamatay ng mga leader o asawa ng mga pinuno dahil lang sa sakit?" She asked to me. I shaked my head as my answer.
Itinuod ko ang aking mga kamay sa lamesa at tinignan siya.
"Alam mo ba... dati ko na narinig noon sa Air Fairies clan ang pagkamatay ni Eiro, ang tunay ko palang ama. Namatay siya dahil sa isang sakit kung saan lahat ng kapangyarihan mo ay madadrain at madadala nalang sa hangin."
"Dati, hindi ko pa alam na isa pala akong ampon at hindi ko pa kilala ang tungkol sa tunay na Imperial family sa angkan namin. Nabalitaan ko nalang na may sakit ang aking Ina na si Amira. Siya ang foster mother ko. Iyon pala ay nakuha niya ang sakit na mayroon dati ang tunay kong ama. Pumunta ako sa bayan ng Herkinal para magresearch ng gamot para mapagaling si Ina. Bata palang ako nun pero alam ko na agad at sanay na kaagad ako sa aking mga nakikita." Pagpapatuloy niya. Nakita ko narin ang mga luhang unti-unting tumutulo mula sa kaniyang mukha.
"Napag-alaman kong hindi na pala magagamot ang sakit na mayroon si Ina. Iyon ay dahil sa bawat henerasyon ng nagiging Imperial family sa angkan namin. Malaki ang tiyansang makuha ang sakit na iyon kapag naging miyembro ka ng imperial. Isang tao ang magdurusa sa sakit na iyon hanggang sa manghina siya at mawalan ng hininga."
"Si Amira na aking foster mother ay miyembro ng Origin Clanners dati. Isa siya sa tinaguriang malakas na babae kasama ang Ina ni Raiko na si tita Haruka."
"T-Teka ang gulo. Kung si Amira na iyong foster mother ay isa sa mga miyembro ng Origin Clanners dati. How about your real parents?" Napatawa siya ng mahina sa akin.
"You didn't get it?"
"Ang tunay kong ama ang naging isa sa mga miyembro ng Origin Clanners ngunit maaga siyang binawian ng buhay. Pero bago siya mabawian ng buhay ay nasa sinapupunan na ako ng aking tunay na ina. Nung nagkaroon ng hiatus ang mga Origin Clanners ay doon nangyari ang assault sa tunay kong pamilya. Doon nangyari ang pagpatay ni Ate Saruna sa aming pamilya." Habang nagkukwento siya ay humihikbi ito.
"Doon rin ipinalabas na ako ay anak ni Amira at iyon rin ang panahon kung saan nakuha niya ang sakit na mayroon ang tunay kong ama." Napangiti siya ng mapait.
"But, Shonel. Paano mo nalaman ang lahat ng ito?" Napatawa siya ng marahan. "I did some research pagkatapos nung nangyaring labanan sa pagitan ng mga dark generals. At nung nalaman ko din ang tungkol sa tunay kong pamilya. Siyempre tinanong ko rin ang mga elders tungkol rito."
Poor soul...
"Wala na bang ibang nakasulat sa papel na iyan?" Tanong niya sa'kin. "Wait..."
Pinagmasdan ko ang buong papel at natuod ako sa aking kinatatayuan ng may mabasa akong salita.
"A-Actually meron Shonel."
"Oh bakit nanginginig ka diyan?"
Kinagat ko ang ilalim na bahagi ng aking labi at nag-alinlangang sabihin.
Bigla niyang hinablot sa akin ang papel. "Akin na nga!" Seryosong binasa niya ito pero agad ding napalitan ang reaksiyon.
"The Sinners Scar" Sabay naming bigkas.
It has already begun...
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...