VERA KLAIRE NYMPSON
Hinawakan ko ang aking kanang mata.
"I-I... just want to end this! I can't take it anymore!" Sigaw ko habang ang mga luha ko ay unti-unting tumutulo.
Unti-unti na akong nawawala sa sarili dahil sa biglaang pagtake-over ng other persona ko. Pinipilit ko itong labanan pero mukhang malalamon pa ata ako nito.
Bumibigat ang bawat paghinga ko at unti-unti ko nang nararamdaman ang pagod ng katawan ko.
I gritted my teeth and look intensely at him.
"Forbidden Form..." mahina kong bigkas saka inilabas ang aking scythe.
Tumalon ako ng mataas atsaka pinosisyon ang aking sycthe sa aking harapan. Nakatapat ang talim nito sa ibaba.
"...Crushed Impact!" Sigaw ko saka ko mabilisang tinusok ang sycthe ko pagkaapak ng aking paa sa lupa.
Nagresulta ito ng malakas na pagsabog at pagkayanig ng lupa dahilan para magsigawan ang mga tao sa paligid.
"What a great strength you have! You truly impressed me!" Mapang-asar niyang saad sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay tsaka ngumisi.
"It's only one fourth of my strength. I will defeat you. No, I must defeat you." Seryosong sambit ko. Malaki ang determinasyon kong manalo sa labang ito.
Itinaas ko ang aking sycthe at ipinaikot ito.
Mabilis na tumakbo ako papunta sa kaniya. Nang nasa harapan niya na ako ay malakas kong siniko ang tiyan niya tsaka ito sinaksak gamit ang aking sycthe.
"Aaackkk!" Malakas niyang daing. Hinawakan niya ang tiyan niya tsaka siya tumalon patalikod. Sa kaniyang pagtalon ay natamaan ng paa niya ang aking baba kaya naman ay napatalsik ako.
"Tch." Nang malasahan ko ang dugo sa aking bibig ay dinura ko ito at naiinis siyang tinignan.
Bakit ba sa lahat ng pwede niyang sipain yung baba ko pa talaga? Hindi niya ba alam na isa yun sa mga good points ko bilang isang babae?
Gutay-gutay na ang suot kong boots na umaabot hanggang sa aking hita. Mahal pa naman ng bili ko dito.
Yung shorts ko naman ay halos umikli na dahil sa mga punit nito. Ang laki ng pininsala niya sa akin.
Ang rules ng larong ito ay kung sino ang unang makatalo ng isang kalaban, sila ang magwawagi.
Hindi parin natatapos ang laban nila Dalia kaya hindi pa tapos ang labang ito. Mahigit isang oras na siguro ang nakakalipas ng mag-umpisa ang laban pero kahit isa ay walang sumusuko.
Muntik narin kaming matalo kanina nang dahil sa'kin. Kung hindi ko lang siguro naisipang i-activate ang pagiging vampire ko ay baka natalo na kami at kinawawa nila.
Binigyan na ako ng dalawang pagkakataon kaya hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ibinigay para sa'kin.
I need to finish this battle I've started.
"Forbidden Form...Consume Blood!" Mabilis at malakas kong bigkas saka unti-unting nagform ang malaking bilog na kulay pula.
Ang laman ng bilog na hinuhulma ko ngayon ay ang dugo ko mismo. Makakaramdam ako ng panghihina pagkatapos ko gamitin ang spell nito. Malaki rin ang tiyansa na mahimatay ako at magkaroon ng blood deficiency syndrome ang katawan ko.
I can't afford to lose!
Nang maging isang malaking bilog ito ay pinosisyon ko na ang aking sarili at nilagyan ng puwersa ang malaking bilog na ito.
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasia[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...