CHAPTER 14

921 49 2
                                    

VERA KLAIRE NYMPSON

Nanginginig kong tinignan si Captain na nakatayo na parang walang iniindang sakit sa katawan.

Nakatingin siya ng mariin kay Ms. Klea. Mahigpit ang kaniyang hawak sa handle ng wheelchair.

Umiling-iling kong tinignan si Captain. Malubha pa ang kalagayan niya. Hindi niya pa kaya.

Hindi namin magawang makakilos dahil sa aurang pinapalabas ni Captain. "Hindi ako makakilos." Mahinang sambit sa'kin ni Sherria.

"N-Nariah... please wake up. Pigilan mo siya." Bulong ni Arlvena habang nakahawak sa mga kamay ko. "Everything will be alright, Ven." Pag-aassured ko sa kaniya na ikinatango niya kahit naiiyak na siya.

Nagsisilabasan ang mga kung ano-anong marka sa kaniyang katawan. Nilalamon nanaman siya ng kaniyang galit.

Si Tita Haruka ay nakayakap lang kay Keiro dahil katulad niya ay naranasan na namin ang matinding galit ni Captain.

Matagal niya nang sineal ang isa niyang kapangyarihan na namana niya kay Tito Relaigh.

Hindi namin alam kung saang angkan nanggaling si Tito Relaigh. Basta ang alam namin bigla nalang siyang naging miyembro ng Origin Clanners.

Seryoso at malamig na nakatingin si Captain kay Ms. Klea na hanggang ngayon ay hindi parin makakilos sa kaniyang kinatatayuan.

Tinignan ko ang kondisyon sa kwarto ni Nariah. Ganon parin, wala paring pagbabago.

Kita ko ang unti-unting pagtutumbahan ng mga clanners na nakapalibot sa kaniya dahil narin siguro sa unti-unti nang nadadrain ang mga kapangyarihan nila.

"What are we gonna do?" Tanong sa'kin ni Sherria ngunit di ako nakasagot dahil maski ako ay hindi ko alam.

Tinignan ko si Mira na tulalang kinakagat ang kaniyang mga kuko. Nalilito narin siya.

Bakit biglaan ang lahat ng ito? Bakit nangyari ang lahat ng ito sa isang araw lamang? Hindi ba't parang ang saya saya namin kanina?

"We're doomed," nakayukong sabi ni Perry. Ano na ang mangyayari sa'min?

"You're the one who provoked her right?! You're the reason why she's lying in the bed right now!" Mariing sambit ni Captain na nakapagpatulala kay Ms. Klea.

"I-I just wanted to make all of you safe. Gusto ko lang na masiguro ang kaligtasan niyo mula sa babaeng iyon!" Sigaw na sagot ni Ms. Klea ngunit nagulat nalang kami ng biglang sinakal ni Captain si Ms. Klea.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nagpupumiglas si Ms. Klea laban sa pagkakasakal sa kaniya ni Captain.

"Oh my gosh!" Malakas na pagkakasabi ni Mira. Narataranta na kami ngunit di kami makagalaw dahil sa tensiyon ng aurang pinapalabas ni Captain.

Shit! Nakakainis talaga!

Nakita ko ang pag-iling-iling ni Tita Haruka.

Dahil ito rin ang senaryo ilang taon na ang nakakalipas. Ang senaryo kung paano nakita ni Raiko ang pagpatay sa kaniyang ama. Kay tito Relaigh.

Rai...

Iyan ang tawag namin sa kaniya nung mga bata palang kami. Pero umpisa nung namatay si Tito Relaigh ay nawalan na kami ng lakas na tawagin siya sa pangalang Rai.

Because calling him Rai makes him reminded of his father.

Natatakot kami na baka biglang magwala si Captain kung tatawagin pa namin siya sa pangalang Rai.

He's okay kung ang ina niya ang tatawag sa kaniya pero kami...

Wala kaming lakas.

"Rai-chan... please stop it. You're father will be angry to you." Mahinang pagkakasabi ni Tita Haruka ngunit parang hindi siya naririnig ni Captain.

"Rai-chan..."

"RAIKO STOP IT!" Malakas na sigaw ni Tita Haruka na dumagundong sa buong palapag. Agad na binitawan ni Captain si Ms. Klea na ngayon ay naghihingalo.

Tulalang nakatingin sa kawalan si Captain. Unti-unti naring nabura ang mga marka sa katawan niya at bumalik na ulit ang sariling aura niya.

Agad na tumakbo palapit si Raiko sa kaniyang Ina at agad itong niyakap. "I-I'm so sorry Mom. I'm very sorry." Humihikbi niyang saad habang nakayakap sa kaniyang Ina. "Don't be sorry, Rai-chan. Just rest, rest for now." Tita Haruka patted his head that makes him unconcious.

"Oh shit!" Verto cursed silently. "Why?" Agad kong tanong sa kaniya. Tinuro niya ang room ni Nariah kaya naman ay tumingin ako dito at gulat sa nakitang senaryo.

Natumba na ang lahat ng clanners na kanina lamang ay pinalilibutan si Nariah upang gamutin pero ngayon ay lahat sila ay mga tumba na.

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kinaroroonan ni Nariah at hinawakan ang kaniyang kamay.

It's cold. N-No it can't be!

Hinawakan ko ang dibdib niya ngunit wala akong naririnig na tibok man lang ng puso!

Nanginginig kong tinapat ang aking tenga sa kaniyang dibdib pero wala talaga akong naririnig o nararamdaman man lang!

Nanghihina akong napaupo sa sahig at hinawakan ang aking ulo. Umiling-iling ako at napakagat ng labi.

Hindi pwedeng mawala siya! Hindi talaga pwede!

"We need to help each other!" Natatarantang sambit ni Sherria tsaka nagconcentrate.

"Her eye! Nariah's eye! Kunin mo Herkus!" Mabilis na utos ko kay Herkus na sinunod niya naman.

"Water Type: Blessed Water of Healing!"

Nakatapat ang mga kamay ni Sherria sa dibdib ni Nariah habang nakapikit.

Hindi namin alam kung hanggang saan aabot ang aming kapangyarihan.

"Shean! Use your magic to activate Nariah's magic! And I will use my magic to control her blood!" I instructed.
"Got it!"

"Mira use your air magic to lessen the pressure of air that surround us! Perry and Arlvena control the weather! Control the magic particles of the weather today!" Mabilis kong utos na sinunod din nila.

"Verto samahan mo si Herkus na kunin yung mata ni Nariah then tanong niyo kay Ms. Klea kung paano ibalik ulit ito!" Tumango si Verto sa'kin.

"Blood Type: Coordinate Limit!"

"Sterm! Nakokontrol mo ang elektrisidad diba? Send an electric shock to the heart of Nariah! It will wake her conciousness!"

"Got it!"

Hang in there, Nariah. You will survive. No, you must survive.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon