PROLOGUE

4.7K 125 5
                                    

Takot. Pangamba. Pag-iyak. Paghingi ng tulong.

Iyan lang ang tanging nakikita ko sa mga reaksiyon ng bawat tao.

Bakit nga ba ganiyan ang reaksiyon nila? Bakit nga ba sila takot? Ano nga ba ang dapat nilang gawin? Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito?

Hindi ko alam.. iyon ang hindi ko alam.

Ang tanging nagawa ko nalang ay ang tumingala at pagmasdan ang kalangitan.

The world is coming to end, huh?

Ano nga ba at bakit nagkaganito ang lahat?

Sino ang dapat sisihin? Sino ang dapat maging responsable?

Ang bakas ng paghihirap ay dala-dala ng mga makasalanang tao. Dapat nga ba kaming magalit sa kanila? Kung kami mismo ang nagdulot ng kahirapan sa kanila?

Gumaganti lang naman sila, hindi ba?

Kung pwede lang ibalik ang oras at pagsisihan ng lahat ang mga nagawa nila. Hindi sana magkakaganito ang mundo.

Akala ko ba tapos na? Akala ko ba magiging masaya na kami? Heto nanaman at mayroong mga kalaban.

Ang peklat ng nakaraan ay permanente ng nakatatak sa buong katawan nila. Ang dating mapayapang angkan ay siya naman ngayong nagdadala ng kadiliman sa lahat.

Ang mga inosenteng tao ang siyang magbabayad ng kasalanan na nagawa ng nakatataas.

Ano nga ba ang ginagawa nila? Ano nga ba ang plano nila? Bakit humantong sa ganito ang lahat?

Ang pagkakamali sa nakaraan ay nadala ngayon sa kasalukuyan na siyang magdudulot ng madilim na kinabukasan.

THE SINNERS SCAR

NOTE!

Read LUMEN ACADEMY: WHO AM I? First, before reading THE SINNERS SCAR so you won't get spoiled.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon