CHAPTER 09

999 48 7
                                    

MIRA HERENA SHONEL

Nandito ako sa bench at iniintay si Perry na bumalik.

I want to visit Nariah so badly!

Ni hindi ko nga alam kung anong gagawin namin dito sa festival. Puro ikot lang.

Nakita ko sila Arlvena na pinalibutan kanina pero hinayaan ko nalang. Baka kasi nagsasaya na yung dalawang 'yon.

May napansin akong shop na nakaagaaw ng aking pansin. Isa siyang shop na puno ng mga bulaklak kaya pinuntahan ko ito.

"Uhm.. Tao po? May tao po ba dito?" Tanong ko habang kumakatok sa pinto. Isa nga siyang shop pero nakasarado naman.

Parang 'di niwewelcome ang mga customer.

"Walang tao rito. Walang tao," napapitlag ako sa gulat at tumingin sa aking likod habang nakahawak sa dibdib. "Fuck!" I cursed silently.

May batang babae na nasa aking harapan at mataray akong tinignan. What the hell is her problem?

"Anong kailangan mo dito?" She asked while looking at her nails. "Malamang bibili. Shop nga 'toh diba? Ano bang ginagawa ng customer? Malamang bumibili diba?" Sarkatiskong sagot ko sa kaniya.

"Para sa'kin hindi ka customer. Mukha ka pa ngang matandang walang modo."

"Aba't do you want me to kill you?" Pang-aamba ko sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "Before you kill me, I already killed you."

Bakit ba ang laki ng galit sa'kin ng babaeng 'toh?

I gritted my teeth. "Heh! I will ki—"

Bago ko pa maituloy ang aking sasabihin ay may pumigil sa aking kamay.

"Woi! Maghunos-dili ka nga Mira." Sinamaan ko ng tingin si Perry. Bakit niya ba ako pinipigilan? "Nakakainis kasi 'tong batang babaeng ito e!" Nanggigil kong sambit sa kaniya na ikinailing niya.

"What? Ako bata? For your information I'm a hundred year old na. Mas matanda pa sayo!"

"Oh? Sorry, pero hindi kasi halata. Mas mukha kang bata na masarap tirisin." I fired back.

"Atleast ako, kahit matanda na ang edad ko. Mukha akong bata." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kaysa naman sa'yo na bata pa nga pero mukha ng matanda!"

Sasapakin ko na sana siya ng biglang may pumalibot sa aming mga estudyante.

"What the hell?! Kanina sila Arlvena tapos tayo naman ngayon? Ano bang trip ng mga taong 'toh?" Nababanas kong sabi. Nakita naman nilang badtrip ako ih.

"Mr. Perry Luhan Fenriel and Ms. Mira Herena Shonel. The two of you is in the list of the couple who will get marry each other."

Gulat na tumingin ako sa kanila maski si Perry ay gulat din. "Paano naman kami nasali diyan?" Tanong sa kanila ni Perry. "Nailista po kayo sa marriage list ng wedding booth."

What?

Hindi ko na pala kailangan tanungin kung sino ang gumawa nun. Alam na alam ko. Napakalangya talaga ng Arlvena na yun. Humanda siya sa'kin bukas.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon