CHAPTER 41

709 42 7
                                    

SOMEONE

"Bakit ka napabisita dito? I never expected you to visit me." Mariin kong tanong sa lalaking nakangisi ngayon sa akin.

"My, how cold of you... Hindi ba pwedeng bumisita sa dating kaibigan?"

"Kailan kita naging kaibigan? As far as I know, I don't remember being friends with you." Walang emosyon kong sambit.

"That hurts... well, kumusta nga pala ang pagiging head council? Akalain mo yo'n nagawa mo pang pamunuan ang council ng ilang taon dahil lang sa nangyari noon." Mapang-asar niyang sabi.

Ikinuyom ko ang mga kamao ko. "Huwag mo nang ungkatin pa ang nakaraan. Matagal na iyong nangyari—"

"Matagal na nga iyon nangyari pero apektado ka parin." Hindi ko naituloy ang aking dapat na sasabihin. Napatahimik ako sa kaniyang sinabi.

"May gusto sana akong ibalita sayo tungkol sa imbestigasyong ginawa ko tungkol sa mga dating miyembro ng Dark Generals." Aniya.

"Katulad nga ng sinabi mo ay natalo nga ng mga ilan sa Origin Clanners ang mga Dark Generals. Walang iniwang bakas ang mga ito. Pinuntahan ko ang mga ilang lugar kung saan naglaban ang mga miyembro ng Origin at ang mga dark clanners. Pero may dalawa akong bagay na natuklasan..." Saad niya saka sumeryoso ng tingin sa akin.

"Isa sa mga dark generals ang nakaligtas ngunit hindi ko alam kung sino ang dark general na iyon. At ang isa pang bagay na aking natuklasan ay..."

"Isa sa mga miyembro ng grupong iyon ay si Sylvia Quiell na nagkataon ring dating miyembro ng Origin Clanners sa henerasyon mo at nagkataon ring siya ang dati mong kasintahan. Hindi ba?" Dagdag pa niya na ikinaestatwa ko sa aking kinatatayuan.

I tried to compose myself. "N-Nasaan na siya ngayon?" Tanong ko. Tumalikod siya sa akin at tumingin sa paligid.

"Patay na. Base sa inireport sa akin ng headmaster ng Lumen Academy, dalawa sa mga miyembro ng Origin Clanners ang nakalaban si Sylvia. Sinasabing may ginawa daw na kung ano sa mga dark generals sanhi para mawalan sila ng mga ala-ala. Batay rin sa inireport ni Raiko, na limitado lamang ang mga kapangyarihan ng bawat dark general at kapag sumobra ito ay magtitrigger ang spell na ginamit sa kanila para mawalan o mablock ang memorya nila. Isang dark magic ang ginamit rito at hindi ko parin nakikilala kung sino ang taong gumawa nun sa kanila." Mahabang paliwanag niya sa'kin.

Mahigpit na nakahawak ang kamay ko sa lamesa at tumayo tsaka pumunta ng bintana. "May sasabihin ka pa diba?"

"Siyempre. Mahaba-haba ang naging imbestigasyon ko kaya nararapat lamang na mahaba din ang sasabihin ko sayo." Tumawa siya tsaka tumabi sa akin.

"Napag-alaman ko ring si Sylvia Quiell ay pinuno ng Dark Generals pero dahil sa pinatay niya ang sarili niya. Malaki rin ang posibilidad na mas lalo akong mahihirapan sa pagkuha pa ng impormasyon lalo na't gumagalaw narin ang mga miyembro ng Sinnerellian."

"She killed herself?" Mahinang tanong ko. "Yeah, based on the testimony of Sherria, Sylvia stabbed herself infront of them." Sagot niya sa akin.

"What is her last words?" Kuryoso kong tanong. "I don't know, hindi iyon sinabi sa akin. Masyado daw kasing confidential."

Confidential huh?

Sylvia killed herself? Why did she do that? How did she survive?

"At ano naman ang isa pang balita?" Cross arm kong tanong.

"Ang anak mo... napag-alaman kong nasa Lumen Academy siya. Malaki na nga siya ngayon. Kuhang-kuha niya ang itsura ni Sylvia." Napatigil ako at napatawa ng mahina.

Sylvia... she didn't got to know her child or should I say our child?

"Hays, alam mo ba na lagi akong nahihirapan sa pag-iimbestigasyon. Kung bakit kasi ayaw mo pang magpakilala sa kanila. Ayaw mo pang ipakita itsura mo pati natin sa mga miyembro ng Council." Iritado niyang sabi.

"No, I can't do that. I can't risk my identity. Hindi pa ito ang tamang panahon para sa ganon lalo na't ang anak ko ay nasa Lumen. Panigurado akong siya ang pakay ng mga Sinnerellian lalo na't ang dugo ko ang dumadaloy sa katawan niya."

"Kumusta ka na nga pala? Mr. Misteryosong Head Council or should I say Ueno Chad?" Nakangisi niyang tanong.

"Don't address me like that. I'm fine, I'm just having a hard time to locate their location." Saad ko.

"Ah-hah! Kaya mo pala ginawa ang event na ito at pinagkasunduan ng Royal family ay para malaya mong makita ang basement ng mga Sinnerellian."

Tumango ako at ininom ang aking tsaa. "Yeah, limitado ang galaw ko kapag hahayaan ko lang na maging ganito ang mga nangyayari. Malaki rin ang tiyansa na pumunta sila sa Aarshan." Paliwanag ko.

"Ah, kaya pala hindi ka sumama papuntang Aarshan. Sayang ang ganda pa naman daw do'n." Nakanguso niyang saad.

"Ikaw, Eoryeon? Kumusta ka na?" Pabalik kong tanong sa kaniya.

"Well, as you can see lagi akong pagod dahil lagi mo akong pinaiimbestiga." Sarkatiskong saad niya. "Well, you know that I'm doing it to save this world, right?"

"I know how powerful each member of the Sinnerellian is. Their power is terrifying and also destructive. Ang mga kasalanan mong nagawa sa buong buhay mo ang siyang kanilang gagamitin laban sayo. Well, ganon talaga sila. Binalot na ng kadiliman ang mga puso nila." Nakahalimbabang saad ko.

"Hindi ba't ang kambal mong si Uresha ang pinuno ng Sinnerellian dati?" Tanong niya na ikinatango ko. "Yeah, siya nga ang dating pinuno ng Sinnerellian pero sa mga panahong iyon ay hindi pa nababalutan ang kanilang mga puso ng kadiliman. Pero umpisa ng magretiro si Uresha sa pagiging lider ng Sinnerellian na nangyari matagal na matagal na panahon na ay bigla na lamang sila nawala at lumitaw na may poot at galit na nararamdaman."

"Maski ako ay hindi alam ang nangyari sa pagitan ni Uresha at ng mga miyembro ng Sinnerellian. Dahil hindi naman nagsasabi ng kung ano sa akin si Uresha."

"Dahil narin siguro sa nangyari sa angkan niyo noon. Na siyang dahilan para magkabitak-bitak at mawala ang koneksiyon niyo sa isa't isa. What a tragic past you have, Ueno." Buntong hiningang saad niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Bakit nga pala ngayon kalang pumunta? Akala ko ba pupunta ka kahapon?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya at tinignan ang isang frame kung saan ang mga dating miyembro ng Origin Clanners ay magkakasama at kumpleto pa.

"Binisita ko kahapon ang puntod ni Master pati narin ni Vischkana."

"Suspetya ko ay bumisita rin ang anak ko sa kaniya. Well, masaya at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi siya nagkimkim ng galit sa puso niya dahil sa ginawang pang-iiwan sa kaniya noon ni Vischkana."

Ngumiti siya ng malungkot. Nagulat ako ng unti ng makita kong may pumatak na luha mula sa kaniyang mga mata.

"Vera have been through a lot, huh?"

"Then, why don't you visit her or check on her?"

"How can I? Ako na ama niya ay hindi nagawang iligtas ang kaniyang Ina. Wala man lang ako sa tabi niya noong panahong nagdadalamhati siya sa pagkamatay ni Vischkana. Iniwan ko rin siya ng walang pasabi. I bet, she waited me for many years."

"Even if I meet with her... does it change anything? If I say sorry to her... do you think she will forgive me?"

"I know Vera... I know for sure that she hates me. I know for sure that she doesn't want to meet me again. She waited for so many years, I guess she give up."

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon