VERA KLAIRE NYMPSON
Naglalakad ako ngayon kasama sina Captain, Nariah at pati narin si Shean. Si Nariah lang naman ang iimbitahan ko pero sumama pa 'tong dalawang 'toh.
Nakanguso lang ako habang nakahawak ako sa mga kamay ni Nariah. Dumikit talaga ako sa kaniya para maiwasan ko si Shean. Nabalitaan ko rin na may mga sariling pinuntahan ang iba pa naming mga kasamahan habang si Herkus naman ay nasa clinic ng Lumen at may binabantayan.
Nakalimutan kong ibigay sa kaniya ang pinabibili niyang tsaa nung isang linggo.
Noong nakaraan kasi ay nagpapabili siya ng tsaa pero batid kong nalimutan niya na kunin sa akin. Halos tatlong araw na atang hindi niya kinukuha sa'kin. Baka nga wala na siyang balak kunin man lang sa'kin 'yon.
Kaya... ako nalang ang nagtimpla at uminom ng tsaang pinabili niya sa akin.
"Wala na bang masakit sayo Nariah?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Baka kasi pinilit niya lang ang sarili niya na sumama sa'min kahit may sakit siyang nararamdaman. Baka himatayin nalang siya bigla sa pagod.
Tumawa naman siya ng mahina. "No, wala ng masakit sa'kin."
Tumango-tango ako sa naging sagot niya. Mukha ngang wala ng masakit sa kaniya. Tinignan ko ang kabuuan niya pero siyempre hindi ko ginamit ang hidden ability ko.
Naka-all black din siya. Sabi niya sa'kin kahit ilang beses na daw siyang pumunta ng puntod nakakaramdam parin siya ng kaba. Nakalong sweater siyang black na hanggang sa ibaba ng tuhod lang naman at pinares niya sa mahabang itim na boots. Ang mga buhok niya ay nanatiling nakalugay.
Infairness, malakas ang fashion sense niya.
Minsan nga may mga napapansin akong ilang blonde na strand ng buhok si Nariah pero binabalewala ko nalang. Hindi na naman mahalaga ang bagay na iyon.
Nakalimutan ko nga palang sabihin na nasa loob parin kami ng school. Papunta kami ngayon sa headmaster office para may kunin. Pinapapunta kami ni Headmaster. Hindi ko nanaman alam kung ano nanamang pumasok sa isip niya. Pupunta lang naman kami sa puntod ni mama pero may ipapaabot pa daw siya.
"What do you think? Why headmaster called us?" Tanong ni Shean sa amin. Napairap naman ako sa kaniya at umiling-iling. "What are you doing?" Taas kilay niyang tanong.
Ngumisi ako para ipakita sa kaniya na inaasar ko siya. "Are you stupid?" Nakacross arm kong tanong sa kaniya.
Kumunot ang noo niya. "Say what?" Tanong niya, nahahalata ko na ang pagkapikon niya sa sinabi ko. "I asked if you are stupid? Narinig mo naman siguro kung bakit tayo pinapatawag ni Headmaster diba?" Asik kong sabi. Nakangiti pa ako sa kaniya, pinararamdam ko talaga sa kaniya kung gaano ako katalino.
"Oh, so what's your point?" Anito habang magkasalubong ang makakapal niyang kilay. "My point? Tinatanong lang naman kita tapos sasabihin mo sakin kung ano ang pinupunto ko?" Taas-kilay kong tanong sa kaniya.
"Here we go again..." rinig kong bulong niya pero nanatili lang ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad kami. Basically ay nasa harap ko siya kasama si Captain kaya kinakailangan niya pang lumingon dito sa likod para makipag-usap sa akin.
Habang kami naman ni Nariah ay nasa likod nila ni Captain.
"Fine! I lose to you again. You win." Deklara niya habang nakataas ang dalawa niyang kamay. Napangisi naman ako.
Wala talagang makakatalo sa isang tulad ko. Umiling-iling ako at minsa'y tumatawa.
Well what do you expect? I am the one they're called, the lady of vengeance.

BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...