NARIAH RIYE VELNIROÑIA
It's been 2 years since all of that happened.
We are now graduating. Dumating ang araw kung saan magtatapos na kami sa Akademyang ito nang wala siya.
Hindi ko alam kung masaya ako o hindi dahil wala siya pero piinipilit kong maging matatag lalo na sa ganitong panahon.
Pagkatapos ng seremonya kanina ay napagdesisyonan naming magcelebrate naman kami sa mansyon. Ngayong araw ang huling pagkakataon na magsasama-sama kami sa mansyon. Aalis narin kaming lahat dito sa Lumen.
Nagpalit na ako ng damit at nagsuot ng bestida na hindi lalagpas sa talampakan ang haba. Kulay puti ito at medyo kumikinang-kinang pa. Sinuot ko narin ang flat sandals na kulay puti rin at tinali ang buhok ng ponytail ang style.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na sinusuot ang aking eyepatch dahil siya narin mismo ang nagsabi na maganda ang aking mga mata. Ang buhok kong akala ko ay magiging blonde ngunit purong puti pala ang kinalabasan.
Huminga ako ng malalim at bumaba na ng hagdan. Doon ay naabutan ko silang mga nagtatawanan at nagkakasiyahan.
"Ayan na pala si Nariah oh!"
Sinalubong ako ng ngiti ni Vera at kinuha ang braso ko tsaka yumakap rito.
"Tara na!" Pang-aanyaya niya sa akin. Ngumiti ako at tumango tsaka sumunod sa kaniya.
"Grabe! Akalain mo yun nakagraduate parin tayo!" Natatawang sambit ni Perry. Napatawa naman ako ng mahina.
"Hindi ko nga inaakala na makakagraduate ka pa eh!" Baradong sagot sa kaniya ni Arlvena. Inirapan siya ni Perry pero nung tumingin sa kaniya si Mira ay ngumiti siya rito.
"Kung kumain nalang kaya kayong dalawa kaysa magbardagulan pa kayo diyan!" Saway sa kanila ni Sherria habang nakapamaywang.
"Oy! Wag niyong istress-in 'tong si Sherria alam niyo namang may buhay na sa tiyan niyan!" Wika ni Vera sa kanila. Umiling-iling naman si Shean na ngumiti. "Ang galing mo, Sterm ah! Sinabay mo pa sa pag-graduate natin!" Natatawang ani nito.
Napakamot nalang sa ulo si Sterm.
"Wait!" Napatingin kami kay Mira na nagtataka. Gulat na tinignan niya si Sherria at tinuro pa sng tiyan nito. "A-Are you pregnant?!" Gulat na tanong nito.
Tumawa ng malakas ang aming mga kasamahan dahil sa biglaang pagtatanong nito.
Tumango sa kaniya si Sherria at hinaplos pa ang tiyan nito. "One month, I guess?"
Laughter filled the whole place. We're smilling the whole time.
"Nga pala, magsasama-sama parin naman tayo diba?" Pagbabasag ni Sterm sa tawanan. Napatingin kaming lahat sa kaniya. Binatukan naman siya bigla ni Verto. "Malamang! Magiging miyembro pa tayo ng mga Council baka nalilimutan mo?" Sagot nito.
"P-Pero diba kung magiging miyembro tayo ng Council hindi ba't tayo rin ang mga susunod na lider ng mga angkan natin?" Dagdag pa niyang tanong.
Hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya si Mira. "Idiot! Magfofocus muna tayo bilang mga miyembro ng Council at kapag naayos na ang gulong nangyari sa Council edi mapapamunuan na natin ang mga angkan natin!" Paliwanag ni Mira. Tumango-tango ang ilan sa amin.
Nagtaas ng kamay si Shean. "Who will be the head council? Now that Captain is gone, who will be that person?" Tanong niya na ikinatigil naming lahat.
Kahit ako ay napatigil sa pagkain at napaiwas ng tingin. Nagsitinginan silang lahat sa akin at sinesenyasan nila akong magsalita.
I guess, ito na ang oras para sabihin ko sa kanila ang lahat.

BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...