PERRY LUHAN FENRIAL
Natapos na ang aming klase at hindi parin namin mahagilap si Captain at Nariah.
Parang kaninang andito lang sila tapos boom! Wala na sila.
Para na ngang bumubuga ng apoy si Headmaster nung nalaman niyang nawawala sila Captain.
Napag-alaman namin sa nagbabantay ng Lumen Academy na umalis pala yung dalawa. Pinalabas niya daw kasi akala niya may mission.
Pota.
Binuntong ni Headmaster sa'min lahat ng galit niya. Hindi kami pinapalabas ng room na hindi kinakabisado ang history ng mga ginawa ng dating Origin Clanners.
Ano namang connect nun sa galit niya?
Nandito kami ngayon sa isang cafe shop pero hindi namin kasama ang mga girls.
Nagmall sila para bumili ng mga bagong damit. Hays, mga babae nga naman. Pero mabuti narin yon para maaliw nila ang kanilang mga sarili.
Mukha na kasi yatang nagsasawa sila sa gwapo kong mukha.
Hindi ko nga alam kung bakit kami nasa Cafe shop imbes na sa bar.
Broken kasi ang loko. Nabroken kay Sherria kaya ngayon naglulumpasay. Hindi ko nga alam kung bakit kape ang ginawa niyang pang-inom imbes na alak para feel na feel.
Ang totoo niyan, Bar ang suggestion ni Verto pero ayaw ni Sterm dahil gusto niya sa Cafe shop nalang.
Para daw pag uminom siya ng kape, magising daw siya sa katotohanan. Pota diba?
Ewan ko nga ba kung bakit ganun 'yang kumag na 'yan.
Kanina ko pa napapansing nakangisi si Verto. Ano na bang nangyayari sa lokong
'toh? Kanina pa nga siya nakatingin sa may pintuan ng Cafe shop. May inaabangan ba siya dun?Baka naman inaabangan niya ang love of his life na si Arlvena. Mga tao nga naman.
Naranasan ko rin namang mabroken pero hindi sa ganitong kalokong paraan. Nagkulong lang naman ako sa kwarto nun tapos kinabukasan, parang wala na sa'kin yung nangyari.
Just kidding. Ang sakit nga non e. Para ka lang namang paulit-ulit na sinaksak sa sobrang sakit.
"Hindi pa ba tayo uuwi? Baka nandun na sila? Baka nag-iintay na sila dun?" Pag-aalalang tanong ni Shean.
Oh? May kasama pala kaming anghel.
Ay, andito nga rin pala siya dahil napilit siya ni Verto sumama. Maganda sana kung nandito si Captain kaso wala eh, may date ata sila ni Nariah.
Di man lang nagsabi.
"Ayun!" Napapitlag naman ako sa gulat ng biglang tumayo si Verto at ngumiti sa may entrance door.
Pinaggagawa ng kumag na 'toh?
Mula sa entrance door ay may pumasok na apat na babae. Hala, ex ko yung isa!
Walanghiyang Verto 'toh. Yung isang babae naman sa pagkakaalam ko ay kafling ni Sterm dati.
Nako mautak pala ang isang Verto.
"Ladies, come here!" Sinenyasan sila ni Verto na maupo sa table namin. Ah, kaya pala napakadaming bakante sa lamesa namin. May pinaplano pala ang lalaking 'toh.
"W-wait! Bakit ako nasali dito?" Nakabusangot na sabi ni Herkus. Ay oo nga pala kasama namin ang isip batang lalaking 'toh.
Mukhang malalagot kami nito kay Nariah kapag nalaman niyang dinamay namin si Herkus sa kalokohan.

BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...