CHAPTER 59

695 38 2
                                    

SHERRIA OLIVE MORTE

Mabilis akong tumatakbo ngayon. Hindi ko alam kung saang parte ng lugar ng Aarshin ako ngayon. Ang alam ko lang ay tumakbo ako sa bawat daan na makita ko makatakbo lang ng mabilis.

Nagkahiwalay kami ni Mira kaya hindi ko alam kung nasaan na siya.

Bigla na lamang nanghina ang aking mga tuhod kaya naman ay napaluhod ako sa lupa at naghahabol ng hininga. Pilit kong nilalanghap ang hangin sa paligid para maging stable ang paghinga ko.

Nanginginig ang aking mga labi dahil sa pagod. Hindi pa masyadong nakarecover ang katawan ko sa laban nung nakaraan kaya ganito nalang kabilis ang paghina ng katawan ko.

I have a weak body after all.

Malalim na ang gabi at hindi rin ako masyadong makakita sa dilim. Pakiramdam ko ay kaunting galaw ko lang ay magrereact na ang katawan ko. Hinihingal na napahiga ako sa lupa.

Hindi ko na talaga kaya! Namamanhid na ang buong katawan ko.

Kumunot ang aking noo ng maramdaman ko na para bang babaliktad ang aking sikmura. Nanlaki ang aking mga mata at patakbong pumunta sa isang puno.

Napatakip ako ng bibig at maya-maya lamang ay napasuka ako. Mahigpit akong kumapit sa puno pagkatapos kong sumuka. Unti-unti akong napaupo at mariing pumikit.

Anong nangyayari sa'kin? Hindi kaya? hindi naman siguro..

Putlang-putla na ang katawan ko at hindi narin ako makapag-isip ng matino. Nasaan na kaya si Mira? Nasaan na ang iba?

Yinakap ko ang aking sarili dahil sa nararamdamang lamig ng simoy ng hangin.

Kailangan kong magpakatatag. Hindi ko pwedeng ipikit ang aking mga mata hangga't wala akong nakikitang kakampi. Kailangan ko ring intayin si Mira. Hindi dapat ako sumusuko agad. I need to wait.

MIRA HERENA SHONEL

Sinipa ko ang batong nakaharang sa harapan ko at sinabunutan ang sarili.

Nagkahiwalay kami ni Sherria tapos hindi ko pa alam kung nasaan na ako ngayon. Hindi pa siya masyadong magaling paano na kung maabutan siya ng babaeng 'yon?

Nakakainis talaga!

Napatigil ako sa pagwawala nang may marinig akong mga kaluskos sa aking likod.

Uh it can't be. Huwag mong sabihing nahanap niya kaagad ako? I sighed in relief. Mabuti nalang at hindi si Sherria ang kaniyang nasundan.

"Show yourself, lust." Utos ko. "Do I need to find you? Are we going to play hide and seek?"

Napairap ako nang hindi parin siya nagpapakita. Akala niya ba nakikipagbiruan ako sa kaniya? Do I really need to repeat myself?

I whistled. "Kimatra... Kimatra..."

"Ready your farewell words. Once I found you, I'm going to kill you with no mercy. You see.. I'm different to my members, I'm ruthless."

Dahan-dahan kong nilabas ang malaking pamaypay na binigay ng aking yumaong ate.

Finally, I'm going to use it again.

Dahan-dahan akong naglakad sa may damuhan at alertong inihanda ang aking sarili. Kumunot ang aking noo ng may marinig akong kung ano. Hindi ko maipaliwanag kung ano iyon pero dahil sa kuryosidad ko ay sinundan ko ang tunog na iyon.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon