ARLVENA ZERIDA TURLEN
Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa frustation na aking nararamdaman. Nasaan na ba kasi si Nariah? Lagpas na ng hatinggabi ngunit nawawala parin siya. Sobra-sobra narin nag pagod na nararamdaman ko kakaikot sa buong lugar.
Napaupo na ako sa lupa dahil sa sobrang pagod na aking nararamdaman. Hinihingal akong nakaupo at pinagmamasdan ang mga kasamahan ko. Tulad ko, mga pagod at nakasalampak narin sila sa lupa.
"Saan ba pumunta si Nariah? Hindi na ako nakikipagbiruan pagod na talaga ako." Asik ni Perry. Humihingal na humiga ito sa lupa at tumingin sa itaas. "Hindi pa naman siya nakakapagparticipate sa game."
"Hindi naman agad mawawala si Nariah ng walang dahilan hindi ba?" Saad ni Sherria tsaka umupo sa damuhan.
Tumayo si Verto at pinagpagan ang kaniyang sarili. Napatingin ako sa kaniya. "Napakadami na nangyari ngayong araw. Paano pa kaya sa mga susunod na araw?" Aniya.
Pinagmasdan ko si Mira na nakaupo habang nakalutang sa langit. Nakapikit siya at nagcoconcentrate. Ginagamit niya kasi ang hangin para matrack niya si Nariah pero hanggang ngayon ay hindi niya parin ito nadedetect.
Naaawang tinignan ko si Captain na hanggang ngayon ay walang tigil parin siyang naghahanap kay Nariah. Para ngang hindi siya napapagod sa lagay na 'yon.
"So tiring," maiksi kong sambit tsaka ipinikit ang mga mata. Napakadami ngang nangyari ngayong araw na ito. Halos araw-araw na ata. Wala man lang kaming naging pahinga.
Napamulat ako ng mata nang may marinig akong mga sigawan ng mga tao sa paligid. Pakiramdam ko ay nagkakaguluhan ang lahat.
Nawala ang konsentrasyon ni Mira dahilan para mapamulat siya ng mabilis pero dahil sa kawalan niya ng konsentrasyon ay muntikan na siyang mahulog buti nalang ay nasambot siya ni Perry. Kinabahan naman ako dun.
Tumingin ako sa aking gilid ng makita kong tumatakbo sa puwesto namin sila Kiraiyah at Herkus. "Did something happened?!" Tanong namin sa kanila. Napapikit nalang ako dahil pati ako ay hindi alam ang nangyayari sa paligid.
"Nagkakagulo ang lahat. Ang mga knight at iba pang mga tauhan dito sa lugar na ito ay mga nagsisilabasan dala-dala ang kanilang mga armor at weapon. Nagkakagulo naman ang mga tao sa labas ng stadium na ito. Madaling araw na at pasikat narin ang araw. Hindi namin alam kung bakit nagkakagulo ang lahat." Mahabang paliwanag ni Kiraiyah.
Bigla na lamang sumakit ang ulo ko na para bang may tumutusok dito, ganun din ang mga kasamahan ko dahil pati sila ay nakahawak din sa kanilang mga ulo. Nagkatinginan kami sa isa't isa.
"Headmaster?" Tawag ni Mira sa kaniya.
"Naririnig niyo ba ako? Origin Clanners?" Pagtatanong niya sa'min na ikinasagot naman namin ng oo.
"Good." Napabuntong-hininga siya. "Is something matter?" Pagtatanong sa kaniya ni Raiko. Narinig ko ang pagbagsak ng kaniyang paghinga.
"Yeah, it looks like. Nasabing may nadetect daw na presensiya ng mga kalaban sa loob ng palasyo kaya nagkakagulo ang lahat. Pagkatapos non ay may nangyari na mas lalong ikinataranta ng mga tao.."
Hinintay namin ang susunod niyang sasabihin.
"May nangyari na isang pagsabog doon banda sa throne room. Mabuti na lamang at ang Royal Family ay nasa meeting kasama ang mga miyembro ng Council kung hindi ay baka kanina pa abo ang kanilang mga katawan." Pagbibigay-alam niya sa'min.
Hinawakan ko ang aking ulo at napakagat ako ng labi. "Paanong hindi namin narinig ang pagsabog? Malapit lang naman ang kinaroroonan namin sa throne room?" Tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasi[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...