CHAPTER 36

889 41 1
                                        

ARLVENA ZERIDA TURLEN

"Hoy Mira!" Tawag ko sa babaeng may hawak nanamang mapa. Ano nanaman kaya iniisip ng babaeng ito?

"What?" Taas kilay niyang tanong sa akin. Nagkasalubong ang mga kilay ko na tumingin sa kaniya.

Tinawag ko lang naman siya tapos tataray-tarayan niya ako.

"Bakit nga pala 'di ka nakasali sa mga participants ng Lumen Academy?"

Ngumisi siya, "Well, why would I?"

Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit? Ayaw mo bang sumali sa umpisa pa lang?"

"Yeah," sagot niya. "I don't want to join that battle. Tsaka, nirequest ko rin kay headmaster na huwag akong piliin. Marami pang iba jan na mas qualified isali tulad nalang ni Herkus na may pambihirang kapangyarihan." Dagdag pa niya.

Tumango-tango ako. "Well, alam mo narin naman siguro sa sarili mo kung bakit hindi ka nakasali right?" Sinamaan ko siya ng tingin.

Kahit kailan talaga ang laki ng pride ng isang 'toh.

"Oo na! Alam ko 'yon." Sagot ko tsaka umirap. "That's because your power is not completely back. Ineexpect narin siguro ni headmaster na malalakas ang kalaban kaya baka kapag lumaban ka ay kawawain ka lang. Makakasira din 'yon sa reputasyon ng Lumen Academy." Seryoso niyang sabi. Napayuko ako at parang napahiya sa kaniyang sinabi.

Totoo naman ang mga sinabi niya, walang halong kasinungalingan. Sadyang mahina talaga ako at pabaya kaya nawala ang kapangyarihan ko sa akin.

Tumayo ako at tumingin ng walang emosyon sa kaniya. "Alam ko 'yon. Huwag mo nang ipamukha sa akin."

Lumabas ako ng mansion na walang pasabi.

Bakit ba ang taas ng pride niya? Kailangan pa ba niyang ipamukha sa akin na wala akong sapat na kapangyarihan para makatalo ng kalaban? Gano'n na ba kababa ang tingin niya sa'kin?

Lumakas lang naman siya dahil sa kapangyarihang binigay ng namatay niyang ate. Do'n lang naman siya lumakas.

Kaya siya hindi nagustuhan ni Sterm noon. Masyado siyang ma-pride.

Pupunta nalang siguro ako sa Cafeteria para bumili ng maiinom. Nang mapakalma ko naman ang sarili ko.

Maya-maya ay nakarating narin ako sa Cafeteria. Tulad noon, maingay parin talaga ang mga estudyante dito.

Tumingin ako sa malaking bintana ng Cafeteria. Ang ganda ng araw ngayon ah!

Huwag sanang masira ang maganda kong araw.

Umorder ako ng isang lemon tea. At maya-maya ay ibinigay narin sa'kin yung inorder ko.

"Ms. Turlen, ngayon ka nalang ulit umorder ng lemon tea ah! Nagbabago na ba ang panlasa mo?" Tanong sa'kin ni Aling Eriko. Ang isa sa mga nagtitinda dito sa cafeteria.

"Nako! Ms. Eriko, sadyang ngayon lang kasi ako nagkaroon ng free time kaya iyon. Ngayon lang ulit ako nakaorder. Pasensiya na ah!" Sagot ko sa kaniya habang kinakamot ko ang batok ko.

"Sige! Lagi kang mag-iingat." Paalala niya na ikinatango ko nalang.

Nagsearch ako sa loob ng Cafeteria para makahanap nang mauupuan ng makita ko si Herkus na mag-isang umiinom sa isang tabi.

Ngumisi ako at pumunta sa kinaroroonan niya. "Yo! Herkus!" Bati ko sa kaniya sabay upo sa harapan niya.

"Oh, Arlvena-san. What are you doing here?" Gulat na tanong niya sa akin. Napatawa naman ako ng mahina. "Umiinom ako para mapakalma ang sarili ko. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Pabalik kong tanong sa kaniya.

"Napagod ako sa ginawa kong pagbabantay buong araw kaya naman ay pumunta ako dito sa Cafeteria para kumain. Para malagyan naman ng laman ang tiyan ko." Sagot niya tsaka tumawa ng mahina.

"Nga pala, sino nga pala yung binantayan mo buong magdamag?" Curious kong tanong sa kaniya. Kinamot niya ang batok niya. "Ah.. eh.. Her name is Kiraiyah. Binabantayan ko lang siya dahil iyon ang habilin sa'kin nung naggamot sa kaniya."

"Kiraiyah? You mean... nagbantay ka ng babae?!" Gulat kong tanong sa kaniya. Tinignan niya naman ako ng naguguluhan. "Uhm, yeah?"

Tinignan ko siya ng may paghihinala. "Wala ka naman sigurong ginawa do'n sa babaeng nagngangalang Kiraiyah noh?"

Mabilis siyang umiling sa'kin. "W-Wala ah!" Mabilis niyang tanggi habang namumula ang matutulis niyang tenga.

Ah ngayon ko lang pala nasabi sa inyo na si Herkus ay may matutulis na tenga katulad ng isang elf pero hindi naman siya elf. At ang mga buhok niya ay puti na parang silver siguro.

Kakaiba talaga siyang bata err— I mean kakaiba siyang lalaki na nagmula sa Angels clan. Ngayon ko lang kasi nalaman na posible parang maging matulis ang mga mata ng nagmula sa angkan nila.

"Kiraiyah huh? Parang narinig ko na pangalan nun. Pamilyar talaga siya! Pero nakalimutan ko hehe. Parang nagkita na ata kami noon. I think nung bata pa ako?" Saad ko na naguguluhan habang nakikinig lang sa mga sinasabi ko si Herkus.

"Nga pala Herkus. Natural lang ba na ganyan ang tenga at buhok mo? Parang kakaiba ka sa buong angkan niyo ah."

Binaba niya ang kutsara at tinidor niya. "I think namana ko ito sa aking ina. Sinabi narin sa'kin ni Ama dati na hindi daw miyembro ng Angels clan ang aking ina kaya malaki ang posibilidad na sa kaniya ko ito lahat namana. Well, ang buhok ko naman ay natural lang talaga para sa mga angkan namin." Sagot niya sa akin. Napatango naman ako sa kaniya.

"Wait nga lang! Hindi ba't kasali ka sa bilang isa sa mga participants na lalaban sa battle of clanners?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa'kin.

Aba... ang hilig din palang ngumiti ng isang ito.

"Hindi dapat ako sasali pero pinilit ako ni headmaster kaya wala akong nagawa tsaka kasali naman si Nariah-san kaya ayun!" Sagot niya sa akin habang nakatingin sa tanawin sa labas.

Mataimtim ko siyang tinignan. "Hoy! Herkus, umamin ka nga. May gusto ka ba kay Nariah?" Diretsahan kong tanong sa kaniya.

Napatawa siya ng mahina tsaka tumingin sa akin. "No, hindi ko siya gusto. I like her as a sister. Tsaka bakit ako magkakagusto sa kaniya eh mukha namang nakakatakot yung lalaking laging parang papatayin ako sa tingin."

Napatawa ako ng malakas. "Haha, ikaw talaga!" Saad ko sa kaniya tsaka pinat ang malambot niyang buhok.

Binatukan ko siya ng malakas. "Eh, kung kasali ka pala! Bakit hindi ka pa nagpapractice ng mahika mo ngayon?" Tanong ko habang mariing nakatingin sa kaniya.

"Oh, I forgot! Ilang days nalang ba bago ang battle of clanners na iyon?" Tanong niya sa akin.

Ngumisi ako. "Five days nalang bago maganap ang event na iyon. You only have five days left kaya magpractice kana ngayon! Nandoon sila sa training room kaya pumunta ka doon at makisabay sa kanila.

"Alam kong kaya mo yan!"

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon