VERA KLAIRE NYMPSON
Nandito ako ngayon sa sarili kong kwarto. Nagdadalawang-isip kung bibisitahin ko ba ang puntod ni mama. Simula kasi nung ilibing si mama ay hindi ko man lang nakita na bumisita si papa sa puntod niya.
Gusto ko nga siyang imbitahan ngayon pero pinangungunahan ako ng pagkabahala. Hindi na kasi kami nagkausap mula nung pumasok ako dito sa Lumen. Ni hindi niya man lang ako tinawagan pero naiintindihan ko naman siya, alam kong busy siya.
Gusto ko rin sanang isama si Nariah ngayon kaso di pa lumalabas ng kwarto niya si Captain. Baka tulog pa siya kaya hindi ko nalang siya iistorbohin. Tsaka ko nalang siguro siya isasama kapag pupunta ulit ako.
Napag-alaman ko rin mula kay Nariah na inalagaan siya ni mama umpisa nung bata siya doon sa Orphanage nila. Hindi ako nakaramdam ng selos o inggit nung ikwento niya ang lahat-lahat ng tungkol kay mama. Natuwa pa nga ako at gusto ko pang marinig ang tungkol sa kaniya kaso bigla kaming naistorbo nun.
Sabi rin ni Nariah na magkukwento nalang siya ulit kapag may libreng oras ulit siya. Tsaka sinabi rin niya na kung pupunta daw ako sa puntod ni mama ay isama ko siya.
Pero... pa'no ko siya masasama kung tulog parin siya hanggang ngayon?
Pero kapag umalis naman ako ng wala siya ay baka malintikan ako pag-uwi.
Nagpapaikot-ikot lang ako dito sa kwarto, minsan ay humihiga ako sa kama at di mapakali. Ito na ata ang pinakamahirap na desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko.
Kinagat-kagat ko ang labi at daliri ko. Sa katunayan nga ay handa na ang bag ko na may laman na bulaklak at mga pagkain dahil balak kong magpicnic do'n sa puntod ni mama. Tsaka baka gutumin ako kakasumbong kay mama ng mga nangyari sa buhay ko at mga kamalasan narin.
Huminga ako ng malalim at inayos ang suot kong black sando dress na hanggang tuhod lamang ang haba. Color code na namin ang black lalo na sa mga bampirang tulad ko na ang puti ng balat. Balak ko pa nga sanang mag shade kaso nawawala naman yung shade ko.
Kamalasan nga naman...
Tinignan ko ang ayos ng aking buhok sa salamin. Naka fairy braid ang buhok ko ngayon at nakasandals ako na medyo hindi naman kataasan. Sakto lang para hindi ako magpatisod-tisod sa daan.
Bitbit ang aking bag na naglalaman ng kung ano-anong kagamitan, pumunta ako sa aking pintuan tsaka ito binuksan ng dahan-dahan. Baka makaabala kasi ako sa iba na may mga ginagawa.
Kabadong naglalakad ako papunta sa kwarto ni Nariah. Gosh, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng gantong kaba. Iimbitahan ko lang naman siya, di bale sana kung may aaminin ako sa kaniya o kung ano pa.
Hawak ko ang dibdib ko at ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking puso. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Ang OA ko ata ngayon?
Nandito na ako sa harap ng pintuan ni Nariah, kabadong-kabado ang aking puso. Sa sobrang lakas ng pagtibok ay baka hinatayin na ako nito.
Sinapok ko naman ang sarili ko dahil sa mga pinag-iisip ko. Nakita ko namang nakaawang medyo ang pintuan ni Nariah kaya sisilip nalang muna ako kung tulog ba siya o hindi. Sana naman ay gising na siya.
Inawang ko ng kaunti ang pintuan niya at lumuhod ako upang tignan ang loob ng kwarto niya.
Napaawang ang aking bibig sa aking naabutang senaryo ngayon. Halos hindi ata ako makagalaw sa sobrang pagkabigla. Tinakpan ko ng akingkamay ang bibig kong nakabuka. Totoo ba 'tong nakikita ko?
They're hugging...
No, I would say na si Captain ang unang yumakap sa kaniya.
Hindi parin ako makagalaw sa aking kinaluluhudan. Yayayain ko pa ba siya? Baka kasi maistorbo ko pa sila ni Captain.

BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...