NARIAH RIYE VELNIROÑIA
"Why do you think the royal family summoned us?" Tanong sa akin ng katabi kong si Sherria.
I shrugged my shoulders, "I don't know." Sagot ko. Pati rin kasi ako ay naguguluhan kung bakit nila kami kailangan ipatawag. Wala naman siguro kaming ginawang masama.
Napapitlag ako nang hawakan ni Sherria ang aking buhok. Literal na napatigil ako sa aking paglalakad at nagtatakang tumingin sa kaniya.
"W-What?" Tanong ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kaniyang baba at tumingin sa'kin.
"Nagpakulay ka ba ng buhok, Nariah?" Tanong niya na agad kong ikinailing. "No, why?" Pabalik ko namang tanong.
Nagkibit balikat siya at umiling sa akin. "Baka namalikmata lang ako. May nakita kasi akong strand ng buhok na kulay white." Natatawa niyang sambit tsaka awkard na ngumiti sa akin.
"Ganon ba? Hindi ko natatandaang nagpakulay ako ng buhok. Namamalikmata ka lang nga siguro." Aniko tsaka nauna nang lumakad.
Minsan ko naring napansin ang ilang strand ng mga buhok na kulay puti pero hindi ko nalang pinagbigyang pansin. Baka dahil sa lagi akong stress sa mga nangyayari sa paligid ko.
Papunta kami ngayon sa operator room. Nandoon daw ang mga miyembro ng royal family. Nakakapagtaka parin talaga ang pagpapatawag nila sa amin. Siguro baka ay kakamustahin lang kami o kung ano man na may gustong itanong sa amin.
Napatigil ako sa aking paglalakad nang makarinig ako ng mga boses na para bang magkakagalit. Hindi ko kasi matukoy kung nag aaway ba sila o hindi basta ang alam ko ay nagtataasan sila ng boses. Hindi ko napansin na nabunggo pala sa likod ko si Sherria. Nagpeace sign nalang siya sa akin at ngumiti ng may pag-aalinlangan. Napailing nalang ako.
Dahil sa nacurious ako sa mga boses na narinig ko kanina ay sinubukan kong sundin ang pinaggalingan ng mga boses. Ramdam ko rin ang pagsunod ng mga kasamahan ko. Hinayaan ko nalang sila dahil alam kong kahit hindi ko sila pasamahin ay magpupumilit parin sila kung anong gusto nila.
"Hindi ko inaakalang makikita ka namin dito, Kiraiyah. Matagal-tagal narin nung huli ka naming nakita." Banggit ng isang boses lalaki.
Natanaw namin si Kiraiyah kasama ang mga participants mula sa Solar Academy. Kilala niya ba ang mga taong 'yan? Ano naman kaya koneksyon niya sa mga taong 'yan?
"Pwede ba, padaanin niyo na ako. May kailangan pa akong puntahan." Pagpupumilit ni Kiraiyah. Maglalakad na sana siya paalis nang biglang hawakan ng isang lalaki ang braso niya.
"Saan? Doon ba sa mga participants ng Lumen Academy? At bakit naman? Para ba icheer sila? Hahaha hindi ko akalaing sila ang sinusuportahan mo imbes na kami." Nakangising saad nung lalaking may pang-asar na mukha. Tinignan lang siya ng walang emosyon ni Kiraiyah.
"Why would I support your team?" Walang reaksiyong tanong ni Kiraiyah na ikinawala ng ngisi ng lalaki. Nakita ko ring hinigpitan niya ang hawak niya sa braso ni Kiraiyah.
"Baka nalilimutan mo kung saan ka nanggaling? Hindi na talaga ikaw ang nakikilala naming Kiraiyah."
"Ang Kiraiyang nakikita ko ngayon ay isa nang mahina ang utak at walang kwenta. Seriously? Doon ka sumusuporta sa grupong puro mahihina lang naman ang mga miyembro. Hindi ko akalaing napakaliit pala ng standard mo." Dagdag pa niyang insulto. Umupo ako atsaka nakahalimbabang nakatingin sa kanila.
Pupunta na sana si Sherria sa kinaroroonan nila pero agad ko siyang hinawakan sa kamay. "Don't." Magsasalita pa sana siya ng tignan ko siya ng walang emosyon.
"Tignan mo nalang ang mangyayari." Seryoso kong saad na ikinabuntong hininga niya.
"Ano pa bang aasahan mo? Katulad lang din naman ng grupong iyon si Kiraiyah ngayon. Isa na siyang mahina tulad nila at isa narin siyang walang kalaban-laban ngayon. Hindi na siya ang Kiraiyang kilala natin." Maarteng saad nung babaeng parang may otoridad ang presensiya.
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...