LEONARD SHEAN STANLEY
Sa wakas ay nakarating narin kami dito sa puntod ng mama ni Vera. Inuna muna naming pumunta dito, pagkatapos ay pupuntahan naman namin ang puntod ni Master Hikoto.
Base nga sa sinabi ni headmaster sa'min. Ginawan lang daw siya dito ng puntod pero ang katawan niya ay wala dito kundi nasa isla ng Cristoire.
Nakaupo lang kami dito ni Raiko. Yeah, I prefer calling him Raiko than Captain. Ayos lang naman daw siyang tawagin sa tunay niyang pangalan.
Nakaupo lang kami habang pinagmamasdan namin ang dalawang babae na nagkakatuwaan habang kinakausap ang puntod ni Mrs. Nympson.
Hindi ko pa siya nakikita sa personal kaya diko alam kung ano ang tunay niyang itsura sa personal. Sa mga frame ko lang siya nakikita. Hawig niya nga si Vera pero medyo matured lang ang itsura ni Vera hindi katulad nung kay Mrs. Nympson na carefree at maaliwalas.
Napatitig ako kay Vera. "Ma, alam mo bang hindi pa ako kinakausap ni Papa?" Tumawa siya ng kaunti tsaka kinamot ang ulo. "Bisitahin mo naman siya Ma sa panaginip niya tapos takutin mo. Hehe, 'di na kasi niya ako binibigyan masyado ng atensiyon. Lagi siyang nakapokus sa trabaho niya bilang isa sa mga miyembro ng Council."
Napangiti ako ng konti. 'Di parin talaga siya nagbabago. Pasaway at minsan ay mataray pa.
Binatukan siya ni Nariah. "Stupid. Is that all you can tell to her? Why don't you tell her about your life? I think she prefers that." Sinimangutan naman siya ni Vera.
"Pa'no ako magkukwento ng tungkol sa buhay ko e wala namang makabuluhang nangyari sa ngayon. Yeah, sa ngayon."
Umiling-iling si Nariah. "Then, just tell her about your lovelife. You have someone you like? Right?" Kita ko ang pagkagulat ni Vera sa sinabi ni Nariah.
"I-Idiot! Wala pa noh! Walang-wala! Mas
Mabuti pang buhay ko nalang ang ikuwento ko kay mama!" Namumulang sabi sa kaniya ni Vera.Napatawa ako ng mahina. "Oh, right Shean?" Ngising tanong sa akin ni Nariah na ikinataka ko. "Huh?"
"Nothing." Sambit niya tsaka siya tumayo para ilagay ang bulaklak sa puntod at pumikit. Nagkuwento rin siya sa dito habang nakangiti kaya naman ay tinignan ko si Raiko at nakita ko siyang nakatitig kay Nariah.
"Baka matunaw." Pagbasag ko sa katahimikang namamagitan sa'min ni Raiko. Kita ko ang biglang pagkagulat niya at sinamaan ako ng tingin.
"Chill, I'm just joking." Taas kamay kong sabi sa kaniya na ikinailing niya. Binaba ko ang mga kamay ko at takang tumingin sa kaniya. "Why so happy, Raiko?"
"Why? Is it wrong to be happy just for once?" Tanong niya. Umiling naman ako. "No, I'm just... you know, I can't believe that you are smiling."
Natawa siya ng mahina. "You know, you've got the strangest reaction when you saw my smile." Aniya. Sumandal ako sa bench at tinignan siya. "What do you mean?"
"Well, you've got this calmed reaction when you saw my smile. When other people see it, they'll be shocked."
Umiling naman ako sa kaniya. "Well, I'm shocked. I just don't want to express my emotions." Sagot ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa'kin.

BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantastik[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...