NARIAH RIYE VELNIROÑIA
Why it is very dark here? Why am I here? What I'm doing here?
Iyon ang mga tanong na paulit-ulit kong tinatanong sa aking sarili. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay ito ang bumungad sa'kin.
Ang kadiliman.
Wala akong makitang liwanag, wala kahit isa.
Hindi ko alam kung nasaan ako at anong lugar ito. Panaginip lang ba ito? Pero kung oo ay sana naman ay may gumising na sa'kin.
"Halika rito,"
Napatigil ako nang may marinig akong boses na parang pamilyar sa'kin pero hindi ko matukoy kung sino. Nagpatingin-tingin ako sa paligid pero puro itim lang ang nakikita ko at wala ng iba.
"Nasaan ka?" Malumanay kong tanong. Pumikit ako at dinaramdam ang paligid. Nagbabasakaling makaramdam ng presensiya.
"Magpakita ka sa'kin." Utos ko. Ngunit wala paring pagbabago kahit sa paligid.
Nasaan na ang mga kasamahan ko? Bakit ako lang ang nandito? Ano na ba ang nangyayari sa'kin?
Hindi ko alam, wala akong alam.
Napaupo nalang ako dahil sa kawalan ng pag-asa. Pumikit ako at humiga. Madilim rin kahit nakapikit ako. Ano ng gagawin ko?
"Imulat mo ang iyong mga mata..." rinig kong sambit ng pamilyar na boses. Hindi ko alam pero agad kong sinunod ang kaniyang sinabi. Nagtaka ako dahil wala parin namang nagbago kaya napasimangot ako.
Pinagtitripan lang ata ako ng boses na ito.
"Tumingin ka sa iyong mga kamay..." nagtataka man ay sinunod ko ang sinabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang lumiwanag ang aking mga kamay. Naglalabas ito ng puting liwanag sapat na para makita ko ang paligid.
Wala akong nakikita kundi ang isang pinto na may layo ng ilang metro sa akin. Susundan ko ba iyon? Pupuntahan ko ba ang pintong iyon?
Nagdadalawang-isip man ay nagsimula na akong maglakad papunta sa isang malaking pintuan. Iniisip kong baka ito ang daan palabas tungo sa aking mga kasamahan.
Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay huminga ako ng malalim at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Unti-unti itong bumukas at bigla na lamang ito naglabas ng isang nakakasilaw na liwanag dahilan para mapatakip ako ng aking mga mata.
Nang makarecover na ako sa nangyari ay unti-unti kong binaba ang aking braso at nawala narin ang liwanag na mayroon sa mga kamay ko kanina.
Nagulat ako ng may makita akong isang babae na nakatalikod. Malapit lang ang pagitan naming dalawa. Mas matangkad siya sa'kin, siguro ay nasa ilong niya lang ako. Ang blonde niyang buhok ay hinahangin ng malakas. Nakabraid ang kaniyang buhok at para rin itong kumikintab.
Ang kaniyang suot ay isang dress na umaabot hanggang sa kaniyang talampakan. Yumayakap ang kaniyang suot sa kaniyang katawan, dahilan para lumabas ang pagkakurba ng kaniyang katawan. May mga gintong disenyo rin ang iba't ibang parte ng kaniyang dress at nakapaa lamang siya.
"Who are you?" Tanong ko sa kaniya. Parang nagulat pa siya noong magsalita ako.
Nakatalikod parin siya hanggang ngayon at parang pinagmamasdan ang buong paligid. Puro mga ulap lang ang nakikita ko sa paligid at isang puno kung saan nakapuwesto kami ngayon.
Hahawakan ko sana ang aking mata dahil sa nangangati ito ng maramdaman kong wala itong suot na eye patch. Nahulog ba ang eye patch ko? Pero tanda kong hindi ko naman hinulog ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/232409196-288-k482734.jpg)
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasi[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...