CHAPTER 42

722 35 6
                                    

VERA KLAIRE NYMPSON

"Nakita niyo ba si Shean?" Tanong ko sa kanila habang kanina pa ako nagpapaikot-ikot dito dahil diko siya makita.

Natapos na kasi ang huling laban para sa araw na ito kaya kinakailangan na naming umuwi sa tinutuluyan namin para naman ay makapaghanda kami para sa labanan bukas.

Ang nanalo sa laban ay si Alcina na mula sa Quillon Academy. Hindi ko alam ang buong detalye ng laban dahil hindi naman ako naging interesado sa laban nila. Well, hindi naman mapapagkaila na malalakas ang mga taglay nilang kapangyarihan.

Acid magic and weapon summoning huh?

"Hindi ba sabi niya bababa lang siya?" Kibit balikat na saad ni Herkus.

"Oo nga bababa nga lang daw siya pero tapos na yung laban hanggang ngayon hindi parin siya nagpapakita. Damn! Ako ang naiistress sa ginagawa niya!" Pagrereklamo ko sa kanila. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Nariah.

Kaya naman ay tumingin ako sa kaniya na may halong pagtataka. Bakit kaya tumatawa ang babaeng 'toh?

"Puntahan mo nalang kaya sa baba? I noticed that you are just looking for him here, why don't you look for him downstairs?" Napanguso naman ako sa sinabi niya.

"Kailangan ko pang bumaba?" Reklamo kong tanong na ikinatango niya na may seryoso at nagbabantang tingin sa akin. Lumunok ako ng mabagal at mabilis na tumakbo pababa.

"Okay! I'm going to look for him! Pwede na kayong mauna sa inn!" Pagpapaalam ko sa kanila.

"Wait!" Pigil ni Sherria.

Tumingin ako sa kaniya. "What?" Tanong ko.

"Inn? Akala ko ba hotel?"

Napakamot ako ng ulo. "Nagkamali kasi ako ng rinig kanina pero ang alam ko inn talaga. Pasensiya na hehe." Saad ko.

Napatampal siya ng noo. "Hindi talaga ako makapaniwala sayo Vera." Kunwari'y dismaya niyang sabi.

Nagkibit balikat nalang ako at winagayway ang aking kamay. "Bye!"

Bakit ba kasi ang haba ng hagdan pababa? Nakakahingal at nakakapagod pa. Kung saan-saan kasi naglulusot-lusot ang Shean na 'yon. Humanda talaga sa'kin ang lalaking iyon.

"Your brother is here... I'm here now. I'm going to protect you from them. Because I am your brother. I love you."

Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong usapan.

Pero teka nga lang... hindi ba't sabi nila masama daw makinig sa mga pag-uusap ng ibang tao? Pero kung curious ka talaga sa pinag-uusapan nila siyempre, gugustuhin mong makinig kahit labag 'yon sa manners ng isang tao.

Talino ko talaga!

"You're liar... You're always saying decent and caring words to me. You didn't know that your words are like a weapon to me. I feel like they are stabbing me. I don't want you. Your not my brother and you will never turn back time where everything is going well. You can't."

Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Shean. Alam kong siya 'yan. Kabisado ko ang boses niya.

"Why...? Why? Why did you that?"

"Did what?" Walang emosyong tanong ni Shean na halos ikinatigil ng paghinga ko. Si Shean ba talaga ang nagsasalitang iyon?

"Why did you turn your back to your own clan? Dwarfs clan is where you belong."

Pinupunasan ko ang mga pawis ko na tumutulo dahil sa nararamdaman kong tensyon sa kanila.

Kuya niya? Wala akong naalalang nagkwento sa'kin si Shean tungkol sa pamilya niya. Hindi naman kasi siya nagsasabi sa'min kaya hindi ko nalang tinanong.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon