CHAPTER 35

927 46 2
                                        

ARLVENA ZERIDA TURLEN

Kasama ko ngayon si Nariah at Vera. Pupunta kami ngayon sa classroom.

Yeah. May klase na ulit kami ngayon and this time ay kailangan na talaga naming humabol. Dahil baka kapag 'di nanaman kami pumasok ay baka hindi na talaga kami makagraduate.

Huh? Graduate?

Natandaan ko na pala. 2 years nalang ay makakagraduate na kami at tatahakin na namin ang iba't ibang daan para sa amin.

Magkakahiwalay-hiwalay na kami.

Iyon ang hindi ko matanggap sa lahat. Ang magkahiwa-hiwalay kaming lahat. Mahirap isipin na magiging magkalayo kami.

Kapag naging ganap na mga lider na kasi kami ay asahan mo nang mawawalan kami ng oras para sa isa't isa. May ibang lilibutin ang buong mundo. May iba ring hahanapin ang iba niyang mga kaangkan at may iba ring lilihis ng daan.

It's been a year narin nung pumasok si Nariah sa academy. It brings back memories, huh?

Naalala ko pa kung paano niya nakuha ang atensiyon naming lahat at kung gaano siya kacool.

Marami narin kaming naranasan.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan, Arlvena?" Tanong ni Vera na nakapagpanira ng mood ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Masama bang ngumiti?" Sarkatisko kong tanong sa kaniya. Nagkunwari pa siyang parang may iniisip. May saltik rin ang isang 'toh.

"Oo eh." Maikli niyang sagot. "Mukha ka kasing tanga." Dagdag pa niya.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Kung hindi talaga 'toh isang clanners na nakakapagjontrol ng dugo ay malamang kanina ko pa 'toh sinample-an ng mahika ko.

Unti-unti narin palang bumabalik ang kapangyarihan kong nature. Normal lang daw iyon sabi ni Mama. Malakas daw kasi ang koneksiyon ko sa aking paligid kaya daw baka ay binigyan pa ako ng pagkakataon ng inang kalikasan.

Iingatan ko na talaga ito kung sakali mang bumalik na ang kapangyarihan ko. Namimiss ko na kaya gamitin ito.

"We're here." Anunsyo ni Nariah na nakapagpabalik sa diwa ko. Nauna na akong pumasok habang malaki ang ngiti sa aking mga labi.

Pero agad ding nabura nang makita ko si Ms. Lilith na nakatingin sa akin habang may nakakaasar na ngiti.

Awkward akong ngumiti at mabilis na pumunta sa aking upuan para umupo. Iniiwasan ko siya hangga't maaari.

Nagsiupo narin sila Nariah sa kanilang mga upuan. Nagtatakang tumingin sa'kin si Verto pero 'di ko nalang siya pinansin.

Bahala siya diyan.

"Okay, class. Narinig niyo naman siguro kay Sherria ang tungkol sa anunsyo kahapon. Hindi ba?" Ngiting tanong niya sa amin.

Walang sumagot sa'min. Well, automatically na oo yung sagot namin kapag tahimik kami.

Expected narin 'yan ni Ms. Lilith. Siya pa!

Nagbanggit siya ng ilang spells at maya-maya lang ay lumitaw sa harapan niya ang ilang mga papel na naglalaman siguro ng mga marka namin. Agad niya itong kinuha at ngumiti ng matamis sa'kin.

Yeah, sa'kin talaga siya ngumiti.

"Nandito na sa kamay ko ang magiging kinabukasan ninyo."

Napangiwi ako dahil sa kacorny-han niya. Wala na ba talaga siyang mas maganda pang sabihin? Yung mga salitang pang ngayong henerasyon naman. Masyado naman siyang luma.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon