CHAPTER 53

742 42 1
                                    

MIRA HERENA SHONEL

"Sherria?!"

Malakas na sambit ko sa kaniyang pangalan habang tumatakbo palayo kay Nariah.

"Why are you running?!" Tanong ko.

Ramdam ko ang mga titig niya sa'kin.

"Eh?! Hindi ko rin alam!" Sigaw niya.

"What the fuck?!"

Tumigil ako sa pagtakbo at dahan-dahang umupo. "I-I need water.." nahihirapang saad ko.

"Walang tubig dito, Mira. Sa haba-haba ba naman ng tinakbo natin." Aniya.

"Your ability is water right? Can you give me some?" Ubo ako ng ubo at pakiramdam ko ay nanghihina ang katawan ko.

"Nag-iisip ka ba talaga?! Hindi lahat ng kapangyarihan pwedeng makain o mainom ng isang clanner! Maaari mo ring ikamatay 'tong kapangyarihan ko." Sumbat niya sa'kin.

Napabuntong hininga ako. "I don't care if it's poisonous. I really need water right now. Just give me some of it!" Mahinahong utos ko sa kaniya.

Napakagat siya ng labi at tumingin sa'kin na para bang hindi naniniwala kung totoo o hindi ang lahat ng lumalabas sa bibig ko.

"Fine. Hindi ko narin kasalanan kung magkaroon man ng masamang epekto ang pag-inom mo sa kapangyarihan ko."

Umupo siya sa harapan ko at ibinuka niya ang kaniyang mga palad. Lumabas mula sa kaniyang palad ang isang tubig na parang handang-handa na sa aking pag-inom.

Parang pumutok ang hugis bolang tubig sa kaniyang mga palad at agad itong itinapat sa bunganga ko at ipinainom ito sa akin.

I gulped the last bit of the water.

"T-Thanks, I appreciate it."

"No worries."

Unti-unti akong tumayo sa aking kinauupuan at tumingin sa kaniya.

"Halika na."

Tumango siya at sumunod sa'kin ngunit agad akong napatigil nang may maramdaman akong presensiya.

"Bakit ka tumigil?"

Dahan-dahan kong inilagay ang daliri ko sa kaniyang bibig. "Shh.."

Unti-unti siyang tumango at nagtago sa isang damuhan. Nagtingin-tingin ako sa paligid at maya-maya ay nakaramdam ulit ako ng presensiya.

"...a familiar presence?"

"Labas. Lumabas ka na sa kinalalabasan mo." Mariin kong utos.

"Huwag mong hintaying ako ang hihila sayo palabas diyan sa kinatataguan mo..."

"One of the seven sinners,"

"Kimatra, the lust..."

Napangisi ako ng lumabas siya sa kaniyang pinagtataguan. Hindi nga ako nagkakamali. Ang pamilyar na presensiyang nasense ko kanina ay ang presensiya ng isa sa mga Sinnerellian.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon