Hello to everyone! One chapter and epilogue left before the end of The Sinners Scar.
VERA KLAIRE NYMPSON
Kahit na hinihingal na ako unti-unting nararamdaman ang pagod sa pagtakbo ay hindi parin ako tumigil sa paghahanap sa kinaroroonan ng Gate of the Darkness.
Buong araw na ata akong naghahanap pero hanggang ngayon hindi ko parin maramdaman ang presensiya nito. Nakakapikon na ah!
Sa bawat dinaraanan ko ay nakikita ko ang mga iba't ibang estudyante galing sa iba't ibang academy na nakikipaglaban sa mga halimaw na nagkakalat sa paligid.
Tapos na kaya nilang labanan ang mga miyembro ng Sinnerellian? Natalo kaya nila ang mga ito? Gosh! Kailangan ko na talagang hanapin ang gate na iyon hangga't hindi pa huli ang lahat!
Gabi na at madilim narin ang paligid. Mas lalo akong mahihirapan sa paghahanap nito. Isang lugar nalang ang hindi ko pa napupuntahan.
Ang pinakasentro ng Aarshin!
Huwag mong sabihing? Oh damn.
Mukhang nandoon ng ang tarangkahan. Bullshit! Malayo-layo ako sa sentro ng Aarshin. Kung bakit kasi wala dito si Sterm!
Hindi ko pa maaaring magamit ang abilidad ko bilang isang bampira. Hindi pa ako full developed!
Tatakbuhin ko nalang! Wala na akong pake kung hindi ko na maramdaman ang aking mga paa. Mahalaga ang kinabukasan namin!
Nagsimula na akong tumakbo. Ramdam ko ang paghampas ng hangin habang ako ay tumatakbo. Damn napakapayat ko na tapos lalo pa akong papayat ngayon.
Dahil sa may dugo ako ng bampira ay malayang nakakatakbo ako sa dilim. Hindi ko man kabisado ang daan pero nakikita ko naman ang paligid nang malinaw.
Like yeah, of course. I'm Vera.
Nakaramdam ako ng kaba nang may marinig akong mahinang daing malapit sa aking gilid. Puro mga malalaking bato ang nakikita ko sa paligid. Saang parte kaya ito ng Aarshin?
Huminga ako ng malalim at pumunta sa may malaking bato kung saan ko narinig ang mahinang pagdaing. I don't sense any danger kaya naman ay pinuntahan ko ito.
Umubo-ubo pa ito at parang nahihirapang huminga. Napasampal ako ng sarili. Walang oras para matakot ka Vera. Huwag kang duwag na gaga ka!
Humawak ako sa malaking bato at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Sherria na hinihingal na nakasandal sa malaking bato na aking hinawakan.
"Oh shit! Hey girl!" I panicked. I don't even know what is the right thing to do! Damn! How could I forgot that her body is not that strong!
"Hoy Sherria huwag kang mamatay!" Sigaw ko. Palakas ng palakas ang tibok ng aking puso at di malaman kung anong gagawin.
Muntik na akong masuka nang makita ko ang suka malapit sa kaniyang tabi. Ang lakas pa ng pang-amoy ko gosh!
Inalalayan ko siyang tumayo at kinuha ang braso niya upang ipatong sa'kin. "Ano ba nangyari sa'yo babae? Ako ang kinakabahan ah!" Tanong ko rito tsaka ako nagsimulang maglakad na inaalalayan siya.
"N-Nagkahiwalay k-kami ni Mira.. hindi ko naman akalain na dito ako ipupunta ng mga paa ko. Sinubukan ko siyang hintayin pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nadating.. ang hinuha ko ay siya ang nakaharap ng kalaban.." mahinang sagot niya. Nakaramdam naman ako ng awa rito. Mabuti nalang ay nakita ko kaagad siya kung hindi ay baka may mangyari nang masama sa babaeng ito.
Sherria is a girl with a fragile heart and body. Parang siya yung babae na kailangan mo talagang ingatan dahil parang isa siyang babasaging bagay na baka bigla nalang mabasag kapag hindi iningatan. Nabanggit niya na sa amin na simula nang ipinanganak siya ay may mahina na talaga siyang katawan. Iyon rin daw siguro ang dahilan kung bakit alagang-alaga siya ng tatay niya noon.

BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasia[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...