ARLVENA ZERIDA TURLEN
Nakalipas na ang ilang linggo pero hindi parin nagigising si Nariah.
Successful na nailagay nila Sherria ang tunay niyang mata. Halos wala rin kaming tulog nun.
Ni hindi pa siya nagmumulat ng mata o magkaroon man lang ng progress ang kondisyon niya.
Pagkatapos ng klase ay dito kaming lahat dumidiretso. Minsan nga dito narin kami kumakain o natutulog para lang paggising ni Nariah, kami agad ang makikita niya.
Magaling narin si Captain at kasama namin siya sa pagbabantay kay Nariah. Halos ayaw niya na nga umalis dito sa patient room. Kaya naiintindihan namin siya kung kaya't dinadalhan nalang namin siya ng pagkain.
"It's been a week, huh." Napatingin ako kay Vera nang sabihin niya 'yon. "Yeah, how is Ms. Klea?" Tanong sa kaniya ni Sherria.
"The Council gave her a punishment. Dapat lang sa kaniya 'yon. She's the one who started this mess." Vera answered.
Hindi ko alam kung anong parusa ang binigay sa kaniya basta ang alam ko.
Malaki ang kabayaran ng parusang iyon.
"Ano nga palang nangyari sa inyo nung Surprise festival?" Tanong ni Vera na ikinatuod ko sa aking kinatatayuan.
Pansin kong parehas kami ng sitwasyon ni Mira. Hindi makagalaw sa kinatatayuan.
Napangiwi ako at napaiwas ng tingin.
"Oo nga noh? Ikaw Verto sa'n kayo nanggaling ni Arlvena? Hindi man lang kayo umattend ng wedding ceremony nila Mira at Perry." Wika ni Sterm. Napansin ko ang pagpula ng mukha ni Mira.
"Wedding ceremony?"
"Yeah, nabingwit kasi sila ng mga miyembro ng organizer ng festival." Simpleng sagot sa'kin ni Sherria na ikinatango-tango ko.
Nakita ko ang masamang tingin sa'kin ni Mira. "W-What?" Bulong kong tanong sa kaniya.
"Hindi ba't ikaw ang nagset-up sa kanila, Arlvena? Remember, bago mo ako niyayang bumili ng mga pagkain sabi mo dumaan muna tayo sa marriage booth at ililista mo si Mira at Perry?" I awkwardly laughed at tumingin kay Mira habang nakahawak sa batok.
Walangya ka Verto! Bakit mo sinabi?!
"Ah, sabi ko na nga ba at tama ang hinala ko." Nakaramdam ako ng pagtaas ng aking mga balahibo ng sabihin iyon ni Mira.
"H-Hold on! Magpapaliwanag ako!" Mabilis kong sabi. Hinawakan ko ang mga kamay ni Mira at tinignan ko siya gamit ang nakakaawang mukha ko.
"Hindi gagana sa'kin 'yang mga bulok mong technique, Arlvena." Taas-kilay niyang sabi. Ngumuso ako at bumalik sa aking kinauupuan.
"I'm sorry! Hehehe, akala ko kasi matutuwa ka kapag ginawa ko 'yun." Nakangiti kong sambit sa kaniya na ikinanlaki ng mga mata niya. "W-what are you saying?!"
"Oy, oy, ano 'yan ah? May hindi ka sinasabi sa'kin. Mira, my sunshine ah!" Mapang-asar na sabi ni Perry dahilan para batukan siya ni Mira. "Aray! Nagbibiro lang naman!"

BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...