MIRA HERENA SHONEL
Naalimpungatan ako dahil sa ramdam kong pangangalay ng katawan ko. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at tinignan ang buong paligid.
Nagtaka ako kung bakit nakatali ang aking mga kamay at paa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang parehas na sitwasyon ng aking mga kasamahan. Nakatali rin sila at mga wala pang malay. Ako palang ata ang unang nagising.
Napangiwi ako ng marealize kong nasa rooftop kami ng Lumen. Pamilyar ako sa amoy at itsura ng rooftop pero bakit sa dinami-daming lugar sa Lumen ay dito pa nila kami naisipang ibihag.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Bakit walang nagbabantay rito? Nasaan na ang babae at ang lalaking iyon? Hindi ako naniniwalang iiwan nila kami dito ng walang bantay. May reinforcement kaya sila?
Pito ang miyembro ng Sinnerellian kasama na doon si Nariah. Pero kahit pito lamang ang miyembro nila ay kaya nilang mapabagsak ang lahat ng mga estudyante dito sa Lumen.
"Oh no..." bigkas ko ng marinig ko ang mga sigawan sa baba. Nag-umpisa na sila?
Palakas ng palakas ang sigawan ng mga estudyante sa ibabang parte ng rooftop na ito. Sana man lang ay makakita sa'min.
Napatingin ako sa paligid ng may marinig akong kaluskos malapit sa pintuan.
You can't fool me. I'm the holder of air black magic.
Kinontrol ko ang hangin at hinayaan itong makahanap ng kahina-hinalang presensiya.
Tama nga ako. Nasa may pintuan ang narinig kong kaluskos.
"Bring that person to me..." mahina kong utos sa aking kapangyarihan. Mabilis naman itong sinunod ng aking hangin.
"Kyaa!" Sigaw ng isang babae. Napaupo siya sa unahan ko at gulat na nakatingin sa akin.
Tinignan ko siya ng masama. "Why are you here?" Taas-kilay kong tanong.
Ramdam ko ang panginginig niya at mabilis itong yumuko sa akin.
"P-Patawarin ninyo po ako! N-Nagkakagulo kasi sa baba dahil sa biglaang pagsugod ng mga kahina-hinalang kalaban kaya naman ay pumunta ako dito sa rooftop." Nanginginig niyang sambit.
Huminga ako ng malalim. "Sa dinami-dami mong pwedeng pagtaguan bakit dito pa sa rooftop?" Kita ko ang pagkagat niya ng labi. Halos maiyak na siya dahil sa kabang nararamdaman.
"N-Nakakatakot... nakakatakot sila! W-Wala na akong pwedeng pagtaguan! P-Puro mga walang buhay na katawan ng mga kasamahan ko ang mga nakaratay sa bawat dinadaanan ko... N-Natatakot po ako!" Napahinga ako ng malalim.
Sa sandaling pagsabog na iyon, marami na ang mga namatay? Gaano kalakas ang bawat miyembro ng Sinnerellian?
Gaano kalaki ang galit nila para humantong ang lahat ng ito sa ganto?
"Ano ang pangalan mo?" Malumanay kong tanong sa kaniya. Napaangat at tingin niya sa'kin at tumigil ito sa paghikbi.
"A-Ako po si Hara, b-bagong estudyante sa Lumen Academy." Napangisi ako.
"Ano ang kapangyarihan mo?"
"Mimicry." Nagulat ako ng malaman ko ang kapangyarihan niya.
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasia[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...