NARIAH RIYE VELNIROÑIA
"Rem! Anong ginagawa mo dito?" Malumanay na tanong ng kamukha ni Mira. "Napagbintangan ka nanaman? Palagi nalang nangyayari sa'yo 'yan." Dagdag pa niya.
Tumakbo si Rem papunta sa babaeng tumawag sa kaniya kanina. Kamukhang-kamukha nga siya ni Mira pero magkaiba sila ng kaugalian at kung paano magsalita.
Masyadong malumanay ang boses ng isang Mira habang ang kasama naming Mira ay masyadong mataray at lagi pang nakasimangot.
"Clementine, ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Si Rem. Yinakap niya ang babaeng nagngangalang Clementine.
Dito pa talaga sila nagdadrama. Napangiwi naman ako dahil sa mga kadramahan nila.
Hindi ko kasi maimagine ang itsura naming magkayakap ni Mira.
"Nawawala kasi yung kwintas ko na ipinamana pa sa'kin ni Mommy. Mula pa iyon sa mga ninuno ng pamilya namin. Napakahalaga nun."
"She's so pretty." Si Perry. Mukhang nagniningning ang kaniyang mga mata habang nakatingin kay Clementine. "Magkamukha lang naman sila ni Mira ah?" Kunot-noong tanong sa kaniya ni Shean.
"Yeah, magkamukha nga sila pero malaki ang pagkakaiba nila." Aniya. Napailing nalang ako dahil sa mga pinagsasabi niya.
"S-Sino 'yang mga kasama mo? Hindi mo naman sinabi sa'kin na may mga bago kang kaibigan? Bibihira ka lang kasi magkaroon ng kaibigan, Rem." Ani Clementine.
Nabulunan ako sa sariling laway dahilan para mapaubo ako ng mahina. She's harsh.
"Sila yung mga tumulong sa'kin kanina. Hindi naman sila mga masasamang tao, Clementine." Sambit ni Rem. Ngumiti siya sa'min ng alanganin at nahihiyang tumingin sa'min.
"Uhm... Ano kasi... Ah... eh... P-Paano ko ba 'toh sasabihin?" Bulong niya sa kaniyang sarili na rinig naman naming lahat. Napapoker face nalang ako dahil sa kaniya.
"M-May... M-May malapit na c-coffee shop dito. Gusto niyo bang pumunta muna do'n." Pang-aayaya niya sa'min habang sinusubukang iwasan ang mga tingin namin.
"Pero diba may mga humahabol sayo? Baka makita ka nila at hulihin?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Sherria. Ngumiti naman siya sa'min at humawak sa braso ni Clementine.
"D-Don't worry! Si Clementine na ang b-bahala dun!" Nakatungo niyang saad. Napatampal naman ako ng noo.
Hindi ko talaga maimagine ang sarili ko sa kaniya.
Umalis na kami sa eskinitang pinagtaguan namin. Sinadya kong magpahuli para hindi ako masyadong mapansin ng kamukha ko sa mundong ito.
Ngunit hindi lang pala ako ang nasa dulo dahil napansin ko ang pagka-gloomy ng hangin na nakapalibot kay Mira.
Napatawa naman ako ng marahan. "Can't still accept that Perry likes the version of you in this world than you?"
She scoffed. "Idiot! I just can't accept that the version of me in this world is a gentle person!" Napailing naman ako sa katwiran niya. Mga palusot nga naman.
"Oh! I forgot to tell you that Rem is a popular model kaya marami ang gustong sumira sa kaniya. Lagi nila siyang dinadamay sa mga bagay na hindi niya naman dapat kasangkutan." Ilan sa amin ay namangha habang ako naman ay napangiwi nalang.
Like Mira, I don't like the version of me in this world.
"Here, nandito na tayo." Tumigil kami sa tapat ng isang shop. Malaki siyang shop na parang kasinglaki na ng isang restaurant. Puro mga antique ang makikita mo sa paligid. Makaluma ang disenyo ng shop nila.
"Halika, magsi-upo na kayo. Kukuha ko lang kayo ng maiinom." Clementine offered to us. Tumango nalang kami sa kaniya at naupo na sa upuang inihanda niya para sa'min.
"Hula ko, kay Clementine'tong shop na ito noh?" Arlvena playfully asked. Nahihiya namang tumango si Rem sa kaniya. Napansin ko ang titig ni Raiko sa kaniya kaya naman ay napataas ang kilay ko.
May gusto ba siya kay Rem?
"Woi! Ansama ng tingin mo kay Cap ah." Napatayo naman ako dahil sa gulat at agad na sinamaan ng tingin si Perry. Bulong lang iyon pero nakakagulat parin talaga. I really hate his voice.
"Can you please mind your own business?"
"Huh? Business? Eh wala naman akong business ah. Mukhang nababaliw kana ata Nariah."
Napahilamos nalang ako ng mukha at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.
"Shut the fuck up!" Mariin kong sambit sa kaniya na nakapagtupi ng kaniyang bibig. Napairap naman ako sa hangin at padabog na umupo sa aking kinauupuan.
Do'n ko lang din napansin na kanina pa pala nila ako tinitignan pero binalewala ko ang mga tingin nila at iniiwas ang atensiyon sa kanila.
Napapitlag ako sa gulat ng may humawak sa aking balikat. "You've got some nice curve. Milady." Kinilabutan naman ako sa paraan ng kaniyang pagsasalita.
He's playing with me— No! He's messing with me!
Hindi ko matukoy kung sino ito pero may bahid na pamilyar ang boses na ito.
Huminga ako ng malalim tsaka kinuha ng mabilis ang kaniyang braso tsaka ko ito pinulupot patalikod sa kaniya. Sinipa ko ang kaniyang likod dahilan para mapaluhod siya. Lumapit ako sa tenga niya. "What's your problem?" Bulong na tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang pagngisi niya.
"You. Looks like I found the right person for me." Marahan niyang sabi na ikinataas ng kilay ko.
Nakita ko naman ang mga kasamahan ko na nakabuka ang mga bibig at hindi makapagsalita habang titig na titig sa lalaking nasa harapan ko. Takang tinignan ko sila pero tinuturo lang nila ang lalaki.
Agad kong nilingon aking mukha at namilog ang aking mga mata. Kita ko ang pagtataka nila Clementine at Rem dahil sa biglaang reaksiyon namin.
Dahil ang lalaking binalibag ko ay ang kamukhang version ni Raiko. What the hell?
"Jeez, everything's messed up."
"Yo! Fiancé, hindi ko akalaing dito lang pala kita makikita." Kumunot ang noo ko sa tinutukoy ng lalaking 'toh.
"K-Kearo! A-Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Rem sa kaniya. "Obviously, to find a girl who is suitable for me."
Napataas ang kilay ko dahil sa naging sagot niya.
Mag-fiancé sila pero nagagawa niyang lumandi dito sa paligid at maghanap ng mga babaeng pasok sa taste niya? Disgusting!
I don't think I'II find that guy attractive.
A playboy Raiko? Not bad.

BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantastik[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...