VERA KLAIRE NYMPSON
Takot. Pangamba. Pag-iyak. Paghingi ng tulong.
Iyan lang ang tanging nakikita ko sa mga reaksiyon ng bawat tao.
Bakit nga ba ganiyan ang reaksiyon nila? Bakit nga ba sila takot? Ano nga ba ang dapat nilang gawin? Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito?
Hindi ko alam.. iyon ang hindi ko alam.
Ang tanging nagawa ko nalang ay ang pumikit at pinagmasdan ang langit.
The world is coming to an end, huh?
Ano nga ba at bakit nagkaganito ang lahat?
Sino ang dapat sisihin? Sino ang dapat maging responsable?
Ang bakas ng paghihirap ay dala-dala ng mga makasalanang tao. Dapat nga ba kaming magalit sa kanila? Kung kami mismo ang nagdulot ng kahirapan sa kanila?
Gumaganti lang naman sila, hindi ba?
Kung pwede lang ibalik ang oras at pagsisihan ng lahat ang mga nagawa nila. Hindi sana magkakaganito ang mundo.
Akala ko ba tapos na? Akala ko ba magiging masaya na kami? Heto nanaman at mayroong mga kalaban.
Ang peklat ng nakaraan ay permanente ng nakatatak sa buong katawan nila. Ang dating mapayapang angkan ay siya naman ngayong nagdadala ng kadiliman sa lahat.
Ang mga inosenteng tao ang siyang magbabayad ng kasalanan na nagawa ng nakakataas.
Ano nga ba ang ginagawa nila? Ano nga ba ang plano nila? Bakit humantong sa ganito ang lahat?
Ang pagkakamali sa nakaraan ay nadala ngayon sa kasalukuyan na siyang magdudulot ng madilim na kinabukasan.
The Dark Ages will start again, another war will break out again.
"Shean..." tawag ko.
Lumingon siya sa'kin at taka akong tinignan.
"Nasaan ang mga sacred keys?" Tanong ko.
Napakagat ako ng labi nang mapansin ko ang taka sa kaniyang mukha. Napatigil siya habang nag-iisip.
"Sa pagkakatanda ko ibinigay ito ni headmaster sa Head Council." Sagot niya.
Gulat na napatingin ako sa kaniya. Ibinigay sa head council? It can't be!
Agad akong napatalon ng may paparating na sibat sa aking puwesto. Mabilis akong gumulong pakanan at tinignan ang paligid. Sino ang gumawa non?
"Look out!" Sigaw ni Shean.
Napatingin ako sa taas ko at nakita ko ang napakaraming sibat na nanggaling sa taas.
Oh damn!
"Blood—Ackk!" Napasigaw ako ng tumama ng mabilis sa balikat ko ang isang sibat. Ilusyon lang ba ang kaninang madaming sibat? Pero kanino 'yon nanggaling?!
"Vera! Are you okay?!" Alalang tanong sa akin ni Shean. Tinanguan ko siya at nginitian.
Ang sakit non ah!
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...