CHAPTER 24

970 50 0
                                        

NARIAH RIYE VELNIROÑIA

"Parang kanina pa kitang napapansin na tahimik, Nariah. May nangyari ba?" Napapikit ako ng mariin tsaka umiling.

"Don't mind me, I'm fine." Paninigurado kong saad sa kaniya. Si Mira ang kasama ko sa paghahanap ng impormasyon. Hindi ko alam kung bakit ayaw magpasama ni Sherria. Tsaka sabi rin naman ni Sherria ay kaya niya na ang kaniyang sarili kaya di na dapat kami mag-alala sa kaniya.

"Bakit ba dito tayo pumunta sa isang lumang bahay? Baka naman kasi ay may nakatira dito." Napairap ako sa hangin at bumuntong hininga. "Kung may nakatira pa dito, malamang kanina pa tayo nahuli."

"Isang oras na tayong andito paikot-ikot sa bahay na ito pero wala man lang tayong nakita."

"Maghanap kalang ng maghanap baka ay mayroon naman talaga. Huwag bibig ang gamitin mo Shonel."

"Fine. Oo na maghahanap na."

Simple lamang ang lumang bahay na ito. Hindi masyadong kalakihan at hindi rin naman masyadong kaliitan kumbaga sakto lang ito. Napansin ko kasi kanina nung naglalakad kami sa gubat na ito ay parang may isang bahay na nasa kalagitnaan ng gubat na ito.

Ngunit pagkapasok namin ay wala naman kaming tao ang nakita rito at masyado ng luma ang mga bawat gamit na nakalagay rito.

Sabi ni Vera ay binangungot ako kanina pero hindi ko na maalala kung ano ang napaginipan ko. Masyadong blurry lang ang nakikita ko sa tuwing pilit kong inaalala kung ano nga ba ang napaginipan ko.

"Nariah..."

Pero naalala kong may mga nakita akong dugo.

"Hey... Nariah..."

Naalala ko ring parang may nakita akong batang babae na nakatulala lang. Kulay lila ang kaniyang mga buhok pero hindi ko maanigan ang kaniyang mukha.

"Nariah... parang may nakita ata akong basement."

Napapikit ako ng mariin at pilit na inaalala ang lahat.

"Susubukan ba nating pumasok do'n?"

May nakita rin akong isang lalaking naglalaho at isang babaeng umiiyak habang nakahawak sa isang kwintas.

"Nariah bakit ka nakatulala?"

Nakita ko rin ang isang lalaki kung saan tumusok sa kaniya ang mga maraming bakal.

"Hoy! Nariah?"

Bakit hindi ko maanigan ang kanilang mga mukha? Bakit hindi ko matukoy kung sino sila?

"Yoohoo! Nariah!"

Nakita ko rin ang isang lalaking duguan na nakayakap sa isang babae. Bigla na lamang parang may kumirot sa aking puso. Bakit ganto ang nararamdaman ko?

"Bumalik ka na nga sa sarili mo Nariah!"

Napabalik ako sa aking sarili dahil sa pagyugyog sa akin ni Mira sa balikat.

"B-Bakit?" Tanong ko. Nakita kong napasapo siya sa kaniyang noo at mataray na tumingin sa'kin.

"Kanina pa ako salita ng salita tapos di ka man lang sumasagot. Hello? Parang hangin lang ang kausap ko!" She angrily said.

"Sorry... nawala lang ako saglit sa sarili."

"H-Hoy! Bakit ka umiiyak?" Huh?

Napahawak ako sa aking pisngi. Natanto kong basa ito. Ako? Umiiyak? At bakit naman?

"H-Hindi ko alam..."

"Huh? Halika na nga! Pumunta na tayo sa parang basement ng bahay na ito. May nakita ako." Kumunot ang aking noo. "Basement?"

"Sabi na nga ba at hindi ka nakikinig sa akin kanina. Yes, basement. Iyon oh!" Sambit niya at sabay turo sa medyo di kalayuang pinto. Isang lumang pinto na kahit sino man ay walang magbabalak itong buksan.

Naglakad na kami rito pero agad ding napatigil dahil hinarang ako ng kamay ni Mira. "What now?"

"I sense something in the air. May mahika ang pintong ito." Napatingin ako sa pinto atsaka ito tinitigan ng matagal.

"Dispelled"

Napatakip agad ako ng bibig ng bigla na lamang gumalaw ng mag-isa ang aking bibig.

"Did you just cast a spell?" Naguguluhan akong tumango. "I-I don't know, basta ko na lamang nasabi iyon."

Umiling siya. "Tsaka na natin intindihin ang bagay na iyon. Tara na." Tumango ako atsaka sumunod sa kaniya.

Tama nga si Mira, basement nga ang napasukan namin. Masyadong madilim pero nakakakita naman ako sa dilim atsaka nakasanayan ko na ito tulad nung nakatira pa ako sa bayan ng Meritorious.

Speaking of Meritorious. Kumusta na kaya sila? Matagal ko na silang hindi nakikita. Isang taon na siguro. Time flies so fast.

"Ambaho naman dito!" Reklamo ng kasama ko. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Masanay ka na, lalo na't luma narin ang bahay na ito."

"Whatever."

Mataray nga talaga ang babaeng 'toh. Halos wala na ata makakatalo sa araw-araw na pagsusungit ng isang 'toh.

Tumigil ako sa paglalakad dahil natanggal ang sintas ng aking sapatos. Hindi ko namalayan na naiwan na pala ako ni Mira.

Mabilis kong inayos ang sintas ng aking sapatos at tumakbo ng diretso kung saan pumunta si Mira.

Hinihingal na napahawak ako sa pader. Hinahabol ko ang aking hininga dahil sa haba ng aking tinakbo. Napatagal ba ang pagsisintas ko kanina?

"Nariah..."

Napaangat ako ng tingin ng makita ang seryosong mukha ni Mira.

"I think I just found an information about them." Nagliwanag ng pandalian ang aking mga mata tsaka siya sinundan.

"What do you mean about that?"

"You'll know if we go there."

Napakibit balikat nalang ako.

"This house is mysterious."

"What do you mean?"

"Tignan mo kung paano nakadisenyo ang bahay na ito. Ancient everywhere! Tignan mo rin, may mga pakpak ng anghel! Tapos may mga salita na panigurado ay isinulat pa noong unang panahon! Isn't it too suspicioussss?"

Napataas ang aking kilay dahil sa kaniya. Habang nagsasalita kasi siya parang nagliliwanag na namamangha ang kaniyang mga mata.

Well, what do you expect to a girl named Mira Herena Shonel? She's the type of person who love exploring and discovering new things. After all, she's the informant of our group and also the brain of the group.

"Yeah, it is too suspicious. Why would a person who lives in a modern era build this kind of house?"

"You got it!" She amusingly said. Napatawa ako ng mahina. Sa mga ganitong bagay ko lang talaga siya nakakausap ng maayos.

"Teka! May nahulog na papel oh!" Sambit niya tsaka kinuha ang papel na kanina lamang ay nahulog.

Nagtaka ako ng tumigil si Mira kaya naman ay lumapit ako sa kaniya. "What's wrong?"

"May dalawang pangalan ang nakapaskil dito." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Anong nakalagay?"

"Uresha Charlott & Ueno Chad"

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon