SHERRIA OLIVE MORTE
"Ang laban sa pagitan ni Sherria Morte at Belladonna Isolda ay magsisimula na!" Malakas na nagsihiyawan ang mga manonood sa amin.
Hindi ko na tanaw sila Nariah dahil sa sobrang laki ng stadium na ito. Nakakabingi rin ang mga hiyawan ng mga manonood. Kung bakit pa kasi ako ang unang pinili.
Nakatayo lang ako at ganun rin ang kalaban ko. Hihintayin ko ang gagawin niyang atake tsaka ko naman ito dedepensahan kung makakayanan ko.
Hindi ko pa alam ang kapangyarihang mayroon siya pero malaki ang tiyansa na alam niya ang kapangyarihan ko lalo na't mula ako sa Origin Clanners.
Tumahimik na ang buong paligid. Ibig sabihin ay nakatuon na ang atensiyon nila sa amin at wala na silang balak pang mag-ingay.
Ito na ang tiyansa ko. Kung hindi siya aatake ibig sabihin lang nun hinihintay niya ang pag-atake ko. Malaki ang agwat sa pagitan namin kaya kakailanganin kong tumakbo ng mabilis lalo na't ang gagawin kong magic spell ay isang short-range attack spell.
Pero ano nga bang spell ang una kong gagawin? Mahirap na kung gumamit ako ng spell na nagcoconsume ng malakas na mahika.
Huminga ako ng malalim at kumalma. Hindi ito ang oras para maguluhan at magdalawang isip ako. Kailangan ko lang talunin ang isang ito!
"Water Type..." mahina kong bigkas habang nakataas ang dalawa kong kamay. Nakabuka ang dalawa kong paa habang ang dalawa kong kamay ay nakataas. Mahigpit na concentration ang kailangan kong gawin.
Inihanda ko na ang dalawa kong paa. Inangat ko ang ulo ko at tinignan ang dalawa kong kamay. Kailangan kong ipokus ang mana ko sa aking mga kamay.
"...Sea Chain!" Malakas kong sigaw tsaka tumakbo ng mabilis papunta sa kaniya. Kailangan kong magfocus!
Unti-unting lumalabas ang sea chain mula sa dalawa kong palad. Tumatakbo ako palapit sa kaniya habang ang mga kamay ko naman ay nasa aking gilid at hinihintay na magform ang sea chain ko. Ito ang gagawin kong weapon.
Nasa harapan niya na ako! Ito na gagawin ko na!
Nang makaharap na ako sa kaniya ay umabante ako at mabilis na kinuha ang sea chain. Tumalon ako patalikod para makapagbigay ito ng space sa akin dahil masyadong mahaba ang sea chain na ginawa ko.
Ngunit nang pagtalon ko ay nawala siya sa aking harapan. T-Teka... asan siya?
Tumingin-tingin ako sa paligid. Hindi pwedeng mawala ang konsentrasyon ko! Mahigpit na nakahawak ako sa aking sea chain habang sinusubukan siyang hanapin sa paligid.
Asan na ang babaeng iyon?
"Poison Type..." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niya sa tenga ko pero hindi ko naman siya nakita. Asan siya?
Bigla ko na lamang naramdaman ang presensiya niya sa aking likod. Ngunit bago pa man ako makaharap ay mabilis niya akong nasuntok sa tiyan na ikinahiyaw ko.
"Aackk!" Daing ko habang nakahawak sa aking tiyan. Sobrang sakit nang nararamdaman ko. Kelan pa naging ganito kalakas ang suntok ng isang babae?
"...Poisoned Air!" Pagtutuloy niya sa kaniyang spell.
Nagulat ako ng palibutan ako ng malakas na hangin. Isa ba siyang air magic user? Pero parang hindi. Parang kakaiba ang nararamdaman ko sa babaeng ito.
Kitang-kita ko kung paano naging kulay lila ang mga hangin na nakapaligid sa akin.
"Sherria! Takpan mo ang ilong at mukha mo! Isa siyang poison magic user!" Malakas na sigaw sa akin ni Vera na agad ko namang sinunod.
"You're having a backup huh? Iyan lang ang patunay na kahit isa kang miyembro ng Origin Clanners ay mahina ka parin." Sambit niya sa akin habang may nanlilisik na mga mata.
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...