CHAPTER 23

1K 51 0
                                        

SHERRIA OLIVE MORTE

Nandito ako ngayon sa balcony ng Hotel na tinutuluyan namin ngayon. Madaling araw na kami nakauwi kaya hanggang ngayon ay mga tulog pa sila.

Maaga kasi ako gumising para tulungan si Mira sa paghahanda ng mga pagkain. Maya-maya kasi ay gigisingin na namin sila. Umorder lang kami ng mga pagkain dito sa Hotel. Mga hindi nga ako pamilyar sa mga pagkaing inihahanda nila.

"Sherria! Gisingin mo na sila! Nakahanda na yung mga pagkain." Sigaw ni Mira mula sa dining room. "Roger!" Sigaw ko pabalik.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintong room ng mga girls. Maingat akong pumasok at natanaw ko ang kanilang mga itsura na mahimbing na natutulog. Kinabahan naman ako dahil baka maya-maya ay pagsisipain nila ako dito o baka mamaya ay sigawan nila ako. Or worse, baka gamitan nila ako ng mga kapangyarihan!

Ay, nakaseal nga pala ang mga kapangyarihan namin.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kama ni Nariah. Siya nalang una kong gigisingin. Mukha kasing siya lang ang matinong gisingin dito.

Ngunit paglapit ko ng kaniyang kama ay narinig ko siyang binabangungot. Mabilis akong lumapit sa kaniya. Binabangungot nga siya!

Agad kong tinapik ang mga pisngi niya. "Hey! Gising Nariah! You're having a nightmare, wake up!"

Agad siyang napamulat at napaupo. Tulala lang siyang nakatingin sa kawalan. Tinignan niya ako atsaka huminga ng malalim. "Are you okay?" Tanong ko sa kaniya atsaka kinuha ang baso sa may lamp sa tabi ng kama at binigay ito sa kaniya.

"Uminom ka muna ng tubig para kumalma ka." Alok ko. Kinuha niya naman ito tsaka ininom. "Oh, anong napaginipan mo?" Napatigil siya sa pag-inom atsaka umiling sa'kin.

"No, it's nothing. Nothing important." Iiling-iling akong ngumiti sa kaniya. She don't want to let the other know, huh?

"Ah okey, if that's what you said. Tara na kumain ka na at gigisingin ko pa ang iba." Walang gana lang siyang tumango sa'kin. Naglakad na siya palabas ng kwarto habang ako naman ay napaupo sa kama niya.

Malakas na bumuntong hininga ako. Ano kaya ang napaginipan niya? Why does she look pale?

Naiintindihan ko naman kung ayaw niya sabihin sa'kin pero sana naman ay kahit papano na alam niyang nandito lang kami para sa kaniya.

"Oh, Sherria anong ginagawa mo diyan at nakaupo ka lang?" Tanong sa'kin ni Arlvena habang kinukusot ang mga mata. Gising na pala ang isang 'toh.

"No, nothing at all. Gigisingin ko lang sana kayo. Pumunta ka na sa dining room, nakahanda na mga pagkain doon."

Tumango siya sa'kin at naglakad na palabas. Nagulat nalang ako ng wala na si Vera sa kaniyang kama.

Ah, nauna na pala.

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta ng dining room. Tahimik lang silang kumakain sa table. Tumabi ako kay Vera na nakatulala lang sa pagkain.

"Don't you like the foods? Kung ayaw mo papakuha nalang ako ng iba pa." Malumanay kong tanong sa kaniya. Ngumiti siya sa'kin at natatawang umiling.

"No need. Inaantok pa kasi ako." Umiling nalang ako at nag-umpisang kumain.

"Ngayon na ba tayo maghahanap ulit ng mga impormasyon?" Tanong ni Perry.

"Yeah, we need to separate to each other. Kayo nang bahala kung saan kayo maghahanap but be careful, magdala kayo ng mga mapa baka mawala kayo." Saad ni Mira. Napatango ang ilan sa kanila.

"Can I ask a question?" Tanong ko sa kanila. "Yeah, what is it?"

"Bakit tayo sa mundo ng mga tao naghahanap ng impormasyon tungkol sa mga Sinnerellian o Angels Clan?" Kuryoso kong tanong. Huminga ng malalim si Mira.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon