CHAPTER 49

761 41 3
                                    

ARLVENA ZERIDA TURLEN

"I didn't know that they hide their other powers. Nakakainggit naman. May mga tinatago pala silang mga lakas." Aniko habang nakataas ang mga kamay ko sa hangin. Tinutukoy ko ang laban nila Vera at Sherria. Napakalakas nila! Pati ako ay napamangha nila.

"Yeah, pati ako ay hindi inakala ang lahat ng iyon. I miscalculate their skills." Napabuntong hininga nalang si Mira saka ngumiti sa'kin.

"I'm sorry to what I said before. I just feel pressure kaya ko nasabi iyon." Nakayukong paumanhin niya habang nakatago ang mga kamay niya sa kaniyang likod.

"I'm very sorry," yumuko siya sa'kin. "I didn't mean to hurt your feelings."

Napangiti ako tsaka tumawa. "Huwag ka ngang ganiyan! Minsan lang kitang makitang magsorry sa'kin, lalo na't dahil narin siguro sa pride mo." Natatawang saad ko. Sinamaan niya ako ng tingin pero nagpatuloy ako sa pagtawa.

"But don't worry, hindi ko naman dinadamdam ang lahat ng mga sinabi mo sa'kin. Sadyang pati ako ay nagulat lang din. Pasensiya narin sa'yo." Paghingi ko ng paumanhin sa kaniya. Tinignan niya lang ako ng nakangiti pero kita ko parin sa mga mata niya ang pagdadalawang-isip.

Guilt is visible in her eyes.

Matagal ko na siyang kilala. Masyadong mataas ang kaniyang tingin sa sarili lalo na't simula noong bata pa lamang siya ay lagi na siyang pinepressure ng kaniyang ama. Sabihin na nating pangalawang ama niya. Kasalanan ko narin naman dahil hindi ko kaagad siya inintindi bagkus ay siniraan ko pa siya sa aking isip.

Masyado nang marami ang nangyari sa kaniya. Kaya nandito lang ako palagi sa tabi niya dahil kaibigan niya ako at ako lang ang may kakayahang umintindi sa kaniya.

Inilagay ko nalang ang kamay ko sa likod ng aking ulo. "Powers are really great, huh."

"Hmm, yeah. But sometimes it can be our nightmare." Sabat ni Perry sa aking sinabi. Sinamaan ko siya ng tingin pero ang lalaki ay sumipol lang at parang iniwasan ang tingin ko.

Kahit kailan talaga ang isang 'toh. Kaya hindi siya mapansin-pansin ni Mira.

Nagulat ako nang bigla na lamang may humawak sa aking kamay. Sinundan ko ito ng tingin at napagtanto kong si Verto lang naman pala ito. "W-What?" Tanong ko.

Napataas ako ng kilay nang makita ko siyang nakayuko. Ano kaya ang problema ng isang ito?

Tumalikod nalang ako at nag-umpisang maglakad. "Alam mo kung walang kang sasabihin mabuti pang—" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang bigla niyang hilahin ang kamay ko papunta sa kaniya dahilan ng pagkalaki ng aking mata. Napasandal ang aking likod sa kaniya dahil sa lakas ng puwersa ng higit niya.

Gulat na gulat parin ako at hindi maproseso ang mga pangyayari. Bakit kasi biglaan ang mood ng isang ito? Hindi ko talaga malaman kung ano ang nasa isip niya! Masyado siya laging seryoso sa mga bagay-bagay! Kahit na minsan ay may pagkasiraulo din siya.

Tumingin ako sa aking harapan at nakita ko ang mga kasamahan kong malayo na sa amin. Napangiwi ako sa inis lalo nang makita kong tumingin sa direksyon namin si Mira pero nagkibit-balikat lang siya! Kahit kailan talaga ang babaeng iyon, nakakainis!

"Hoy, wala ako sa mood para makipagbiruan Verto Lynard ah." Naasar kong saad. Hindi siya umimik pero ramdam ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Fuck! IIIIhhhh!

"Arlvena.." parang bigla na lamang may nag-ano sa aking elektrisidad sa buong katawan ko dahil sa lalim ng boses niya. Hindi, dahil siguro 'yon sa paraan ng pagtawag niya ng pangalan ko. Damn it! It's sending shivers to my skin!

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon