ARLVENA ZERIDA TURLEN
Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon ay umuwi na kami sa tinutuluyan naming hotel. Ayaw pa sana kami pauwiin ni Clementine pero dahil sa nagliliyab na si Mira ay napilitan kaming umuwi.
Natagpuan naman namin si Nariah na nasa labas ng coffee shop. Masama rin ang mood.
Hindi ko nalang sinabi sa kanila na nakita ko ang kaversion ni Perry. Hindi rin naman nila masyadong makikilala iyon.
Oo nga pala! Hindi ko naitanong ang pangalan ng lalaking 'yon na akala mo ay pasan ang mundo. Agad na kasi akong umalis dahil hindi ko nakayanan ang pressure ng hangin na nakapalibot sa kaniya.
Nandito ako ngayon sa mall na malapit sa hotel na tinutuluyan namin. Kasama ko ang mga girls ngayon dahil mga lalaki ang inassign na maghanap ng impormasyon. Kung may mahahanap.
"Where are we going?" Tanong ni Sherria sa'kin habang may hawak na cellphone.
Isa iyong gawa na mula dito sa mundo ng mga tao. Wala kaming cellphone na tinatawag nila sa mundo namin dahil sapat na ang mahika para makipagkomunikasyo kami sa isa't isa.
"Kung saan tayo mapadpad." Walang gana kong sagot. Kanina pa kasi kami paikot-ikot dito sa mall na ito pero wala kaming matipuhan. Kumpleto na ata kasi ang mga gamit namin.
"Ang galing mo talaga sumagot ng mga tanong noh?" Taas-kilay niyang sabi pero ikinibit ko lang ang balikat ko.
Busy ako sa paghahanap ng kung ano-ano.
Nakadisguise kami ngayon. Muntikan na nga kaming hindi papasukin ng guard ng mall na ito dahil daw ang weweirdo daw ng mga suot namin. Kinapaan pa nila kami dahil baka daw ay mga terorista kami.
Napagkamalan pa ngang mga terorista.
NARIAH RIYE VELNIROÑIA
Sumusunod lang kami kanina pa kay Arlvena dahil sabi niya may hinahanap daw siya.
"Ms. Nariah!" Napalingon ako sa boses na pinanggilan ng tumawag sa'kin. Napatingin rin ang mga kasamahan ko.
Namilog ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang tumawag sa'kin.
"R-Remairah?" Biglaang tanong ko. Ngiting sinalubong niya ako. Nakita ko rin si Clementine na kasama niya rin pala.
"What are you guys doing here?" Taas-kilay na tanong ni Mira. "We're going to buy a wedding gown for her wedding." Sambit niya sabay turo kay Remairah.
Nabigla ako ng bigla niya akong yakapin. Mahigpit ang pagkakayakao niya sa'kin na parang ayaw niya akong bitawan. I caught off guard.
"I want you guys to attend my wedding" Magiliw niyang pag-imbita sa'min.
Nanlaki ang mata nila Vera at hindi alam ang sasabihin. "P-Pero kakakilala niyo lang sa'min. Hindi ba't dapat nagdududa kayo?"
"Bakit naman kami magdududa sa inyo? Nakita naman namin kung gaano kayo kabait at kung paano niyo niligtas si Rem."
"P-Pero..."
"Ayaw mo nun Vera? Minsan lang naman tayo makaattend ng kasal ah! Sulitin na natin." Pang-uudyok ni Arlvena sa kaniya.
"So... what's your answer?"
"YES!"
"NO!"
At dahil do'n ay nag-away pa nga sila. Bumuntong hininga nalang ako atsaka nilibot ang tingin. Hanggang kailan kaya kami dito sa mundo ng mga tao?
Naalala ko bigla na hindi ko pa pala nabibisita ang libingan ni Sister Katie.
"Ikaw, Ms. Nariah? Pupunta ka ba sa kasal ko?" Napangiwi ako dahil masyadong pormal ang tawag niya sa'kin.

BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...