VERA KLAIRE NYMPSON
Dumating na ang pangalawang araw ng event. At katulad ng nakasanayan ay nandito ulit kami sa inassign sa amin na puwesto.
"Why so quiet, Nympson?"
Napatingin ako sa aking gilid. Oh, si Nariah pala. Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"Uhm, nothing. I guess?"
Nagkibit balikat nalang ako at pinokus ang tingin sa paligid. Mas dumami ata ang manonood ngayon. Puno kasi ng mga manonood ang buong stadium.
Mahaba-haba pa ang event na ito. Halos wala pa sa kalahati ang mga naglalaban-laban. Baka makaabot pa ito ng isang linggo.
"HELLO EVERYONE! I'm back again as the emcee of this game. Now, I will announce the category of the game in day 2!"
Nakahalumbaba lang akong nakatingin sa kanila. Nakakabagot talaga.
"THE CATEGORY OF THE DAY IS..."
Napairap ako dahil sa way ng pagsasalita niya. Naartehan ako.
"...Tag Team Battle!"
"Tag Team Battle?" Rinig kong bulong ni Nariah.
"Yes! Tag Team Battle! Where the members of Council chose two students from two different academies to pair. It's a two on two battle!"
Mukhang mahirap ang ginawa nilang laro ngayon kahit pangalawang araw pa lamang. Ang magiging kakampi mo ay mula sa ibang academy. Bakit ganito ang naisipan nilang batas sa larong ginawa nila?
Malinaw naman na malaki ang posibilidad na hindi magkasundo ang dalawang pares na kanilang pipiliin pero mismong mga miyembro ng council ang namili.
Dalawa laban sa dalawa huh?
Mukhang magiging interesado ang magiging laban.
"I WILL NOW ANNOUNCE THE PAIRS."
"The first pair, Kellia from Deidamia and Ciksura from Phantom Academy."
Nagsihiyawan ng malakas ang mga tao nang banggitin ng emcee ang unang pair na magkakampi. Mukhang mahirap ito dahil makikipagkoordinasyon ka sa taong dimo naman kilala.
Ciksura? Bakit parang ang weirdo naman nung pangalan niya? Diko narin naman problema 'yon.
"The last pair, Dalia from Quillon and Vera from Lumen Academy!"
Anunsyo niya na ikinagulat ko.
Ano daw? Ako? Ako agad?
Hinawakan ako sa balikat ni Nariah. Kinakabahan naman akong tumingin sa kaniya.
"Do you think I'll be okay?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya. Napatawa naman siya ng mahina at binatukan ako tsaka nagseryoso ng mukha.
"I know you'll be okay. You practice hard for this game right? You should kick them with all you got!" Pag-aassured niya sa akin na ikinangiti ko.
"Well, goodluck. Vera-san. Take care and also don't let your guard down." Seryosong sambit sa akin ni Herkus.
"What do you mean?" Tanong ko sa kaniya.
"I don't know but I sense something strange. I'm curious to that man named Ciksura. He's mysterious. Well, I'm not sure of it. Just be careful to him." Dagdag pa niya.
Tumango ako at ngumiti. "I will do my best." Tinanguan din nila ako.
Magsasalita na sana si Shean ngunit nilagpasan ko lang siya ng walang pasabi na para bang isa lang siyang hangin. Hindi muna ako magpapaapekto sa mga nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
خيال (فانتازيا)[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...